Author: ODP_CNHS

  • OPINYON

    OPINYON


    HOME| BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    TULOY ARAL, HUWAG MAGING HADLANG ANG PAGSUBOK

    Simula nang pag-usbong ng COVID-19, maraming kasanayan ang naiba dulot nito. Isa na rito ang pagbabago ng sistema ng pag-aaral na napalitan ng Online Learning.Hindi ito naging madali sapagkat hindi lahat ng estudyante at guro ay may gadget tulad ng laptop o tablet. Kung meron man, maaaring walang sapat na kasanayan o kaalaman sa paggamit nito. Isa pang factor nito ay hindi sapat ang suporta ng gobyerno.

    Ang kakulangan ng digital tools para sa edukasyon ay laking epekto sa mga estudyante kaya’t ang karamihan ay napilitang huminto sa pag-aaral. Samantala, ang mga guro ay nahaharap sa mga hamon sa pag-angkop sa online teaching. Sa kabila nito, may isinigawang inisyatibo ang gobyerno tulad ng pag bibigay ng abot-kamay na laptops at tablets sa mga estudyante at guro,pagpapabuti ng signal sa mga lugar at pagsasagawa ng kasanayan sa mga guro at estudyante sa paggamit ng platforms at mga digital na kagamitan. Dahil sa ginawang solusyon ng bansa na pagbibigay ng abot-kamay na gadget,pagbubuti ng signal sa mga lugar at pagsasagawa ng kasanayan. Naging madali na ang pag-aaral ng mga estudyante kahit na patuloy pa rin umuusbong ang COVID-19.

    K to 12, Laking tulong sa mga estudyante

    May isinagawang programa sa edukasyon sa Pilipinas kung saan dinagdagan pa ng dalawang taon na pag-aaral ng mga estudyante o mas kilalang K to 12 program. Hindi ito naging madali sapagkat hindi lahat ng iskuwela ay may sapat na classroom,laboratories and facilities para sa programa na ito. Hindi din ito naging madali sa mga guro na humawak nito. Lalong lalo na sa mga estudyanteng hindi sapat ang badyet sa uniporme,transportasyon dahil sa low-income families. Kaya karamihan sa mga estudyante ay napipilitang umalis sa kanilang iskuwelahan kadahilanan ng financial burden and lack of accessible facilities. At mga gurong nahihirapan na hawakan ang bagong curriculum. Hindi lang yon mahihirapan din ang mga estudyante maghanap ng trabaho sa industry dahil wala silang kasanayan.

    Kaya dahil dito napag-isipan na lakihin ang badyet sa edukasyon para makagawa ng panibagong classroom at mag pasok pa ng maraming guro at magsagawa ng pagsasanay sa mga ito. At makipag samahan sa mga negosyante upang tulungan sa market demads. Dahil sa programa ito nadagdagan ang kaalaman ng estudyante at pagsasanay ng mga ito.

    HOME| BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

  • LATHALAIN

    LATHALAIN


    HOME| BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

    Kanlungan ng Likas na Yaman

    Ang Pilipinas, isang mutya na nababalutan ng asul na karagatan, ay tunay na mayaman. Ngunit ang yaman na ito ay hindi ginto o hiyas, kundi ang hininga ng kalikasan at ang bawat Pilipino ay tagapagbantay ng kaban na ito.

    Sa baybayin ng Sasmuan, Pampanga mayroong natatanging lugar na nagbibigay-buhay at kanlungan sa regalo ng kalikasan, ito ay ang Sasmuan Bangkung Malapad Critical Habitat and Ecotourism Area o SBMCHEA. Ito ay isang munting isla ng bakawan at mudflats na nabuo mula sa mga bulkanikong sediment ng pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang lugar na ito ngayon ay binibigyan ng mataas na pagpapahalaga at proteksyon.

    Noong 2021, sa bisa ng Department of Environment and Natural Resource Administrative Order (DAO) 2021-36, idineklara ang 405-ektaryang Sasmuan Bangkung Malapad Coastal Wetland bilang isang critical habitat at ecotourism area. Ang deklarasyon ay nagsisilbing legal na balangkas upang maprotektahan ang mga gubat ng bakawan at mudflats ng SBMCHEA. Ang kahalagahan ng lugar ay lalong pinagtibay nang kinilala ang mas malawak na Sasmuan Pampanga Coastal Wetland bilang isang Wetland of International Importance noong Pebrero 2021, ang ika-8 Ramsar Site sa bansa at una sa Central Luzon.

    Ang isla ay itinuturing nang isa sa mga mahalagang sentro ng konserbasyon dahil ito ay nagiging permanenteng tirahan at layover spot ng higit sa 80 species ng migratory birds mula sa mga bansang nakararanas ng taglamig. Isa pa, ang pagdagsa ng mga turista at birdwatcher na naaakit sa kagandahan ng lugar ay nagbukas ng oportunidad sa ecotourism. Dahil dito, lalong naintindihan ng mga lokal na residente at local official ang malaking potensyal ng isla at ang kahalagahan na protektahan ito.

