Category: Uncategorized

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Sison at Bartolome pinulbos sina Cian at Arca

    Nicole Sison at Arven Bartolome habang nakikipagtunggali kina Cian at Arca

    Matagumpay na napaluhod ng Tambalan ng Team A, Nicole Sison at Arven Bartolome, ang pambato ng Team B na sina Cian David at Geralden Arca, 2-0 (26-24, 21-14) matapos ang kanilang badminton mixed doubles exhibition match upang paghandaan ang paparating na PASDAM 2025 sa Enero, 29-31 at upang palakasin ang Andres Luciano Vipers sa pamumuno ni coach Ram Julius Pineda.

    “Itong exhibition match na ito ay paghahanda para sa PASDAM 2025” ani Coach Pineda.

    Humampas ng mala bulalakaw na smash si Nicole sa ikalawang set ng laban habang nagpabaon naman ng mga tira ang kaniyang katambal na si Arven Bartolome dahilan upang maipanalo nila ang laban at mapaluhod nila sina Cian at Arca, 21-14.

    Umarangkada sa una subalit bigo paring maiuwi ng Team B ang laban sapagkat ipinamalas ni Nicole ang mala tigreng opensa at matagumpay na pinadapa sina Cian at Arca.

    “Ang susi sa pagkapanalo ko ay ang aking pamilya at mga kaibigan, pati na ang pagrespeto manalo man o matalo” ani Nicole

    Samantala, nagpainit kaagad sina Nicole at Arven sa opening round at kumamada ng 5-0 run dahil narin sa mga service errors ng Team B.

    Hindi naman nagpahuli at nagpaulan din ng mga nagliliparang tira si Cian habanag matapang na dumepensa si Arca kontra sa agresibong atake nila Nicole.

    Sa huli, naisikwat parin ng Tambalan ng Team A ang panalo at tuluyan ng lumuhod sina Cian at Arca sa set score na, 2-0.

    Paghampas patungo sa pangarap

    Nicole Sison habang hawak ang kaniyang raketa

    Isang masipag na manlalaro at laging dedikadong manalo si Nicole Sison sa kaniyang bawat laro at hindi nagpapaawat lalo na pagdating sa larangan ng Badminton. Sa bawat hampas ng raketa ay mahalaga sakanya, sapagkat ginagawa niya ito dahil may inspirasyon siya at ito ay ang kaniyang pamilya.

    Walong taon palang ng unang nagsimulang maglaro ng Badminton si Nicole at agad na itong tumatak sa kaniyang damdamin. Ngayon, may paparating ng laban si Nicole kasama ng kaniyang katambal na si Arven Bartolome at ang kaniyang koponan, Andres Luciano Vipers, para sa PASDAM 2025 na nais nilang maipanalo.

    Katulad ng ibang bata, mayroon ding malaking pangarap si Nicole bilang isang manlalaro. Nais niyang maka abot sa palarong pambansa at upang mapatunayan nya sa iba na walang hadlang sa isang pangarap kung ikaw ay may dedikasyon at kayang ibinuhos ang lahat upang maipanalo ang laban kahit anumang pagsubok ang dumating.

    Isa sa mga susi sa pag abot ng kaniyang pangarap ay ang kaniyang pamilya at mga kaibigan na laging sumusuporta sakanya sa bawat laban. Ngayon, nageensayo si Nicole para sa paparating na patimpalak, at sa isip niya,sana’y magbunga ang kaniyang mga pinaghirapan at makamit ang kaniyang mga pangarap.

    Pampanga, mapapagtagumpayan paba ang CLRAA?

    Pampanga, handa naba para harapin sa susunod na Central Luzon Regional Athletics Association? Sa aking palagay, oo, dahil maraming kabataan sa Pampanga ang nangangarap na manguna sa CLRAA at makaabot ng Palarong Pambansa.

    Dahil narin sa mga naglalakasang mga probinsya, ang Pampanga ay nahihirapang maka angat sa Palarong Pambansa dahil hindi sapat ang ensayo ng bawat manalaro na panapat sa mga batikang manlalaro ng ibang Probinsya.

