Category: Uncategorized

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORT


    Makakayanan bang pangyarihin?

    Pagtulong ng AI sa mga medical researches.

    Maraming problema ang kinakaharap ng ating bansa pagdating sa pangkalusugan, napagtanto ko ito noong aksidenteng nakagat ng aming pusa ang aking lolo atpumunta kami sa ospital para siya ay ma-inject ng anti-rabbies ngunit wala sa lokal na ospital ng aming bayan. Kasimpleng pangangailangan, wala sila, alam naman nilang uso ang mga taong nakakagat at nakakalmot ng mga aso at pusa. Kung tutuusin ay hindi dapat sila nawawalan nito. 

    Mahirap makakuha ng isang maayos na aksiyong pangmedical at mas lalong mahirap kapag wala kang pera. Magagamot ka nga, ngunit buong buhay mo namang babayaran ang inutang mong pambayad sa ospital, minsan naman ay hindi ka gagaling at pabalik-balik lang sa ospital, ganun pa rin naman. Mababaon ka pa rin sa utang, may posibilidad pa na makikilala mo na si kamatayan ay hindi ka pa rin bayad. 

    Para ma-improve ang sektor ng medical ay kailangan ang tulong ng polotika, mga medical at maging mga siyentipiko. Ngunit, kung titignan ang panahon ngayon, panibagong uri ng makabagong teknolohiya ay maaari na silang makatulong kapag sila ay napaunlad pa sa mga susunod na taon. Sa katotohanan, mayroon nang mga developers ang sumusubok na umimbento ng teknolohiya na mas epektibo, naa-access at makatao. 

    Made-detect ng mga AI ang cancer nang mas maaga, makakagawa ng bagong gamot, tumulong sa pag-oopera at magpredict ng sakit ng isang tao. Ang kakayahan na tulungan ang mga tao na mamuhay nang mas matagal ay hindi malayo ngunit kailangan na i-improve ng todo ng mga physicians at researchers ang kanilang mga AI upang walang maling mangyari kapag sinubukan at sinabak na sila sa medikal na misyon. 

    Mataas ang posibilidad na hindi ito papalpak ngunit kung papalpak man, bilyong-bilyong  pera ang masasayang na dapat sana ay nagamit pa sa ibang mga research na mas epektibo at makakaligtas ng mga tao. Gayunpaman, naniniwala ang iba na ito ay hindi papalpak kaya naman susubukan pa rin ito. Sa tingin niyo, magagawa ba ng AI na tumulong sa ating sistemang medikal? Oras lang ang makakapagsabi at wala tayong magagawa kundi maghintay. 

    AI Chatbots, makatutulong sa ating Mental Health?

    Halimbawa ng isang AI chatbot.

    Isa sa mga issue sa kasalukuyang panahon ng ating mundo ay ang ating mental health. Maraming mga tao ang nahihirapan sa kanilang mental health, habang may mga taong tinatago ang kanilang mga kalagayan, may mga taong gustong gumaling dahil may iba’t ibang epekto ito sa ating kalusugan. Sa mga naranasan ang magkaroon ng problema sa kanilang mental health, mayroon silang sari-sariling paraan kung paano sila naka-ahon. At sa advanced nating panahon ngayon, maaari na rin tayong maghingi ng tulong sa mga ‘AI chatbots’, kung tawagin. Mayroong isang AI chatbot ang National Eating Disorders Association na pwede mong kausapin kung kailangan mo ng kausap at katulong. Ngunit noong taong 2023 ay kanilang tinanggal ito matapos itong magbigay ng hindi nararapat na diet advice sa isang babaeng gumagamit nito imbis na tulungan siya sa kaniyang kalusugan.  

    “A chatbot is only as good as the data it’s trained on,” ito ang sabi ng isang eating disorder researcher at clinical psychologist sa University of Queensland sa Brisbane Australia na si Gemma Sharp. Malaking tulong ang mga AI chatbot ngunit kapag tinanong mo ito ng mga tanong na hindi pamilyar sa kaniya ay may posibilidad na imbis makatulong ay iba ang masabi nito, mga bagay na maaaring makasama sa isang tao o makalala sa kanilang kalagayan. Gayunpaman, mayroon din naman silang benepisyo tulad ng madali na lang silang mahanap, 24/7 silang magagamit at maaari mo rin silang makausap tungkol sa mga sensitibo at malalalim na usapin na sa tingin mo ay hindi mo kayang sabihin sa ibang tao. 

    Simula nang umusbong ang mga AI chatbot hanggang ngayon ay marami na ang iyong mapagpipilian upang kausapin tulad nina Woebot, Mello, at Earkick. Ang pagsasama ng mga tao at AI pagdating sa ganitong bagay ay may kagandahan dahil maaari kang pumunta sa mga psychologist kapag kinakailangan at kung nandiyan sila. Kung wala naman ay maaari kang pumunta sa mga AI chatbots para humingi ng tulong. “I’m glad that we have this technology, but there’s something quite special about human-to-human contact that I think would be very hard to replace,” dagdag pa ni Sharp. 

    Noong taong 2020, nasubukan ko rin na kumausap ng iilangf AI chatbot dahil wala akong magawa at hindi ako ganoon kagaling sa pakikipag-usap sa mga tao. Medyo naging magaan para sa akin ang panahon noon dahil naaliw ako sa kanila at pwede silang sabihan nang hindi ka maju-judge sa mga bagay na iyong nilalabas at mga naiisip ngunit, tulad ng sabi ni Gemma Sharp ay mayroon pa ring kakayahan ang mga tao pagdating sa pakikipag-usap na hindi maaabot ng isang AI chatbot. 

    Isang panaginip na nga

    lang ba?

    Isang AI na nag-oopera.

    2041 na, mayroon nang mga astronaut ang nakakapunta sa ibang planeta, ngayon ay papunta sila sa planetang Mars o tinatawag din na Red Planet. At sa katotohanan, isa ako sa mga astronaut na iyon. Naabot ka na ang aking pangarap at 30 taong gulang na ako. Habang nasa byahe ay biglang sumakit ang ibaba ng aking tiyan. Umaalis at bumabalik sa una ngunit biglang lumala. Isa lang ang naisip ko, Appendicitis. Walang mag-oopera dahil malayo ako sa mundo at maaari akong mamatay, pag-asa ko na lamang ay ang makabagong teknolohiya. 