    Ang SBMCHEA ay isang buhay na patunay kung paano ang isang lugar na nabuo mula sa trahedya ay maaaring maging simula ng isang natatanging tirahan at maging susi sa pangangalaga ng pandaigdigang biodiversity. Sa kasalukuyan, patuloy ang pangangasiwa ng DENR at LGU ng Sasmuan upang masiguro ang susutainable na pagpapanatili ng natatanging yaman na kalikasan sa Pampanga o ng buong Pilipinas.

    HOME| BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

  • BALITA

    BALITA


    HOME| BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS


    TATLONG PASAHERO PATAY MATAPOS MAHULOG SA BANGIN ANG KANILANG SINASAKYAN NA TRUCK


    Tatlong pasahero nasawi matapos mahulog sa isang bangin ang kanilang sinasakyan na Isuzu Elf truck. 40 sugatan na nasa hospital ngayon. Nangyari ito noong linggo ng hapon sa Barangay Bara, City of San Fernando. Sila ay pauwi at mag kakamag anak galing sa kanilang nakaugaliang pamamasyal sa isang pista. Ayon kay Christopher Navarro s’ya raw ay nawalan ng control sa pagmamaneho.

    Dalawa sa nasawi ay mag ama na si Pualito Dizon at ang kan’yang anak na si Loreta Dizon; at ang isa pang nasawi na si Gregorio Gorospe. Hindi lasing ang driber sad’yang nawalan lang siya ng preno/kontrol sa pagmamaneho. Halos lahat ng nakasakay ay nasa likod kaya’t sila ay mga sugatan. Ang suspek ay nasa kustodiya ng San Fernando.

    Isa pang paliwanag ng driber na si Christopher ‘’hindi ko naman po alam, hindi ko din po sinad’ya nag anon ang mangyayari. Kasi hindi ko naman po alam na maaksidente kami.’’ Kaya dapat sa susunod tayo ay mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente

    HORACIO CASTILLO III PATAY MATAPOS SUMAILALIM SA HAZING

    Gabi ng sabado ng magpaalam si si Horacio Castillo III na siya raw ay dadalo sa Welcome Ceremony ng isang Fraternity. Siya ay namatay matapos sumailalim sa hazing. Horacio Castillo III ang pangalan ng nasawi ayon sa ulat ni Athena Imperial sa GMA News ‘’Unang Balita’’ nitong lunes. Nalkita ang kanyang bangkay sa bangketa sa infanta street sa balut, Tondo oras ng 8;00 ng linggo

    Bagong Aegis Juris Fraternity ang pangalan ng welcome ceremony para sa mga miyembro na dinaluhan ng biktima. Ang nasawi ay isang Freshman Law student ng University of Santo Tomas. Dinala si Castillo sa isang Chinese general hospital. Sa hospital na ito siya ay idineklara na dead on arrival.

    Pumayag ang kaniyang mga magulang na sumali ito sa fraternity dahil wala namn raw hazing rites. Madaling araw na ng lunes ng malaman ng kanyang mga pamilya ang nangyari sakanilang mahal sa buhay. May nagpadala din sakanila ng text tungkol sa pagkamatay ni Castillio.

    SIMBAHAN NINAKAWAN NG DALAWANG LALAKI

    Ninakawan ang isang simbahan sa Candaba, na San Vicente Parish Church. Wala ng narekober ang mga pulis, isinara ito noong 7;30 ng Lunes. Bandang 5:00 am, kinabukasan, napansin ng isang maintenance man na bukas ang bintana sa kwarto ng pari. Sila ay nakapasok umano sa simbahan.

    Ang mga suspek ay sina Mary Rose Garcia, Oliver Gabara, Gerald Riego, at Rudy Mallari. Sinabi ni Supt. Danilo Mendoza sa Candating Station na nahuli sa follow up operation sa Darabulbul Tarlac. Arestado ang dalawang suspek na si Gerald Riego at Rudy Mallari.

    Ayon sa Security Guard nang dumating daw ang mga pulis, natuklasan nalang daw nila na sira ang pangunahing pintuan ng simbahan. Kaya’t sa susunod isara natin ng maayos ang mga simbahan upang maiwasan ang pagnanakaw

    HOME| BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

  • HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

    Ginebra pinabagsak ang Dragons; kampeonato naibulsa

    Imahe mula sa google | Justin Brownlee Lay-up

    Muling nalasap ng Barangay Ginebra San Miguel ang kampeonato matapos ang kanilang pakikipagbakbakan kontra sa Bay Area Dragons sa PBA Commissioner’s Cup nung ikalabing-dalawa ng Disyembre taong 2024 na sumiklab sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

    Dinaluhan ng higit na 16,000 na manonood upang masaksihan ang umaatikabong bakbakan ng dalawang koponan at kung paano dinomina ng Ginebra ang laban.

