
HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

Tignan muna ang nakaraan, huwag agad husgahan

“Don’t judge a book by it’s cover.” Iyan ang madalas na sinasabi ng mga tao kapag sila’y may nakikilalang bago. Minsan kasi ay hinuhusgahan natin agad ang mga nakikita o nakakasalubong nating tao base sa kanilang kilos, trabaho, okaya’y sa kanilang pananamit. Kung tutuusin, hindi nga dapat natin ito ginagawa at isa ito sa mga toxic trait na hindi natin maiwasang gawin, aking aaminin, ginagawa ko rin ito minsan. Tiyak ako na lahat tayo ay nakapanood na ng kahit isang episode ni Dhar Mann, ang kaniyang mga short films at palabas ay madalas tungkol sa ganitong mga bagay.
Mayroong mga tao na kung umasta ay matatawag natin na “masungit” o “nonchalant” pero hindi natin alam na minsan, may nakaraan sila na ayaw na nilang maulit at balikan kaya naman umiiwas sila sa mga tao bilang kanilang “defense mechanism”. Mayroon akong kilalang isang tao, isa siyang janitor na isang high school. Iniisip mo siguro ngayon na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral kaya ngayon janitor siya sa isang high school, hindi ba? Ang masasabi ko lang, nagkakamali ka. Maniniwala ka ba kapag sinabi ko na dati syang parte ng misyon na nakapagpadala ng tao sa buwan?
Ang kaniyang pangalan ay Maury Forrester, pitumput-pitong taong gulang at dating isang electromechanical designer, isa siya sa mga tumulong at naging parte ng pagd-disenyo sa mga kagamitan na ginamit sa proyektong Saturn at Apollo na kung saan alam nating lahat na nasa proyektong ito si Neil Armstrong, ang unang tao nakatapak sa ating buwan. Nakakamangha, hindi ba? Sinong mag-aakala na isa siya sa mga dahilan kung bakit nangyari ang proyektong iyon. Hindi ba’t isang storyang nakakamangha?
Ngayon, kung itatanong mo naman kung bakit siya naging janitor, ito ang dahilan. Noong taong 2014, si Forrester ay nastroke, ngunit hindi talaga alam ng mga doctor ang totoong dahilan. Para sa kaniya, ang pangyayaring ito ay nakakahiya ngunit kung nais niya na patuloy na mabuhay, kailangan pa rin niya na magtrabaho kahit ganoon ang kaniyang kalagayan. Dapat talaga ay pang-exercise lamang ang trabaho para sa kaniya ngunit lumipas ang mga buwan at napamahal na siya sa mga studyante sa high school na kaniyang pinagta-trabahuhan. “They’re happy to see me and I’m happy to see them. I’ve gotten to care very much for them,” sabi ni Forrester sa isang interview.
Sinabi niya pa nga na minsan, sinasabihan siya ng mga studyante ng “I love you,” na kaniya namang ikinasasaya. sa parehas na interview, tinanong si Forrester kung magkakamilagro at pwede na siyag bumalik sa kaniyang dating trabaho, ano ang gagawin niya. “I can’t say that I would give this up,” walang pag-aalinlangan niyang sinagot. Ang istorya na ito ni Maury Forrester na ito ay isang tamang halimbawa ng katagang “Don’t judge a book by it’s cover.” Hindi natin alam ang nakaraan ng isang indibidwal kaya dapat lang na hindi natin sila husgahan base lamang sa kanilang panlabas na istilo.
Dapat bang ipasa sila ng elementarya?