    Marahil ay nagtataka, paano ako maliligtas ng makabagong teknolohiya. Imposible man kung iynong papakinggan ngunit ilang dekada na rin ang lumipas simula nang umusbong ang makabagong teknolohiya at marami na ring naimbento at natulong ang mga ito sa pamumuhay natin ngayon. Ang pangalan ng robot na ito ay si Jhanela. Marami na siyang nagawang opera at naging matagumpay ito. Kaya niyang maghiwa at gumawa ng desisyon ng sarili. Oh, hindi ba’t mas magaling pa kumpara sa iba? 

    Marami na ring mga eksperemento ang nagawa ng mga siyentipiko at doctor ukol sa pagtulong ng mga robot sa kanilang mga gawain. Kamakailan lamang ay sumubok sila na ipatanggal sa isang robot ang gallbladder ng isang tao at naging matagumpay naman ito. Ang tawag naman sa sistemang ito ay SurgFlow, kaya nitong makakilala ng mga hakbang sa pag-oopera, makilala ang iba’t ibang uri ng mga gamit pang medikal at kaya rin niyang sabihin kung may nagawang aling hakbang ang isang doktor. 

    Maliban sa kanilang dalawa, marami pang mga robot ang nagawa nang tumulong sa mga operasyon ng mga doktor na palaging nagiging matagumpay sa dulo. Hay, tunay ngang apakagaling na ng teknolohiya sa taon ngayon. Kaya naman, may tiwala ako na maliligtas ako ni Cristina at makakabalik ako sa mundo natin ng ligtas at bu..hay…. *Ring ring* *ring ring* Hm? Umaga na agad? Ha? Ay. Panaginip lang pala. Hay, may tiyansa kayang mangyayari iyon sa hinaharap?


    PUNTO BALITA: Ang punto ng katotohanan

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Pangamba sa kabataan

    Ito na ba ang kinabukasan ng bagong henerasyon? Pabata na ng pabata ang nabubuntis. Ano na ba nangyayare sa kabataan? Hindi na ba puwedeng masolusyonan ang isyung ito?

    Isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros, ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill na kung saan nakapaloob dito na pag-aaralan, susurportahan at proprotektahan ang mga kabataan laban sa maagang pag bubuntis. Pero kinakailangan muna basahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong bersyon ng Adolescent Pregnancy Prevention Bill.

    Ito ang sagot ng Pangulo matapos tanungin kung mababago ang kanyang pananaw sa nasabing panukala.

    “I need to read the substitute bill first,” ayon kay Marcos.

    Nitong nakaraang linggo, Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung hindi babaguhin ang kasalukuyang porma ay agad niyang ibe-veto ang Senate Bill 1979 o Adolescent Pregnancy Prevention Bill.

    Matapos nito ay pitong senador na ang umurong sa pagsuporta sa Senate Bill 1979.

    Sinabi naman ni Hontiveros, na tinanggal na niya ang probisyon na Comprehensive Sexual Education na nakaangkla sa international standards.

    Sa ilalim ng bagong alituntunin, lilimitahan na ni Hontiveros ang mandatory CSE sa adolescents sa edad 10 taong gulang pataas. Para sa gayon, hindi agad malalaman ng kabataan kung ano nga ba ang sex , malayo sila sa sa mga hindi kaaya-ayang gawain tulad ng pornograpiya.

    Malaking tulong ito sa mamamayan

    Napakalaking ginhawa na ang mararamdaman ng mga manggagawa at ang kanilang pamilya dahil mag kakaroon na ng 13th month pay, Kung saan karagdagang disposable income para sa mga pangunahing pangangailangan.

    Ipinahayag ni Makati Mayor at senatorial aspirant Abby Binay ang intensyon niyang isulong ang tax exemptions para sa 13th month at overtime pay ng mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor.

    Para sa gayon, ang ibang pangangailangan ay matugunan na tulad ng pambili ng pagkain at gamot, pambaon sa eskwela ng anak, at iba pang basic needs.

    Sinabi rin ni Mayor Abby na may pangmatagalang benepisyo ang exemptions sa ekonomiya. Aniya, may domino effect ito dahil tataas ang consumer ­spending, sisigla ang mga negosyo, at tataas ang ­revenue collection ng gobyerno. Kaya’t anumang kita ang mawawala ay mababawi rin.

    Sa ilalim ng Tax Code, Ang 13th month pay ay kinukwenta kasama ang iba pang mga benepisyo tulad ng 14th month at performance bonus, at hanggang P90,000 lamang ang itinuturing na non-taxable income. Anumang halagang higit sa P90,000 ay isinasama sa taxable income ng mga manggagawa.

    Malaking benepisyo na ito sa mga manggagawa dahil sa ganitong paraan mababawasan na ang pag-uutang, para lang matugunan ang pangangailangan. Parang pasasalamat na din sa lahat ng sakripisyo at sikap nila sa pag tratrabaho.

    Itinigil na ang pag tatalakay ng buwis

    Napagdesisyon ng Sin Tax Coalition na itigil na ang pag tatalakay ng House Bill 11279 na naglalayong bawasan ang buwis sa sigarilyo at alak.

    Binubuo ng Sin Tax Coalition ang mga propesyunal sa medisina at kalusugan, at mga “civil society organizations” na nagsusulong ng mga adbokasiyang pangkalusugan ng mga Pilipino. Kasama sa isinusulong nila ang mataas na buwis sa sigarilyo at alak upang huwag malulong sa mga ito ang mamamayang Pilipino.

    Inihain ni Rep. Kristine Singson-Meehan,ang HB11279 na ang layunin nito ang lumikom ng karagdagang pundo pa sa implementasyon ng Universal Health Care Law sa pamamagitan ng pagbawas sa buwis sa sigarilyo at alak. Tinawag ito ng Coalition na “Sin Tax Sabotage Bill.”