    Animo’y nakawalang tigre ang ipinamalas na opensa ng Ginebra sa unang kalahati ng laban at kumamada ng 30-15 run.

    Samantalang sablay naman ang ipinakitang opensa ng Dragons at nakapaglista ng 18 turnovers, dahilan upang maungusan sila ng Ginebra.

    Nagpabaun naman si Justin Brownlee ng isang napakahalagang three-pointer sa huling minuto ng laban na naging susi upang maisikwat ang panalo.

    Sa huli, pinagharian ng Ginebra ang laban at nakapagtala ng 48% field goal, habang hindi na nakapagbuga pa ng apoy ang Dragons at tuluyang lumuhod sa iskor na, 102-96.

    Samantala, bumira ng 35 puntos, 10 rebounds, at 8 assists si Justin Brownlee ng Ginebra upang pangunahan ang kaniyang koponan habang hindi nagpahuli at ibinida ni Scottie Thompson ang kaniyang triple-double na may 15 puntos, 12 rebounds, at 10 assists.

    “Para sa aming mga tagahanga ang panalong ito na hindi tumigil sa paniniwala sa amin.” ani Brownlee, “Teamwork ang nagdala sa amin sa tagumpay. Lahat ay nag-ambag.” ani naman ni Thompson.

    Hindi naman nagpahuli at pinanguhan ni Myles Powell ang Dragons at kumana ng 28 puntos subalit nahirapan dahil sa mga turnovers, susi upang manaig at makapagtala ang Ginebra ng 20 fast-break points kontra sa 8 ng Dragons.

    Giant Lanterns winalis ang Huskers

    Imahe mula sa google | Justine Baltazar jumper

    Dinomina ng Pampanga Giant Lanterns ang Maharlika Pilipinas Basketball League semi-finals matapos ang kanilang pakikipagtunggali sa Quezon Huskers na sumiklab sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

    Ipinakita ng higit sa 7,000 fans ang kanilang suporta sa panonood nang live at nasaksihan ang mailaw na pagkapanalo ng Giant Lanterns.

    Mahusay na ipinamalas ng Giant Lanterns ang kanilang mainit na opensa at nakapagtala ng 12-2 run na naging susi upang mabawi ang kalamangan mula sa 3 point deficit sa huling limang minuto.

    Sinelyuhan ni Encho Serrano ng Giant Lanterns ang laro sa isang mahalagang lay-up sa huling 30 segundo ng laban dahilan upang kanilang maisikwat ang panalo.

    Nagposte ng 45% field goal ang Giant Lanterns sa kabuoan ng laban at may, (18/22), free throws made habang, (14/20), sa Huskers.

    Sa huli, matagumpay na nanaig ang Giant Lanterns habang naipakita naman ng Huskers ang kanilang kakayahan na makipagsabayan sa malakas na koponan.

    Samantala, sa mga manlalaro, nagpakitanggilas at bumira ng 28 puntos, 6 rebounds, at 5 assists si Encho Serrano upang pangunahan ang Giant Lanterns, habang nagpainit naman si Justine Baltazar at umambag ng double-double sa loob ng 18 puntos at 14 rebounds.

    “Para sa Kapampangan ang panalong ito. Hindi kami sumuko at ipinakita namin ang puso ng Giant Lanterns.” ani Serrano, “Team effort ang nagdala sa amin sa semi finals. Maraming salamat sa suporta aming mga kababayan” ani naman ni Baltazar.

    Pinangunahan naman si Mark Pangilinan ang Huskers at nakapagtala ng 21 puntos, subalit kinapos ito at hindi nakapalag at nasilaw sa depensa ng Giant Lanterns na pumoste ng 8 blocks at 10 steals.

    Pagdribol patungo sa kampeonato

    Imahe mula sa google | Koponan ng Giant Lanterns nagdiwang matapos ang pagkapanalo

    Muling umilaw ang kasiyahan sa Pampanga matapos nilang muling nalasap ang kampeonato sa Maharlika Pilipinas Basketball League. Kinatuwa ng maraming kabataan sa Pampanga matapos ang pagkapanalo sapagkat sila ay nabuhayan ng loon na ipakita ang kanilang talento sa maraming tao.

    Isa sa mga dahilan ng pagkapanalo ng Pampanga ay ang kanilang mga taga suporta. Laging nabubuhayan nag loob ang mga manlalaro ng Giant Lanterns dahil patuloy silang sinusoportahan nga karamihang Kapampangan.