    Sa kasalukuyan, pang lima ang Pampanga na may 23 gold, 29 silver, at 26 broze medal. Kung nais maka angat sa Palarong Pambansa ng Pampanga, ay dapat mas tutukan pa ng mga coaches ang mga estudyanteng manlalaro at mas palakasin ang kanilang koponan.

    Sa tingin ko naman ay dapat mas lalo pang paigtingin ng mga coaches ang pageensayo ng mga manlalaro kung gusto din nilang matapatan ang ibang probinsya sa Central Luzon.

    Sa huli, mahalaga sa bawat probinsya na manalo sapagkat lahat ay gustong umangat. Sa tingin ko naman ay lahat ng manlalaro ng Pampanga ay ginawa ang lahat upang makarating sa CLRAA.

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Isang bayang kay yaman sa kultura

    Kamaru Festival Streetdance Competition

    Ang Pampanga ay mayroong labingsiyam na bayan na mayroong sari-sariling tradisyon, kultura, mga piyesta at maging sa pagkain. Isa sa mga bayan na ito ay ang Bayan ng Magalang. Isang bayan na mayroong kakaibang tradisyon at mga piyesta kung ikukumpara mo sa iba pang mga bayan sa Pampanga. Kilala ang Magalang sa kanilang Kamaru Festival, pagluluto ng Kamaru, San Bartolome Parish, at isa rin ito sa mga pinakamatandang bayan sa lalawigan ng Pampanga. 

    Ang Kamaru Festival ay isang sa mga pinagmamalaking pagdiriwang sa Magalang tuwing buwan ng Agosto naay ang kasunod ng selebrasyon ng kanilang patron na si San Bartolome. Ang Kamaru o cricket sa Ingles ay isang sikat na lutuin sa Magalang. Kung tatawagin, ito ay maituturing na ‘pride ang joy’ ng Magalang. Noong nakaraang taon ay napangalanan pa ang pistang ito bilang ‘Best Festival’ sa buong Central Luzon, marahil ay dahil sa kakaibang klasi ang pistang ito dahil kung ang iba ay pinapa-alis at pinandidirian ang mga Kamaru, pwes, sa Magalang ay kanila pa itong pinag-aagawan kapag nahapag sa kanilang mga hapagkainan. 

    Kilala rin ang Magalang sa iba’t ibang simbahan sa kanilang bayan. Isa na rito ang San Bartolome Parish Church, ang santong si San Bartolome rin ang patron ng Bayan ng Magalang at kanilang ginugunita ang kaniyang kapiyestahan tuwing Agosto, kasunod ng isa pang kilalang pista, ang Kamaru Festival. At kung Katoliko ka, malamang hindi lingid sa’yo ng istorya  ng kauna-unahang Killer Priest na si Juan Severino Mallari na pumatay ng mahigit limampung tao, at nang ginawa niya ito, siya ay isang pari sa San Bartolome Parish ng Magalang, Pampanga. 

    Iilan lamang ‘yan sa mga tradisyon at kultura na inyong makikita sa bayan ng Magalang kapag pumunta ka rito dahil ang bayan ng Magalang, tunay ngang kay ganda. Kung ikaw ay magiikot-ikot pa, marami ka pang makikitang pasyalan na maaari mong puntahan at pasyalan tulad ng mga restawran at mga kainan. Kung gugustuhin, maaari mo ring akyatin ang Mt. Arayat dahil kabilang ang Bayan ng Magalang sa mga bayang kinatatayuan ng bundok na ito. 

    Maganda rito, paniwalaan mo’ko!

    Ang Mt. Arayat

    Sa bayang aking pinanggalingan, mayroon kaming isang bundok na aming pinagmamalaki dahil sa angking ganda at istorya nito, ang Mt. Arayat. Ang Mt. Arayat ay ang pangalawa sa pinakamalaking bundok sa buong Luzon. Kung ito ay bibisitahin mo, marami kang maaring gawin na talaga namang ikagagalak mo. Mayroon ding mga pasyalang makikita rito na kapag iyong nakita, siguradong mapapa –wow ka sa tanawin na iyong makikita.  