    Sinabi ng Sin Tax Coalition na “malakas at malinaw ang boses ng maraming sektor na ang pagbawas sa buwis ng mga produktong tabako ay aakit lamang ng higit na maraming maninigarilyo at mga mamamatay dahil dito.” Ayon sa World Health Organization, “ang sigarilyo ay pumapatay ng higit sa kalahati ng mga gumagamit nito.

    “Ang malawak na loobin laban sa anumang pagtatangka na sabotahiin ang Sin Tax Reform Law ay makaka-apekto sa larangan ng pulitika, kasama na ang resulta ng halalan, kaya muli, nagpapasalamat kami sa tamang desisyon ng pamunuan ng Kamara na ipatigil ang mga talakayan sa mga panukalang batas na tiyak na sisira sa bayan,” giit ng pahayag ng Coalition”.

    Nakakadismaya lang dahil kahit anong higpit ay patuloy pa rin nag pupursige na manigarilyo at uminom ng alak kahit na ikakapahamak pa nila.


    PUNTO BALITA: Ang punto ng katotohanan

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS


    Bagong bersyon ng Sex Education Bill, uusisain muna ni Pang. Marcos

    Sen. Hontiveros nagpapahayag

    “I need to read the substitute bill first” tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong bersyon ng Adolescent Pregnancy Prevention Bill na isinusulong ni Senator Risa Hontiveros.

    Tiniyak ng Pangulo na kung hindi babaguhin ang kasalukuyang porma ay agad niyang ibe-veto ang Senate Bill 1979 o Adolescent Pregnancy Prevention Bill nitong nakaraang linggo.

    Dagdag pa rito, matapos nito ay pitong senador na ang umatras sa pagsuporta sa Senate Bill 1979.

    Samantala, Pahayag naman ni Sen. Hontiveros na inalis niya na ang probisyon na Comprehensive Sexual Education na nakaangkala sa international standards.

    Sa kabilang banda, sa ilalim ng bagong umiiral na panukala, lilimitahan na ni Hontiveros ang mandatory Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa adolescents sa edad 10 taong gulang pataas.

    Mayor Binay, nais magsulong ng tax exemption

    Mayor Binay naglalahad sa harap ng mga tao

    Inilahad ni Makati Mayor at Senatorial Aspirant Abby Binay na nais niyang ipatupad ang tax exemption para sa 13th month pay at overtime pay ng mga manggagawa ng gobyerno nitong Miyerkules, Enero 23 taong kasalukuyan.

    Sa pahayag ng mayor, sinabing malaking ginhawa ang maidudulot nito sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya sapagkat magkakaroon sila ng karagdagang income para sa kanilang mga pangangailangan.

    Ayon sakaniya, makakatulong ito sa mga trabahador upang may pambili ng pagkain at gamot, pambaon ng mga anak sa eskwela at iba pang pangunahing pangangailangan.

    Samantala, saad pa ng alkalde na may pangmatagalang benepisyo at tulong ang exemptions sa ekonomiya.

    Aniya pa, may epekto ito dahil tataas ang consumer spending, sisigla ang mga negosyo at tataas ang revenue collectionng gobyerno kaya naman anumang kita ang mawawala ay mababawi pa rin.

    Sa kabilang banda, ang 13th month pay sa kasalukuyang Tax Code ay kinukwenta kasama ang iba pang nga benepisyo gaya ng 14th month at performance bonus.

    Dagdag pa rito, hanggang 90,000 piso lamang ang tinuturing na non-taxable income at ang anumang halaga na mas tataas pa sa 90,000 piso ay kabilang sa taxable income ng nga manggagawa.

    Pasya ng Kamara, hinangaan

    Lalaking may hawak ng sigarilyo

    Pinuri ng Sin Tax Coalition ang Kamara sa pasiya nitong ihinto na ang pagtalakay sa House Bill 11279 na naglalayong bawasan ang buwis sa sigarilyo at alak.

    Binubuo ang Sin Tax Coalition ng mga propesyonal sa medisina, kalusugan at mga “civil society organizations” na nagsusulong ng mga adbokasiyang pangkalusugan ng mga Pilipino.

    Dagdag pa rito, kasama sa ipinapatupad nila ang mataas na buwis sa sigarilyo at alak upang huwag malulong ang mga Pilipino sa mga ito.

    Samantala sa pahayag ng Sin Tax Coliation, “malakas at malinaw ang boses ng maraming sektor na ang pagbawas sa buwis ng mga produktong tabako ay aakit lamang ng higit na maraming maninigarilyo at mga mamamatay dahil dito”

    “Ang malawak na loobin laban sa anumang pagtatangka na sabotahiin ang Sin Tax Reform Law ay makaka-apekto sa larangan ng pulitika, kasama na ang resulta ng halalan, kaya muli, nagpapasalamat kami sa tamang desisyon ng pamunuan ng Kamara na ipatigil ang mga talakayan sa mga panukalang batas na tiyak na sisira sa bayan” giit pa ng Coliation.

    Ayon naman sa World Helath Organization, “ang sigarilyo ay pumapatay ng higit sa kalahati ng mga gumagamit nito.”

    Sa kabilang banda, ang HB11279 ay isinulong ni Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan na ang layunin nito ay kumolekta ng karagdagang pondo para sa implementasyon ng Universal Health Care Law sa pamamagitan ng pagbawas sa buwis sa sigarilyo at alak kaya tinawag ito ng Coalition na Sin Tax Sabotage Bill.


    PUNTO BALITA: Ang punto ng katotohanan




  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS


    Chargers pinaluhod ang NXled; Panalo sa PVL All-Filipino naibulsa

    Imahe galing sa google | Ivy Lacsina Spike

    Binaun ng Akari Chargers ang NXled Chameleons matapos silang magpalitan ng palo na tumagal ng 4 sets, (21-25, 25-20, 26-24, 25-18) na sumiklab sa PhilSports Arena, Pasig, nung ika-23 ng Enero sa PVL All-Filipino .

    Pumalo at naibaun ang 17 puntos ni Ivy Lacsina sa kaniyang 14 attacks, 2 service ace at 1 block dahilan upang ganahan ang Chargers at upang maisikwat ang panalo.