    Inaasahang maganda ang pakikipagtunggali ng Giant Lanterns sa susunod na season ng MPBL dahil narin sila ay mas nabuhayan dahil sa walang sawang suporta ng mga fans.

    Ang pagsuporta ng mga lokal na Kapampangan ay mahalaga dahil narin kailangang-kailangang ito ng isang koponan sapagkat dahil sakanila nagagawa nilang ipamalas ang lakas at talento kapag sila ay nakikipagtunggali.

    Sa huli, maganda ang naging resulta ng pagsuporta ng mga lokal dahil tinulungan rin nilang maka-angat ang kanilang pambato patungo sa inaasam-asam na kampeonato.

    ULAT ONLINE: Taga-ulat ng mga balitang sandigan ng katotohan

  • HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

    Tunay na Paskong Pilipino, mararanasan mo rito!

    GIF mula sa Rappler | Ang Giant Lantern Festival

    Ang mga kultura ng isang lugar ay tanda ng mga bagay-bagay na kanilang pinagmulan o kaya naman ay ang kanilang pagkakakilanlan. Ang mga ito ay ilan din sa mga dahilan kung bakit sumisikat o nakikilala ang isang probinsya kaya binabalik-balikan at pinapasyalan ang isang lugar, minsan kapag sa isang takdang panahon dahil sa kanilang mga kultura’t kaganapan sa oras na iyon. Halimbawa na lamang ng mga kaganapang ito ay ang Pasko. Alam naman natin na sa Pilipinas, umpisa palang ng ber-months ay inuumpisahan na rin natin ang pagdiriwang ng pasko. Ngunit, alam mo ba na ang Lalawigan ng Pampanga ay isang destinasyong pampasko dahil sa angking tradisyon nito? Ang ating lalawigan, ay isa sa mga nangungunang destinasyon sa ating bansa, partikular ang Lungsod ng San Fernando na kapital rin ng Pampanga.  

    Isa sa mga dahilan ng ng pagkilala sa ating lalawigan ay ang Ligligan Parul o mas kilala rin na Giant Lantern Festival na nagsimula noong ika-19 na siglo na patuloy na lumago hanggang ika-20 na siglo. Ang pistang ito ay kilala sa buong mundo at nagsisimbolo sa ating mayamang tradisyon ng holiday ng rehiyon, ang ating pagiging makulay at malikhain, at ang kanilang angking galing sa paggawa ng mga naglalakihang parol. Ang Ligligan Parul ay isang taunang selebrasyon na kung saan ang mga mamamayan ng Lungsod ng San Fernando ay pwedeng makilahok sa isang kompetisyon ng sari-sariling gawa ng mga parol. Ang mga parol din na ito ay simbolo ng Bituing Bethlehem, ang bituing nagningning sa Bayan ng Bethlehem nang gabing isinilang si Hesus.  

    Nakilala ang mga parol na ito dahil sa kanilang natatanging kaleydoskopikong pattern, mala-stained glass, at ang pagsunod-sunod at paggalaw ng mga ilaw nito na akma sa kantang pinapatugtog. Sa katunayan nga ay pinupuntahan pa ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang lalawigang ito para lamang makita ang nakamamanghang pista. Pagdating naman sa paggawa ay makikita mo rin ang pagkaka-isa ng mga mamamayan dahil sa kanilang pagtutulungan sa paggawa ng parol gamit ang mga kawayan, makukulay na papel at nagsasaring kulay ng kuryente. At ngayon, kabilang na rin ang makabagong teknolohiya sa paggawa ng masalimuot na disenyo na nagpapakita ng galing ng mga Kapampangan. 

    Ang San Fernando, Pampanga ay kabilang din sa listahan ng CNN Travel ng mga pinakamagandang destinasyon na pwedeng bisitahin sa panahon ng Pasko, dahil sa nasabing pista at ang makulay at masiglang atmospera ng lungsod tuwing Pasko. Kilala rin ang lungsod na ito sa mainit na diwa ng Pasko kaya’t ito ay ang pangunahing destinasyon, hindi lamang sa Lalawigan ng Pampanga, kundi sa buong bansa ng Pilipinas. Ang paglitaw ng San Fernando, Pampanga sa CNN Travel, isang TV Program sa Bansang United States of America ay isa nang patunay na mayaman ang Pampaga sa kultura, lalo na sa panahon ng Pasko.Nakakamangha, hindi ba? 

