OPINYON

50 Pesos Kada Linggo, Kaya ba ng Estudyante?

Ni Althea Gamboa | OPINYON | ASLAG

Ipinahayag ng DTI na ₱50 ay kasya na sa isang linggo—ngunit sa patuloy na pagtaas ng bilihin, kung saan ₱30-₱40 ang isang ulam at kain at ang pamasahe naman ay umaabot ng ₱10-₱20, ngunit nakadepende pa kung saang lugar ka ibaba. Ang ₱50 kada linggo ay isang araw lang kaya sabi nila: “Isang araw lang ‘yung ₱50 na ‘yan.”

Kung mangyari man iyan, maraming mga estudyante ang magpapalipas na lang ng gutom para makauwi, ngunit sa mga magulang ay laking pabor marahil makakabawas sa kanilang mga gastos. Kung ang pamasahe ay ₱20 at ang pagkain ay ₱30 sa isang araw, ang kabuuang gastos ay ₱50 na agad—ibig sabihin, isang araw pa lang, ubos na ang buong badyet, at talagang malinaw na hindi ito kasya para sa isang linggo ng isang estudyante.

Ang pahayag ng DTI na ₱50 ay kasya na ay malinaw na hindi totoo dahil sa mga presyo na patuloy na tumataas. Isang araw lamang ay ubos na sa pagkain at pamasahe. Bagama’t sa mga magulang ay isang malaking tipid, ngunit isang malaking dulot na paghihirap sa mga estudyante. Upang malutas ang isyung ito, dapat lang na suriin at baguhin ng DTI ang kanyang pahayag at bigyang-pansin ang presyo ng pangunahing bilihin.

Sa paraang ito, magiging abot-kamay at kayang bilhin na ang mga pagkain. Bukod pa rito, dapat palawakin ng gobyerno ang 50% na diskwento sa pamasahe sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan para bawasan ang kanilang araw-araw na gastos.

December 09, 2025

OPINYON

Social media, tulong ba o distraksyon

| Ni Althea Gamboa

December 09, 2025

LATHALAIN

Hating-Pasko

| Ni Atheena Balajadia

December 09, 2025

ISPORTS

Pilipinas, Dinurog ang Malaysia sa Men’s Basketball ng SEA Games 2025

Ni Joyleen Capiral

December 09, 2025

Comments

Leave a comment