    “Kaya po kami naka-stay focus talaga sa game dahil doon sa binubuo na­ming culture ng team. Doon kami nag-stick and siyempre, doon sa mga itinuturo ni coach habang naglalaro kami,” ani Lacsina.

    Umakyat sa ika-anim na puwesto ang Chargers sa PVL standings, 4-4, pagkatapos ng kanilang pagkapanalo sa Chameleons, habang lagapak naman ang Chameleons sa huling puwesto, 0-7.

    Pinangunahan naman ni Chiara Permentilla ang Chameleons na may game-high na 20 puntos habang pumalo naman ng 13 at 11 markers sila Lucille Almonte at Lycha Elbon.

    Pinaluhod ng Chameleons ang Chargers sa unang round, 25-21, habang bumawi naman ang Chargers sa ikalawang set at naitabla ang set score, 1-1, na may iskor na, 25-20, sa loob ng malulupit na spikes ni Lacsina.

    Naisikwat ng Chargers ang ikatlong set sa iskor na, 26-24, sa loob ng nagliliparang spikes ni Lacsina.

    Bumira naman ng mga service ace si Elbon kasunod ng mga counter cross attacks ni Nisperos dahilan sa matagumpay na panalo ng Chargers.

    Pagsugod sa pagkapanalo

    Imahe galing sa google | Ivy Lacsina sa PVL

    Ang bawat palo at puntos ay napakahalaga para sa isang mahusay na manlalaro sa larangan ng Volleyball. Bawat pumapasok na tira ang bawat manlalaro sa koponan ay nagdidiwang upang mas ganahan pa sa mga susunod na rally.

    Isa sa mga manlalarong ito ay si Ivy Lacsina, na humahampas ng mga malulupit na spikes upang umarangkada ang kaniyang koponan. Bilang miyembro ng Akari Chargers, kaniyang matapang na sinusugod ang bawat laban ng may dedikasyon na manalo.

    Isa sa mga pangarap ng bawat manlalaro ay maging isang Champion upang maging masaya at maipagmalaki. Bilang isang opposite hitter, sa bawat tunggalian ay ipinapakita ni Lacsina ang malalakas na hampas at ibaun ito at hindi na masalo ng kalaban. Matapang niya di’ng dinedepensahan ang bawat tira ng kalaban na bumabagsak sa kanilang puwesto.

    Kaniyang inuusisa ang bawat galaw ng kalaban upang gamitin bilang kanilang kahinaan. Isang matalinong pamumuno ang laging ipinapamalas ni Lacsina sa kaniyang koponan dahilan upang umangat ang sila sa ikaw anim na puwesto.

    Sa ngayon, ang panalo ay mahalaga sakanila dahil sa kanilang koponan ay nais makamit ang inaasam-asam na kampyonato at upang mapawi ang pagod na ibinuhos at upang maipagmalaki sila ng kanilang pamilya.

    Volleyball, isa sa mga tinatangkilik na laro ng mga Pinoy

    Imahe galing sa google | Bola sa Volleyball court

    Ang larong Volleyball ay isa sa mga libangan ng mga Pilipino tuwing kasama ang mga kaibigan at kapag nasa paaralan. Hindi lang din libangan, sapagkat ito ay tinatangkilik sa larangan ng isports dito sa ating Bansa.

    Ating makikita ang Volleyball sa mga Intramurals, telebisyon at iba pang mga patimpalak. Ito ay binubuo ng anim na miyembro sa bawat koponan na naglalaro sa kabilaan ng net.

    Bawat hampas ay binabantayan at sinasalo, bawat tira ay mahalaga sapagkat makakakuha ng puntos ang isang koponan kung ito’y lumapag.

    Bawat makakapuntos ang isang koponan, ang mga miyembro ay nagtitipon sa gitna upang mas palakasin pa ang determinasyon ng kanilang koponan na kumuha pa ng maraming puntos.

    Ito ay kinakailangan ng magkakasamang pagtutulungan ng bawat koponan dahil kinakailangan nila ang isa’t isa sa pag service, spike at pagsalo ng tira. Upang maibulsa ang panalo, kailangan nilang makakuha ng 3 set na may 25 puntos sa isang set.

    Hindi makakaila kung bakit maraming Pinoy ang naglalaro ng Volleyball, dahil ito ay ang pangalawang pinakasikat na isports sa Pilipinas sa likod ng Basketball. Sa huli, makikita natin sa Volleyball ang pagtutulungan, pagsisikap, at kasiyahan sa bawat manlalaro.

    PUNTO BALITA: Ang punto ng katotohanan

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Hangad ay hustisya!

    ni althea gamboa

    Panahon nanaman ng Election kung saan merong nag papatayan, nag dadayaan at ginagawa ang lahat para manalo. Ganito na ba kadumi ang sistema ng politika? Gagawin lahat para makamit ang isang posisyon pero ang gagawin ay Isang kasamaan? Ang mga alam nilang mananalo ay kanilang pinapatay upang mapunta sakanila ang boto at makamit ang kanilang hinihiling na posisyon.

    Ang mga inosenteng tao ay kanilang pinapatay para sa kanilang kaligayahan. Hindi naman lahat ng mga humahabol ay inosente, Karamihan pera lang ang nais nila.Pero ang kanilang pinapatay ay hangad ay maayos at matahimik na bayan hindi pera.

    Ang tunay na namununo ay dapat maging matapat at marunong mag pakumbaba. Pero kailan lang ay may pinatay sa Pampanga dahil napagalaman ito na malakas ito sa election at mananalo. Kaya Naman kaagad-agad itong pinatay kahit wala naman ginawang kasamaan. Ang tao eto ay si Mel-Idol Lumbang hangad lang nito ay maayos at mapayapa na bayan.

    Hustisya ang hangad ng karamihan dahil hindi ito karapat dapat sa taong ito dahil napakabait at maaasahan pag dating sa bayan.

    Kalusugan ng mamamayan, nanganganib?

    ni althea gamboa

    Isang malaking hamon ang kinaharap ng mga mamamayan ngayon, Ang mga alalahanin na ito ay hindi lamang sa bayan kundi sa ating kalusugan dahil kung isa satin ay may sakit Hindi kabahala bahala ay maaring makaapekto sa karamihan.