    Maliban sa Giant Lantern Festival ay may iba’t ibang kultura pa ang Pampanga. Isa na rito ang Noche Buena, ito ay kung saan nagsa-sama ang magpa-pamilya sa hapagkainan sa Bisperas ng Pasko at sabay-sabay na sinasalubong ito pagsapit ng madaling araw. Ilan pang kilalang tradisyon ay ang pagc-caroling, at Simbang Gabi o Misa de Gallo na kung saan ikaw ay magsisimba ng siyam na gabi/madaling araw bago ang araw ng pasko. Syempre hindi mawawala ang mga handa tulad ng bringhe at tibok-tibok na lalo pang nagpapayaman sa karanasang pampasko sa Lalawigan ng Pampanga. 

    Ang Pasko ay isang pagdiriwang na hinihintay ng marami dahil sa mga kaganapan tuwing sasapit ang panahong ito dahil marami sa atin ang may sari-sariling kultura at kaganapan kapag darating ito. Kung ikaw naman ay naghahanap ng isang magandang pasyalan o lugar na kung saan talaga naman hindi ka madidismaya sa mga pangyayari at masisiyahan ka, tara na sa Pampanga! Natitiyak ko na mag-eenjoy ka talaga sa isang maganda at tunay na karanasang Paskong Pilipino, na sigurado ako, hindi mo malilimutan at basta-basta mararanasan kung saan-saan. 

    Masasarap na putahe mula sa Pampanga, halina’t tikman!

    GIF mula sa Foodtegrity | Ang putaheng Sisig.

    Maraming sariling putahe ang Pilipinas at bawat probinsya ay mayroong sari-sariling luto kung saan sila kilala. At sa dina-rami ng mga probinsya sa Pilipinas, ang probinsya ng Pampanga ang may hawak sa titulo na Culinary Capital of the Philippines. Dahilan nito ay dahil ang mga Kapampangan ay masasarap magluto, lalo na ang mga kababaihan. Ito ay isa pa sa mga rason kung bakit kilala ang Pampanga sa ating bansa. Ang titulong ito ay isang sagisag ng mayamang pamana ng gastronomiya, makabago at natatanging paraan ng ating pagluluto at ang ating patuloy na pag-impluwensiya sa kulturang pagkain ng Pilipinas. 

    Naitala bilang Culinary Capital of the Philippines noong Disyembre 9, 2024 na pinagtibay ng Senate Bill No. 2797. Isinulong ito ni Senador Lito lapid dahil sa kaniyang paniniwala, malaki ang naiambag ng Pampanga sa gastronomiya ng Pilipino. Maniwala ka man o hindi, ang kasaysayan at kasikatan ng Pampanga pagdating sa pagluluto ay dahil sa panahon ng kolonisasyon ng mga Kastila noon. Naging sentro kasi ng mga bihasang kusinero sa kusina ng mga Kastila ang ating lalawigan. Kasama ang impluwensiya ng Kastila, Malay, at katutubo ay nagbigay ang mga ito ng hugis sa natatanging lutuing Kapampangan.  

    Isa sa mga putaheng kilala na mula sa Pampanga ay ang Sizzling Sisig. Ito ay hiniwa-hiwang karne ng baboy, partikular ang ulo, tenga at atay na may timpla ng kalamansi, sibuyas, sili, at kadalasan ay mayo. Sineserve ito nang nasa isang maiinit na kawali at nags-sizzle, mula mismo sa pangalan nito. Ang iba, ginagamit ito bilang pulutan ngunit minsan, maaari rin itong ulamin. Kung gusto mo, pwede kang magcrack ng itlog at ilagay sa gitna ng nags-sizzle na kawali. Sa katunayan nga ay mayroong Sisig Festival na taon-taong ipinagdiriwang sa Lungsod ng Angeles para sa kanilang paboritong putahe. 

    Kung pamilyar ka sa putahe na Bringhe, alam mo bang isa rin itong lutong Kapampangan? Gawa ito sa malagkit na bigas, gata, iba’t ibang gulay at linga na hinahaluan ng curry powder, dahilan ng madilaw-dilaw nitong kulay. Sa madaling salita, ito ay Kapampangan version ng Paella. Isa pang sikat na luto mula sa Pampanga ay ang Pindang Damulag. Ito ay karne ng Kalabaw na inasinan at pinatuyo ng maramimg araw. Maaaring gamitin ang karne na ito sa pagluluto ng Adobo o Kare-kare. Pero, mas kilala rin ito bilang Kapampangan version ng kilalang ulam sa Pilipinas, ang Tocino. 

    Alam mo rin ba na kahit ang Giant Lantern Festival ay tampok din sa mga pagkain sa food fair nito maliban sa mga parol? Kilalang-kilala rin ang mga Kapampangan chefs sa kanilang inobasyon at kahusayan, sa katotohanan, marami sa kanila ay nagiging tanyag sa pambansa at internasyonal na larangan ng pagluluto. Ang paaralang pang-lutuing Pampanga na Center for Asian Culinary Studies ay isa sa mga tumutulong sa pagsasanay sa mga world-class chefs, isa pang patunay sa kagalingan ng Pampanga sa pagdating ng pagluluto. Napakita rin sa Madrid Fusión Manila ang mga lutuing pampalasa ng Pampanga, isa pang kaganapan na nagpapakita ng global appeal nito. 