“Galingan mo magbasa.” “May ginagawa ka? Mag-aral ka na magbasa bago ka pumasok sa elementarya.” Iyan ang mga madalas na bukambibig ng mga nakakatanda sa akin nuong ako’y bata pa. Sabi nila na maliban sa pagsusulat, kailangan mo rin matutong magbasa dahil isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng isang tao upang makapag-aral at kapag sila’t tumanda, makapagtrabaho. Mayroon pa nga atang polisiyang “No read, no write” ang DepEd noon at ngayon ay “No read, No pass”. Madalas, sa mga simpleng trabaho ay requirement ang pagbabasa upang matanggap ka.
Sa Quezon City, mayroong isang eskwelahan doon na kung saan bawat level ay mayroong isang pangkat, ang pangkat David. Nasa pangkat na ito ang mga batang hindi marunong magbasa at magsulat. Ibig sabihin, wala silang ibang tinuturo sa mga studyanteng ito kundi ang magbasa. Ang kinaibahan nga lang, hindi elementarya ang eskwelahang ito kundi secondarya. Ang eskwelahang ito ay ang Sauyo High School sa Quezon City. Tama ang iyong nabasa, isang high school na mayroong pangkat para lamang sa mga studyanteng nakakapasa ng elementarya ngunit hindi naman pala marunong magbasa.
Hindi sa tinatamad ang mga batang ito noong sila’y nasa elemtearya dahil lahat sila ay may istorya. Halimbawa nito ay ang batang si Louie, dose anyon at nasa baitang 7 na. Ang istorya kasi niya ay katapos ng kaniyang mga klasi ay imbis na mag-aral, dumidiretso siya sa tambakan upang mangalakal dahil makatutulong na raw siya sa kaniyang pamilya kahit na maliit lamang ang kaniyang kinikita.
Isa pang halimbawa ay si Jack na nasa Grade 8 ng paaralan. Noong siya’y nasa elementarya, minsan ay hindi siya nabibigyan ng baon ng kaniyang mga magulang kaya naman lumiliban nalang siya ng klasi. Ngunit, sa likod ng kaniyang mga kilos, may isang batang gustong matuto. At dahil sa suporta na kaniyang nakuha mula sa kaniyang mga magulang at mga guro, natuto pa rin si Jack na sumulat at magbasa.
Marahil ay may mga taong magtatanong, paano sila nakapasa kung may polisiya ang DepEd na “No read, no pass”? At bakit hindi sila marunong magbasa’t magsulat? Sino talaga ang may kasalanan bakit nangyari ito? Ang kanilang mga magulang ba na dapat nagtuturo sa kanila papunta sa tamang landas? Ang kanilang kalagayan sa buhay o ang kanilang mga guro na dapat ay nagtuturo sa kanila? Sino nga ba at sino ang may alam?
Iwasan na, habang
maaga pa!

Panahon na at uso na naman ang HFMD o Hand, Foot, and Mouth Disease sa kalagayan ng panahon ngayon sa ating bansa. Ang Hand, Foot, and Mouth Disease ay isang virus na nagc-cause ng lagnat, sakit sa bibig at pantal-pantal sa kamay, paa at iba pang parte ng ating katawan. At sa ating lalawigan, Pampanga, mayroon nang 11 na nadetect na kaso ng sakit na ito. Dapat tayo ay palagi nang mag-ingat, kung namang nag-iingat ka na, pakaingatan mo pa.
Halina, hati-hatiin nating ang mga impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa HFMD. Iilan sa mga paaran kung paano ito naipapasa ay kapag nadikit ka sa laway, sipon, dura, o plema ng isang taong may sakit. Isa pa rito ay kapag umubo o bumahing sa direksiyon mo ang isang taong contaminated. Pwede rin itong mapasa kapag ikaw ay nalantad sa dumi ng tao na may impeksiyon. At ang panghuli, ang pagdikit sa mga laruan, utensil, o iba pang bagay na nagtataglay ng virus.
Dumako naman tayo sa mga sintomas ng HFMD, magsisimula ang sintomas sa lagnat, pananakit ng lalamunan, at kawwalan ng ganang kumain. Idagdag mo pa ang rashes, madalas ay lumilitaw ang mga pulang pantal na ito sa palad ng kamay, talampakan, at minsan, pati sa pwet. Pwede rin maranasan ng isang taong may HFMD ang pagkakaroon ng maliliit na sugat sa bibig na maaaring masakit kapag nahahawwakan o biglang nakakagat kapag ngumunguya tayo o nagsasalita. Para naman sa mga bata, ang kanilang biglang pagkawala ng gana at pagiging matamlay ay maaaring sintomas ng HFMD. Kung mararanasan ang mga sintomas na ito, kumonsulta agad sa doktor upang habang maaga pa, maagapan at maiwasan ang nasabing sakit bago pa ito lumala.
Ngayon naman, ating tuklasin ang mga bagay na ating maaaring gawin para maiwasan ang HFMD. Dapat ay palagi tayong maghugas ng kamay anuman ang ating gagawin. Iwasan ang pagpapahiram ng mga personal na kagamitan na ating dinidikit sa balat natin. Palaging linisin ang iyong kapaligiran at kung ikaw ay inuubo o babahing, dapat mong takpan ang iyong bibig nang hindi ka na makahawa pa. Para sa mga bata, dapat natin silang turuan ng proper hygiene para masanay na sila at maging ligtas. At ang panghuli, palaging kumain ng mga masusustansiyang pagkain at umiwas sa mga matataong lugar dahil hindi natin maiiwasan ang mga taong may sakit sa mga matataong lugar.





































