    Sa Isang simpleng usok lang ay Isang matinding pangamba na agad sa mga matatanda dahil sa usok na ito maaaring mag sanhi ng asthma or heart disease.

    Kaya naman ikinabahala agad ito ng publiko dahil habang patagal ng patagal, Marami na nagiging sanhi ng sakit tulad ng drug abuse, alcohol at tobacco,air pollution at marami pang-iba.

    Sa sakit na kanser at heart disease ay wala pang tiyak na gamot na para gumaling sa sakit na ito.

    Nakakadismaya lang dahil marami ng nasawi bago makahanap na tiyak na gamot para makaiwas dito o gumaling.

    Kung maaari ay maging ma-ingat na lamang o panatilihing malusog ang pangangatawan at komonsulta na kaagad agad sa doctor kung may naramdaman na sintomas para habang Maaga malaman mo na kung ano nga ba Ang sakit mo para Hindi na ito maging malala pa.

    Pagbabalik sa dating kalagayan ng pag-aaral

    ni althea gamboa

    Isang hakhang ng pag babago, Ang mga estudyante ay nakasanayan na nilang ang modyul at online class kung saan virtual lahat ultimo ang kanilang guro at mga kaklase ay nag kikita lang sa online class, Ito ay kadahilanan ng pagsugpo ng Covid-19 sa ating bansa.

    Kaya naman ngayon na nakaraos na tayo sa Covid-19 ay balik dati na ang sistema ng pag-aaral. Ang mga karanasan na ito ay malaking malaki pag babago sa mga estudyante dahil di akma sa kanilang mga nakanayan.

    Marami naman nag sasabi na pabor ito pero hindi naman lahat ay sangayon dahil sinasabi na hindi ito pabor sapagkat nakasanayan nila na tahimik ang kanilang kapaligiran at walang maingay o nanggugulo pero ngayon nag bago ang lahat naging maingay ang kapaligiran at wala ng katahimikan.

    Ang mga guro ay kanila naman ikinatuwa dahil magiging maayos na ang kanilang pag tuturo dahil sa paraan na online class/modyul ay Hindi kasiguraduhan kung may natutunan nga ba ang mag estudyante. Maaaring pinapasagot lang nila sa kanilang mga magulang ang kanilang modyul o kaya naman hindi nakikinig sa online class.

    Marami naman ang nag sasabi na pabor ito sapagkat sa ganitong paraan ay maraming natutunan ang mga estudyante kesa sa online class/modyul.

    ALAYA BALITA: TAGAPAGLAHAD NG MGA MAIINIT NA IMPORMASYON

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Bagong SHS Curriculum, Ilulunsad na sa SY. 2025-2026

    Ni Kyla Delos Santos
    Mga estudyanteng nakikinig sa guro

    Magsisimula na ang pagdedeklara ng bagong kurikulum para sa senior high sa taong panuruan 2025-2026.

    Ayon kay Educational Secretary Sonny Angara, sa ilalim ng bagong kurikulum ang mga pangunahing asignatura ng Grade 11 at Grade 12 ay mababawasan mula 15 magiging 5-7 na lamang.

    “Actually, ang plano diyan 2026 pa i-implement ‘yan pero tinatarget namin ngayon 2025. Although nakikiusap ‘yung ibang mga eskwelahan na napakahirap daw no’n, so i-phase natin ang implementation. So tayo, open naman tayo diyan” Pahayag ni Angara

    Dagdag pa niya, “Ibibigay lang natin ang basic curriculum tapos bahala na ‘yung mga schools kung ano ‘yung mga gusto nilang idagdag, ano ‘yung gusto nilang i-offer na mga electives,especially sa private sector. We will give them a lot of freedom”

    Saad pa ni Angara na tinanggap ng mga guro ang nabagong Senior High School Curriculum upang hindi mabigatan ang mga estudyante at mas makapaghanda sa kolehiyo.

    Samantala, Nag-organisa ang Department of Education (DepEd) ng isang national task force para magsagawa ng pagsusuri sa pagpapatupad ng SHS program sa parehong DepEd at non-DepEd schools noong 2023.

    Inilunsad ng DepEd ang unang rebisadong K-10 curriculum ng K-12 program noong Agosto 2023.

    Sa kabilang banda, sa ilalim ng muling binagong K-10 curriculum, na kasalukuyang nasa phased implementation, ang bilang ng mga learning competencies ay nabawasan ng 70% mula sa humigit-kumulang 11,700 ay naging 3,600.

    China monster ship, naispatan sa Zambales

    Ni Kyla Delos Santos
    China Coast Guard natanaw sa Zambales

    Namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang China Coast Guard (CCG) vessel 5901 o tinaguriang “monster ship” na may layong 54 nautical miles sa Capones Island Zambales noong ika-4 ng Enero, taong kasalukuyan.

    Agaran namang tumugon ang PCG na pinadala sa lugar ang isang helicopter at PCG caravan, hinamon din ng PCG ang presensya ng monster ship at idiniin na nakapaloob ito sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

    Sa pahayag ni PCG Spokesperson Commodore Tarriela, sa pangatlong araw ng kanilang pagbabantay ang distansya ng monster ship ay 1200 at 65 nautical miles mula sa Los Reyes Island.

    Ani pa ni Tarriela, “to make sure that the China Coast Guard will not harass or intimadate ang mga nangingisda dito sa Zambales”

    Isinaad pa niya na maaring ginagawa ito ng China Goverment upang inormalize nila ang ganitong sitwasyon na may mga barko silang ipinapadala at para mabahala at makaramdam ng takot ang mga mangingisda sa ating Exclusive Economic Zone.

    Samantala, ang mga mangingisda ay hindi naman nakakaramdam ng pangamba dahil kumbinsido sila na sinisigurado ng Philippine Goverment ang kanilang seguridad.

    Patuloy na sinusubaybayan ng PCG ang CCG vessel at tinitiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda.