    Iilan pa sa mga kilalang luto sa Pampanga ay Buro, at Kamaru. Kung hindi ka pamilyar sa mga putaheng ito at sa tingin mo ay ngayon mo palang sila narinig, ito ay dahil ang mga putaheng ito at ang Pampanga ay kilala sa mga “authenthic” na luto. Mayroon pa ngang isang restawran na itinatag noong 1946 para lamang sa mga tunay na Kapampangan delicacies at mga lutuin, ang Everybody’s Cafe. Magugulat ka man sa umpisa, ngunit kapag natikaman mo na, masasarapan ka talaga sa kanilang kakaibang lasa at gugustuhin mong balik-balikan pa sila.

    ULAT ONLINE: Taga-ulat ng mga balitang sandigan ng katotohan

  • HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

    Hindi pwedeng itigil ang CSE!

    May isang trahedya na hindi dapat ikabahala dahil dulot nito ay matindi, lalo na’t pabata na ng pabata ang naaapektuhan nito kaya naman naglabas sila ng batas, Comprehensive Sexuality Education, kung tawagin. Nakapaloob dito ang magiging kapakanan ng mga batang kababaihan kung saan ay isasailalim sa pag-aaral at poprotektahan ang mga ito. Ngunit, batay sa iniulat ay isasailalim muna ang CSE subalit nagkaroon ng “nakakalitong mga patakaran”.  

    Paano na lamang ang mga kabataan na sumailalim sa batas na ito? Hindi ba’t magkakaroon ng gulo? Kung pwede naman ayusin ang mga patakaran, bakit hindi? 

    Ayon sa ipinunto ni Sen, Gatchalian, dapat manatili ang CSE sa mga alituntunin ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 habang sumasailalim pa ang CSE. Dadaan muna ito sa masusing pagsusuri bago ipatupad muli. Pero mananatili pa ring age-appropriate ang ituturo sa CSE sa mga mag-aaral. 

    Ang teenage pregnancy ay matinding problema sa mga kabataan, subalit wala pang kasiguraduhan kung ipapatupad muli ang CSE. Maganda kung ipapatupad muli ito dahil kung tutuusin, dito nakasalalay ang kapakanan ng mga kabataan. Tama ba ang ipinunto ni Sen. Gatchalian na dapat manatili ang CSE.  

    Kung maaari ay ipatupad nalang muli dahil malaking tulong ito sa mga kabataan sapagkat nalalaman nila na kung ano ang hindi dapat gawin. At kung pwede pa ayusin ay ayusin at gawan ng paraan kung paano magiging maayos ang batas

    Tulong ng Punong Guro, mahalaga sa paaralan

    Larawan ng Kolumnista

    May mga iskuwelahan ang nagkakagulo dahil sa kakulangan sa pamamahala, at nagkaroon din ng maling distribusyon dahil naibigay sa hindi kwalipikadong tauhan. Ganyan ang mangyayari pag walang namumuno sa isang eskwelahan. Mananatili itong magulo at walang katahimikan.

    Kung mananatiling bakante ang posisyon, maraming mga estudyante ang magkakagulo. Kaya kung maaari ay humanap ng paraan dahil kung hindi mananatiling walang kaayusan ang eskwelahan.

    Ayon sa DepEd sa 45,199 paaralan, ay 24,916 ang walang punong guro, kaya naman nakipagugnayan ang DepEd sa Department of Budget and Management upang mare-classify ang mga kwalipikadong TICs bilang punong guro.

    Kaya hindi nagkakaroon ng kaayusan dahil ang paaralan ay hindi sapat ang ipinapatupad na patakaran, sapagkat wala silang punong guro. Lalo na 24,916 ang walang punong guro panigurado hindi nagkakaroon ng kaayusan kaya naman nakipagtulungan ang DepEd sa Department of Budget and Management para mare-classify ang mga kwalipikadong TICs bilang punong guro.

    Sa aking palagay, tama ang ginawa ng DepEd na makipagtulungan sa Department of Budget and Management para sa gayon ay maging maayos ang sistema ng paaralan.

    CSE, malaking tulong huwag itanggal

    Larawan ng Kolumnista

    Matinding pagsubok ang kinakaharap ng mga kabataan ngayon subalit sa batang edad ay nagdadalang tao na kaya naman ipinatupad ang CSE, pero sa ngayon kasalukuyan munang sumasailalim ang CSE dahil nagkaroon ng nakakalitong mga patakaran.

    Hindi puwede maitigil ang CSE subalit dadami nanaman ang maaapektuhan ng teenage pregnancy, Kung maaari ay ayusin na lamang.