    Isa sa mga pinakapatok na pasyalan sa Mt. Arayat ay ang Mt. Arayat National Park kung saan pwede kayong magswimming sa fresh at malamig na tubig na nanggaling sa bundok ng Arayat mismo. Ang park ay mayroong apat na swimming pool na maaari mong puntahan at languyan. Pwede ka ring maglibot-libot sa park at iyong masusulyapan ang mga nagtata-asan at mga Berdeng puno at halaman na nakatanim sa bundok. Noon ngang bata ako ay palagi ko pang niyayaya ang aking kuya na pumunta sa likod ng park dahil sa likod, mayroong falls do’n na nagbubuhos ng napakalamig na tubig, madulas nga lang kung iyong tatapakan. Pero, kung ika’y mag-iingat, ma-eenjoy mo talaga ito. 

    Iilan pa sa maari mong gawin pagpunta mo sa Mt. Arayat ay ang maghiking o magjogging. Ang trail paakyat sa bundok o papunta sa tinatawag na ‘Tree House’ sa Mt. Arayat ay patok sa mga mahilig magjogging sa umaga o maghike. Pwede rin ito sa nagr-ride o nagb-bike, kasama mo man ang iyong barkada, pamilya, o kasintahan. At syempre, hindi pa riyan natatapos. May isang pasyalan na iyong maaring puntahan. Kung sa Mt. Arayat National Park ay pwede kang magswimming, sa trail ay jogging, hiking, at biking, sa pasyalang ito, ikaw ay makapagpahinga at makakapagkape pa. Ang pasyalang ito ay ang Gintong Pakpak, medyo malayo dahil sa may bandang taas ito ng bundok ngunit masusulit naman ang iyong pagod dahil kapag pumasok ka rito, isang magandang tanawin ang bubungad sa’yo na pwede mong pagmasdan habang umiinom ng kape. 

    Bawat rehiyon sa ating bansa ay may mga bundok na ating maaaring puntahan. Dahil ang mga bundok ay isang atraksiyon para sa mga taong mahilig maglibot o naghahanap ng exciting na gawain na pwedeng maranasan. At bilang isang taong nagmula sa Arayat, buong pusong pinagmamalaki ko ang angking kagandahan ng mga tanawin at pasyalan ng aming bundok, ang bundok ng Arayat. 

    Malamig na hangin, kaysarap yakapin

    Ang kapaligiran kapag andiyan si Amihan.

    Kumpara sa ibang bansa, ang Pilipinas ay mayroon lamang iilang klasi ng pamahon, minsan maaraw, mahangin, okaya’y maulan. Pagdating naman sa hangin, mayroong dalawang uri ng ganito ang Habagat at ang Amihan, alam natin na ang Habagat ay ang hangin kapag maulan at ang Amihan naman kapag patapos na mga bagyo’t ulan sa ating bansa. Bagaman mas kilala ang Amihan bilang isang malamig na hangin, alam mo bang si Amihan ay isa ring diwata? 

    Pinaniniwalaang si Amihan ay isa sa mga pinaka-unang nanirahan sa mundo. Siya ay isang ibon na may iba’t ibang kulay tulad ng Berde, Asul at Ginto. Ang kaniyang mga pakpak ay napakalaki kaya naman bawat kumpas niya rito ay naaapektuhan ang klima ng kaniyang nililiparan. Kapatid naman ni Amihan si Habagat kung kapag si Habagat ang nandiyan, ulan ang darating, ang pagdating naman ni Amihan ay simbolo ng pagtatapos ng pag-ulan.   

    Madalas sa atin noong bata pa tayo, kapag dumarating na si Amihan at ang hangin ay lumalamig na, sasabihan na natin ang ating mga nanay na maghanda at magluto ng champorado para kauwi natin galing sa eskwela, ay mayroon tayong mirienda at katapos ay matutulog na lang buong hapon dahil sa lamig ng hangin na dala ni Amihan, talaga namang mas gugustuhin mo nalang pumasok na lang sa kwarto at matulog kaysa lumabas at mahanginan. Pero minsan, masarap din sa pakiramdam ang mayakap ng isang napakalamig na hangin, hindi ba?  