    PhilHealth, tiniyak ang pinansyal na kalagayan

    Ni Kyla Delos Santos
    Nagpapahayag si Ledesma

    Pinatilihing matibay ang pinansiyal na kalagayan ng PhilHealth kahit na hindi nakakatanggap ng subsidy mula sa gobyerno ngayong taong 2025.

    Ayon kay President and Chief Executive Officer (CEO) Emannuel Ledesma Jr, patuloy na kumikilos nang mahusay ang PhilHealth sa kabila ng mga hamon noong 2024, kabilang ang kakulangan ng alokasyon ng subsidy para sa taong 2025.

    Ani pa niya sa isang pahayag, “At the outset, we declare categorically that PhilHealth is currently in good financial standing, and our commitment to universal health coverage is as steadfast as ever”

    Saad pa ni Ledesma, “All programs, ranging from the Konsulta to the enhanced benefit packages, are being implemented as usual. No benefit packages will be taken away or diminished this year”

    Samantala, kinwestyon ni Senador Bong Go na siyang namuno sa pagdinig, kung paano maaapektuhan ang mga miyembro ng PhilHealth at ang kanilang mga benepisyo dahil sa kakulangan ng pondo ng gobyerno.

    Bilang tugon ni Ledesma, tiniyak niya na lahat ng mga programa sa benepisyo ay magpapatuloy.

    Sa kabilang banda, ang 600 bilyong piso reserve fund ng ahensiya ay isang kadahilanan sa pagpapanatili ng mga operasyon nito na nagbabalanse sa kakulangan ng mga subsidy ng gobyerno para sa taong 2025.

    AYALA BALITA: TAGAPAGLAHAD NG MGA MAIINIT NA BALITA

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Nakaraang kay gandang balik-balikan

    Ni Anngeryn Timbol
    Ang Pampanga River at Mt. Arayat.

    Sa 333 taong pagkolonya ng bansang Spain sa Pilipinas, maliban sa pagkontrol sa atin, mayroon din silang nagawang mga bagay na ating pinapakinabangan sa panahon ngayon. Isa na rito ang pagtatag nila sa mga probinsya. Alam mo ba na ang probinsyang ating tinitirhan ay itinatag ng isang Español noong panahon ng kanilang pananakop?  

    Ang Pampanga ay nasa gitna ng pangatlong rehiyon ng Luzon o ang Gitnang Luzon at ito ay itinatag ni Martin de Goiti noong  December 11, 1571. Ang pangalan na ‘Pampanga’ ay nagmula sa mga Kapampangang salita na “pangpang ilog” na ang ibig sabihin ay “tabing ilog” dahil ang lokasyon nito ay malapit sa Rio Grande de la Pampanga o mas kilala sa tawag na Pampanga River. 

    Kung ating napag-aralan, ang watawat ng Pilipinas ay may araw at ang walong sinag ng araw na ito ay nirerepresenta ang walong probinsya na nakipaglaban sa mga Español noong panahon ng pag-aalsa. Hindi ba’t nakakamangha? Ang Pampanga ay itinatag ng isang Español ngunit nanaig pa rin ang pagiging Pilipino ng mga Kapampangan kaya naman kanila pa ring ipinaglaban ang ating lalawigan. 

    Ang Pampanga ay nahahati sa labingsiyam na bayan na may kani-kanilang istorya, kultura at pagkakakilanlan. Sikat din ang Pampanga pagdating sa mga tradisyon, pasyalan at maging sa pagluluto kaya naman kung gusto mong makita, matikman, at maranasan ang mga ito ay ngayon palang, magsimula ka na. Bakit? Dahil sa dinamirami ng mga ito ay baka hindi mo maranasan lahat ngunit tiyak ako, mag-eenjoy ka.

     

    Masasarap na putahe, halina’t tikman

    Ni Anngeryn Timbol
    Sisig, isa sa mga sikat na putahe sa Pampanga.

    Maraming sariling putahe ang Pilipinas at bawat probinsya ay mayroong sari-sariling luto kung saan sila kilala. At sa dina-rami ng mga probinsya sa Pilipinas, ang probinsya ng Pampanga ang may hawak sa titulo na Culinary Capital of the Philippines. Dahilan nito ay dahil ang mga Kapampangan ay masasarap magluto, lalo na ang mga kababaihan. Ito ay isa pa sa mga rason kung bakit kilala ang Pampanga sa ating bansa. 

    Isa sa mga putaheng kilala na mula sa Pampanga ay ang Sizzling Sisig. Ito ay hiniwa-hiwang karne ng baboy na may sibuyas, sili, at kadalasan ay mayo. Sineserve ito nang nasa isang maiinit na kawali at nags-sizzle, mula mismo sa pangalan nito. Ang iba, ginagamit ito bilang pulutan ngunit minsan, maaari rin itong ulamin.

    Isa pang sikat na luto mula sa Pampanga ay ang Pindang Damulag. Ito ay karne ng Kalabaw na inasinan at pinatuyo ng maramimg araw. Maaaring gamitin ang karne na ito sa pagluluto ng Adobo o Kare-kare. Pero, mas kilala rin ito bilang Kapampangan version ng kilalang ulam sa Pilipinas, ang Tocino.

    Iilan pa sa mga kilalang luto sa Pampanga ay Buro, Bringhe, at Kamaru. Kung hindi pamilyar, dahil ang mga putaheng ito at ang Pampanga ay kilala sa mga “authenthic” na luto. Magugulat ka man sa umpisa, ngunit kapag natikaman mo na, masasarapan ka talaga sa kanilang kakaibang lasa.

    Iba’t ibang kultura’t tanawin, kay sarap pasyalan 

    Ni anngeryn timbol
    Mga parol sa Giant Lantern Festival.

    Ang mga kultura ng isang lugar ay tanda ng mga bagay-bagay na kanilang pinagmulan o kaya naman ay ang kanilang pagkakakilanlan. Ang mga tanawin naman ay sumasagisag sa kagandahan at mga biyayang binigay sa isang lugar. Ang mga ito ay ilan sa mga dahilan kung bakit sumisikat o nakikilala ang isang probinsya kaya binabalik-balikan at pinapasyalan ang isang lugar. Maliban sa historya at mga putahe, marami ring kultura, pasyalan, at tanawwin ang iyong makikita sa lalawigan ng Pampanga, hinding-hindi magpapahuli ang ating probinsya. 