    Inanunsyo ni DepEd Sec. Sonny Angara na isasailalim muna sa masusing pagsusuri ang implementasyon ng CSE. Habang dumadaan pa sa masusing pagsusuri ang CSE, mananatili pa rin age-appropriate ang ituturong CSE sa mga mag-aaral.

    Kung maaari ay ipagpatuloy na lamang ang CSE para malaman ng mga kabataan kung gaano kahalaga ang sexual. Para sa gayon, mabawasan na ang maaapektuhan ng teenage pregnancy.

    Sa aking palagay, malaking tulong ang CSE lalong lalo na sa mga kababaihan. Kung maaari ay gumawa kaagad ng paraan upang hindi matigil ang CSE dahil laking tulong ito lalo na sa mga kababaihan na kinakailangan ng proteksiyon para hindi maapektuhan ng teenage pregnancy.

    ULAT ONLINE: Taga-ulat ng mga balitang sandigan ng katotohan

  • HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

    CSE, binatikos sa senado

    Imahe mula sa google | Nagpapahayag si Sen. Gatchalian sa Senado

    Hinikayat ang Department of Education (DepEd) na pansamantalang ipatigil ang pagsusulong ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa ilalim ng Department Order (DO) 31 dahil sa nakakalitong mga patakaran na tinalakay sa pagdinig ng Senado noong Enero 2025.

    Ipinunto ni Senator Sherwin Gatchalian sa isinagawang pagdinig ng senado na malayo ang kasalukuyang framework ng CSE sa layunin ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

    Itinalaga pa ni Sen. Gatchalian na dapat nakaakma ang CSE sa mga alituntunin ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

    Samantala, inanunsyo ni DepEd Secretary Sonny Angara na rerebyuhin ang pagpapatupad ng CSE sa ilalim ng DO 31 noong nakaraang linggo.

    Dagdag pa rito, sinabe rin ni Sen. Angara ang mga posibilidad ng pansamantalang suspensyon habang nire-review ang mga patakaran upang maitama ang mga kahinaan ng implementasyon.

    Sa kabilang dako, susuriin ng DepEd ang mga isyung tinatalakay ng mga mambabatas upang maiayon ang CSE sa mga batas at kulturang Pilipino.

    Sinigurado din ng DepEd na mananatiling age-appropriate ang itinuturong CSE sa mga mag-aaral sa buong bansa at sa lahat ng pampublikong paaralan sa ilalim ng DepEd.

    Paaralang walang punong guro, inaksyunan ng DepEd

    Imahe mula sa google | Mga estudyanteng nakikinig sa guro

    Inilathahala ng EDCOM II ang kanilang Year Two Report na halos kalahati ng mga paaralan sa ilalim ng Department of Education (DepEd) ay walang itinalagang principal noong Enero 27, 2025.

    Sa ulat ng EDCOM II, sa 45,199 paaralan ay 24,916 ang mga walang punong guro at kasalukuyang pinapamahalaan ng head teachers, teachers in-charge (TICs) o officers in-charge (OICs).

    Samantala, may mga paaralan na hindi pumapasa sa patakaran ng DepEd na dapat may siyam na guro upang maitalaga ang principal.

    Bilang pagaksyon ng DepEd, nakikipagkapit bisig ito sa Department of Budget and Management upang ma-reclassify ang mga kwalipikadong TICs bilang punong-guro.

    Dagdag pa rito, isusulong ang school staffing at organizational standard upang maayos ang tamang deployment ng mga school heads.

    Gayunpaman, inumpisahan ng DepEd ang pagtugon sa isyu noong huling bahagi ng 2023.

    DSSPC, umarangkada na

    Entablado para sa DSSPC

    Isinagawa ang Division Schools Secondary Press Conference (DSSPC) sa San Vicente Pilot High School (SVPHS), Potrero National High School (PNHS), at Parulog Elementary School (PES) nitong ika-4 hanggang ika-5 ng Pebrero, taong kasalukuyan.

    Sinimulan ang DSSPC 2025 na may temang “Empowering voices; Nurturing responsible in support of the matatag curriculum”.

    Sa pagbubukas ng DSSPC, ang mga sasabak ng indibidwal at radio broadcasting ang isinalang sa unang araw ng labanan.

    Pinagpatuloy sa ikalawang araw ng paligsahan ang pagsabak Collaborative Dekstop Publishing (CDP) at TV Broadcasting Filipino na ginanap sa SVPHS.

    Samantala, isinagawa rin sa ikalawang araw ang Online Dekstop Publishing (ODP) at TV Broadcasting English na ginanap naman sa PNHS.

    Sa kabilang dako, pinarangalan na ang mga nanalo sa kategoryang indibidwal kahapon habang kasalukuyan pa lamang ginaganap ang mga kategoryang grupo.