    Ayan ang pinapaalala ng Hanging Amihan sa atin kapag siya ay paparating na, mga magagandang alaala noong tayo’y mga bata pa. Hindi ba parang kay sarap balikan ang nakaraan, ang ating mga masasayang karanasan kapag si Amihan ay nandiyan na. Sa panahon ngayon, mayroong mga pista na pinagdiriwang pagdating ni Amihan at sa totoo, may mga palabas pa na tungkol sa kaniya. Ang epekto ng mga palabas na ito, hindi lamang pinapakilala si Amihan sa atin kundi pinapa-alala na rin ang ugayan natin sa ating kapaligiran. 

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Bagong Trahedya nanaman; Ang ating kakaharapin!

    Tayong mga Pilipino may isang trahedya na tayong kinakaharap at ito ang Covid19 na kung saan maraming tao ang namatay at kinakailangan i-quarantine.

    Handa naba ang Pilipinas kaharapin ang bagong trahedya? Kung handa na ating alamin kung gaano na nga ba kahanda ang Pilipinas.

    Ang mga ospital ay meron ng nakasadya na quarantine facility at mga gagamitin ng mga taong naapektuhan nito.

    Samantala, Ang mga Pilipino na man ay may sapat ng kaalaman para sa kakalabanin na trahedya dahil meron na silang karanasan.

    Mahalaga na pinaghandaan ito dahil hindi natin alam kung kailan ito kakalat sapagkat wala pa tayong eksakto kung kailan ito dadapo.

    Maiisakatuparan nga ba ang bagong batas?

    Ang bagong batas ay kinakailangan sundin ang “dress code” kung saan ang mga manggagawa ng gobyerno ay naka Filipiniana, Asian inspired at iba pa.

    Maraming tumututol sapagkat ang mga manggagawa ng gobyerno ay kapos sa pondo dahil sa sweldo nila ay may nakalaan. Tulad ng bill sa kuryente, tubig at pagkain. Paano pa nila masusundin ang batas na ito kung kulang sila sa pondo?

    Hindi lahat ng manggagawa ng gobyerno ay may sapat na pondo para dito. Kung maaari ay wag nalang isagawa ang batas na ito. Kung karamihan ay walang pondo.

    Sa aking obserbasyon, maraming Pilipino ang walang kaya keysa sa taong ay kaya. Siguro ang iba ay kaya nilang gawin ang batas na ito pero sa pampubliko ay hindi, dahil konti lang ang may kaya.

    Kung ako ang tatanungin, mas maganda kung hindi nalang ipatupad dahil hindi naman kaaya-ayang tignan kung isa sa kanila ay hindi naka Filipiniana.

    Isang santo na may dalang himala

    Lahat tayo ay mag pinagdidiriwang tuwing Enero kagaya na lamang ng Bagong Taon, Pero may pinag diriwang ang mga Katoliko na Feast of Jesus Nazareno kung tawagin, kung saan namamanata ang mga deboto.

    Maraming mga deboto ang mga namamanata dito sapagkat naniniwala sila na isang himala ang Nazareno. Dahil maraming may sakit ang mga namanata dito at hindi inaasahang gumaling sa sakit nila. Ika nga nila ay walang masama kung susubukan.

    Pero sa likod nito, May istoryang itinatatago ang Nazareno.

    Merong isang lugar na kung saan nakalagay si Nazareno, di inaasahang nasunog ito at hindi kapani paniwala ang nangyari dahil bukod tanging si Nazareno lang ang natira, kaya isang himala ika nila. At binansagan ito na Black Nazarene.

    Sa aking palagay, Kaya naging isang himala ito dahil bukod tanging isang santo lamang ang natira pagkatapos ng sunog at ito ang Nazareno.

    Kaya maraming mga deboto ang naniniwala at namamanata dito, dahil ika nga nila isang santo ito na nag papagaling at tinutupad ang anumang hilingin nila.

    Ayon sa Department of Health at Philippine Red Cross, may 800 katao ang kinakailangan ng medical attention sapagkat sa dami ng tao, di natin maiiwasan ang pagkaubos ng hininga at masugatan. Kahit ganon ang nangyare patuloy pa rin sila lumalapit sa Nazareno upang humiling at magpanata.