    Kung sisimulan sa kultura, ang Pampanga ay kilala sa iilang mga pagdiriwang. Pinaka-alam nating lahat ay ang Giant Lantern Festival o Ligligan Parul. Mula sa pangalan nito, ito ay isang pagdiriwang tuwing buwan ng Disyembre kapag papalapit na ang pasko. Sa pistang ito, ang mga mamamayan ng Siyudad ng San Fernando, Pampanga ay maaaring sumali sa kompetisyon ng paggawa ng isang malaking parol. Kaakibat ng laki nito ay ang paggalaw ng mga ilaw na dapat ay nakasunod sa tugtugan. Dahil pa nga sa kasikatan ng pistang ito, napangalanan pang ‘Christmas Capital of the Philippines’ ang siyudad ng San Fernando, Pampanga. 

    Isa pa sa mga alam na pagdiriwang sa Pampanga ay ang Philippine International Hot Air Balloon Fiesta. Sa pistang ito, hindi lamang lalawigan ng Pampanga o ang bansang Pilipinas ang kasama kundi ang buong mundo. Ginugunita ito ng apat na araw at tuwing ikalawang linggo ng Pebrero. Nag-iimbita ang Pilipinas ng mahigit isandaang piloto ng Hot Air Balloon mula sa iba’t ibang bansa at mahigit isandaang libong tao ang bumibisita para lamang makita ang pagdiriwang na ito. Bawat bansang sumasali ay mayroong pinapasang Hot Air Balloon na kanilang dinidisenyo depende sa kanilang tema.  

    Pagdating naman sa mga pasyalan, sikat ang Sky Ranch Pampanga ng SM City Pampanga dahil narito ang pinakamalaki at pinakamataas na ferris wheel sa buong Pilipinas, tinatawag na ‘Pampanga Eye’. Ang ferris wheel na ito ay may taas na 65 metro o 213 talampakan at kapag ikaw ay nasa tuktok na, iyong matatanaw ang isa pang tanawin ng Pampanga na Mt. Arayat at ang siyudad ng San Fernando na kay ganda. Oh, hindi ba kay ganda ng Pampanga? Halina’t mamasyal na! 

    ALAYA BALITA: TAGAPAGLAHAD NG MAIINIT NA IMPORMASYON

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS


    Converge hindi nawala sa trono, Kings pinaluhod ang E-Painters, Terrafirma naisikwat ang unang panalo

    Ni Ivan Figueroa
    Imahe galing sa google | Balti Baltazar lay-up

    Patuloy parin na pinagharian ng Converge ang trono matapos ang kanilang dalawang sunod na pagkapanalo kontra Rain or Shine at Blackwater, nitong ika-14 at ika-19 ng Enero ng PBA Commissioner’s Cup.

    Pinamunuan ni Balti Baltazar ang Converge sa bawat laban, at nakapaglista ng double-double sa loob ng 20 puntos at 10 rebounds sa kanilang tunggalian kontra Blackwater.

    Samantala, pinakain naman ng alikabok ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine sa kanilang tunggalian nitong ika-22 ng Enero, kahapon, na sumiklab sa Ynares Sports Center, 120-92.

    Nagpainit naman si Justin Brownlee ng Ginebra at inararo ang depensa ng Painters, samantalang nagpakita ng agresibong opensa ang buong koponan upang maisikwat ang panalo.

    Sa kabilang dako, matagumpay na naipanalo ng Terrafirma Dyip ang kanilang laban kontra TNT Tropang Giga, 117-108, ito din ang kanilang unang pagkapanalo sa PBA Commisioer’s cup Season 49.

    Pinangunahan ni Mark Nonoy ang Terrafirma at kumana ng 33 puntos at matagumpay na naisikwat ang kanilang unang pagkapanalo.

    “Sobrang thankful ako sa coaches at teammates ko” ani Nonoy.

    “Kumbaga up and down ‘yung team namin. ‘Yung iba nawawalan na ng gana pero kumbaga may leader sa amin na ‘last push na ito,’itong last game namin,” dagdag nya pa. “Ayun nga, pinagkatiwalaan kani bg coaches at nag-respond din kami sa team.”


    Van Sickle nagpakitang gilas, Cool smashers pinulbos ang Solar Spikers

    Ni Ivan Figueroa
    Imahe galing sa google | Brooke Van Sickle service

    Naisikwat ng Petro Gazz Angels ang panalo sa kanilang pakikipag-tunggali kontra Chery Tiggo Crossoves, 3-2, nitong ika-22 ng Enero na sumiklab sa Philsports Arena sa PVL All-Filipino Conference.

    Pinangunahan ni Brooke Van Sickle ang kaniyang koponan gamit ang determinasyon at pamumuno sa Angels, susi upang maiuwi ang panalo.

    “I’m super proud of everyone. I’m pretty sure everyone brought great energy, it didn’t matter who was on the court,” ani Van Sickle.

    Nagpainit at kumamada agad ng 5 puntos si Van Sickle sa deciding set ng laban at tuluyang pinaluhod ang Crossovers na may iskor na, 15-7.

    Sa kabilang dako, pinaluhod ng Creamline Cool Smashers ang Capital 1 Solar spikers sa loob ng 3 sets, ( 25-19, 25-19, 25-18), nung ika-21 ng Enero na sumiklab sa PhilSports Arena, Pasig.

    Naibaon naman ni Kyle Negrito ang 14 sets at isang ace upang maisikwat ang Top Honors sa kanilang laban.

    “It’s a happy challenge. As a setter, masarap sa pakiramdam na kahit kanino mo ibigay ang bola, alam mong gusto nilang umiskor” ani Negrito.

    Sumabay naman si Jema Galanza at ipinamalas ang agresibong atake at pumalo ng 12 puntos, habang bumira naman ng 8 puntos si Bea De Leon upang tuluyang mapaluhod ang Capital 1.