    ULAT ONLINE: Taga-ulat ng mga balitang sandigan ng katotohan

  • HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

    Dapat pa bang pag-aralan ang CSE

    Anong henerasyon na ba ito? Ano-ano na nangyayari sa mga kabataan. Sa murang edad ay nagagawa na nilang mag buntis? Kabataan paba ito? Akala ko ba kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero sa nakikita ko ngayon parang hindi na ito mangyayari dahil sa maaga nilang pag bubuntis. Dapat ba nilang pag-aralan ang CSE? Kaya naman kinwestyonan agad ito sa kamara.

    Ayon kay Rep. Zia Alonto Adiong, “we need to go as early as 5-6 years old and teach them reproductive health and gender sensitivity”.

    Dagdag pa nito,”for the sensitivity for early education it’s not actually the actual sexuality is but are foundational knowledge like for identitying their body parts.”

    Sa ganitong pamamaraan, malalaman ng kabataan kung ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral ng reproductive health and gender sensitivity, at kung ano ang hindi dapat nilang gawin.

    Sinabi ng kamara, habang pataas ng pataas ang kaso ng teenage pregnancy, pabata naman ng pabata ang naaapektuhan nito. Isipin mo na 10 years old mabubuntis? Nakakapag taka no? Dahil sa batang edad imbis na mag-aral may dala dalang bata.

    Ang lumalalang teenage pregnancy ay isang hamon para sa mga kabataan. Sa halip na nag aaral ay nag dadalang bata. Kaya tama si Rep. Zia Alonto Adiong na dapat pag-aralan ang reproductive health and gender sensitivity para sa edad na 5-9 years old. Para sa batang edad malaman na nila kung ano ang di dapat nilang gawin.

    Para sa gayon, mabawas bawas ang maaapektuhan ng teenage pregnancy lalo na sa mga edad na 10 na wala pang alam sa pag dadalang bata. Malaking tulong ang pag-aaral Comprehensive Sexuality Education (CSE) dahil nakapaloob dito ang kapakanan ng kabataan. Hindi lang iyon dahil maproprotektahan pa ang kabataan pag dating sa teenage pregnancy.

    Bagong sistema ng kurikulum ipapatupad na

    Nakikita nilang nakakaranas ng mga pag hihirap ang mga senior high kaya naman nag palabas sila ng bagong kurikulum kung saan babawasan na ang mga asignatura.

    Ayon kay Kalihim ng Edukasyon Sonny Angara, magsisimula na ang pagpapatupad ng bagong kurikulum para sa senior high school sa taong panuruan 2025-2026.

    Sa ilalim ng bagong kurikulum, babawasan ang mga pangunahing asignatura mula 15 patungo sa 5-7 lamang.

    Sinabi ni Angara na ang mga paaralan ay maaaring magdagdag ng mga asignatura na gusto nila, lalo na sa mga pribadong paaralan.

    Ikinasaya naman ng mga guro at estudyante ang pagbabago ng kurikulum dahil makakatulong ito upang hindi masobrahan ang mga mag-aaral at upang mas maging handa sila sa kanilang mga trabaho sa hinaharap.

    Ang mga mahahalagang asignatura na mananatili ay ang komunikasyon, kasaysayan ng Pilipinas, pangunahing matematika at agham.

    Laking tulong ang bagong kurikulum dahil hindi na maisstress ang mga estudyante sa dami ng gagawin at mga guro.

    Paaralan ang susi sa pag katuto

    Sa bawat henerasyon,pabago bago na ang sistema ng pag-aaral. Kung iisipin mo highschool hindi pa marunong mag basa? Kung tutuusin dapat elementary palang alam mo na pa’no magbasa.

    Sa Sauyo High School sa Quezon City, may isang section kung saan ang itinuturo pagbaybay ng mga salita, pagsusulat ng mga letra at pagkilala sa mga kulay. Pero ang klaseng ito, wala sa elementarya kundi nasa high school na. Sila ang Section Darwin isang klase na binubuo ng dalawampu’t siyam na mga estudyanteng nakatuntong sa Grade 7 pero hindi pa rin nakapagsusulat at nakababasa.

    Nakakadismaya lang dahil elementary pinag aaralan na ang pag babasa at pag susulat. Ano na ba nangyayare sa kabataan?

    Sa aking palagay, kung maaari ay umulit nalang sa elementary para sa gayon, makasabay sila sa katulad nilang estudyante sa high school.

    Buti nalang may iskwelahan na ganito dahil karamihan “No Read, No Pass Policy”. Nakakatuwa lang dahil imbis na umulit ay itinanggap nalang nila kahit hindi marunong magbasa’t mag sulat.

    Balita’t katotohan sa bawat liwayway