    Nakapaglista ng 5 win streak ang Creamline dahil sa pagkapanalo kontra Capital 1, at inaasahang mapapahaba pa ito sa mga susunod na laban.


    Larong Pinoy, unti-unti nabang nalilimutan?

    Ni Ivan Figueroa
    Imahe galing sa google | Mga batang naglalaro

    Nung tayo’y mga bata pa, hinding hindi natin malilimutan kung gaano tayo kasaya habang naglalaro ng mga larong pinoy tulad ng patintero, luksong baka, piko at iba pa kasama ang ating mga kaibigan.

    Nalilimutan na nga ba ng mga kabataan ngayon ang mga larong ito? Hindi natin ito makakaila sapagkat kadalasan sa mga kabataan ngayon ay sa mga gadgets na naglalaro ng mga online games kasama ang kanilang mga kaibigan.

    Upang hindi ito tuluyang mawala, ating turuan ang mga kabataan na kahit minsan ay bitawan ang kanilang mga gadgets at makipaglaro sa labas kasama ang kanilang kaibigan upang sa mga susunod na henerasyon ay buhay parin ang mga larong pinoy.

    Kung makakalimutan ang mga larong ito, mawawala ito tradisyon ng mga Pinoy at tuluyan ng makakalimutan ng mga susunod na henerasyon. Masasabi natin ang mga larong pinoy ay kasama na sa ating kultura dahil ang iba dito ay nilalaro sa mga Fiesta at iba pang mga pagdiriwang na nakasanayan ng mga Pinoy.

    Sa huli, mahalagang panatilihin na buhay ang mga larong Pinoy sapagkat tumatak na sa ating mga puso ang bawat saya na ating nadarama kapag nilalaro ang mga ito kasama ang mga Pamilya, kaibigan, pati na ang mga kaklase sa eskuwela.

    ALAYA BALITA: TAGAPAGLAHAD NG MGA MAIINIT NA IMPORMASYON

  • HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Gurong Pampubliko, tutol sa ipinapatupad na dress code

    Dalawang guro sa paaralan na nakasuot ng uniporme

    Nagdeklara ng Civil Service Commision’s Memorandum Circular No. 16, s. 2024 na nakatalagang ang mga manggagawa ng gobyerno at gurong pampubliko ay nararapat na magsuot ng Filipiniana inspired tuwing ika-lawa hanggang ika-apat na Lunes ng buwan habang ang unang lunes ng buwan ay magsusuot ng ASEAN inspired na uniporme.

    Ani ng isang guro,hindi siya sumasangayon sa bagong dress code sa kadahilanang ang mga silid ay walang air conditioner at hindi naaangkop ang ganitong uniporme sa mga publikong paaralan.

    Dagdag pa niya, hindi kaya ng ibang mga guro ang presyo nito dahil masyadong mahal at baka pagtawanan lamang sila ng mga estudyante sa suot nilang uniporme.

    Samantala, saad ng ibang guro ayos lang naman ipatupad ang ganitong uniporme kung sila ay nagtatrabaho sa mga opisina.

    Gayunpaman, hindi akma ang ganitong kasuotan sa mga publikong paaralan dahil masiyadong mainit ang tela nito lalo na sa guro ng mga skills.

    Bagong virus, pinapangambahan ng karamihan

    Virus sa katawan ng tao | Imahe mula sa youtube

    Inanunsyo ng DOH na 179,227 na ang naitalang kaso ng Influenza noong ika-23 ng Disyembre taong 2024.

    Mababa sa 17% ng 216,786 naman ang kasong naitala noong Disyembre 2023.

    Kabilang sa mga sintomas ng Influenza ang pag-ubo, sipon at pagkakaroon ng lagnat.

    Samantala, sa pahayag ng estudyante, “Dati masaya ako kasi walang pasok, pero this time since nagdedevelop na ang aware sa social issues nababahala ako rito and natatakot kase baka matigil ulit ang face to face education”

    “Oo, syempre nakakatakot knowing what happen last time and since may possibility na mangyari ulit na magkaroon ng pandemic” dagdag pa ng ibang estudyante.

    Sa kabilang banda, marami ang nababahala na baka magkaroon ulit ng pandemya at maulit ang dating trahedya na kinaharap ng mga Pilipino noon.

    CSSPC, Umarangkada na

    Nagbibigay ng panuto sa mga lalaban sa CSSPC

    Isinagawa na ang Cluster 1 Second School Press Conference na may temang “Empowering voices; Nurturing Responsible Campus in support of the Matatag Curriculum” sa Andres Luciano High School ngayon, Enero 14, taong kasalukuyan.

    Sinimulan ang programa sa panalangin na pinangunahan ni Ginang Joyce Carreon at sinundan naman ng pambansang awit na kinumpasan ni Ginang Rodalia Garcia.

    “Press Conference is more than a competition, it enhance their journalist competence and defeat a friendly competition” ani Ginoong Marvin C. Licup.

    Samantala, Binubuo ng pagsulat ng balita, pagsulat ng balitang isports, kolumn, editoryal, lathalain, lathalaing pang-agham, pag-uulo at pagwawasto ng balita, pagkuha ng larawan, Collaborative Dekstop Publishing, Online Dekstop Publishing, at Radio Broad Casting ang mga kategorya.

    Pinakilala rin ang mga hurado na sina Ginang Maria Cristina L. Medina, Ginoong Rodolfo P. Dizon, Ginoong Chris L. Cabaling, Ginoong Manolito S. David, at si Ginoong Gred P. Bautista.

    Ginawaran ng parangal nina Cluster 1 Chairman Jennifer S. Gonzales at Cluster 1 Chairman, Principal of ALHS Marvin C. Licup sina Ginoong Dizon at Ginoong David bilang hurado sa nasabing kompetisyon.

    Sa kabilang dako, bilang pagsisimula ng kompetisyon pinapila ang mga indibidwal na sasabak upang pumunta sa nakadestinong kwarto sakanila habang pinaiwan naman ang mga Collaborative Dekstop Publishing, Online Dekstop Publishing, at Radio Broadcasting upang bigyan sila ng panuto at ipaliwanag ang kanilang gagawin.