
HOME BALITA LATHALAIN OPINYON ISPORTS
Pilipinas, Dinurog ang Malaysia sa Men’s Basketball ng SEA Games 2025
Ni Joyleen Capiral | ISPORTS | ASLAG

Pinabagsak ng Philippines Men’s Basketball Team ang Malaysia matapos magtala ng dominanteng panalo sa score na 83–58 sa kanilang laban sa SEA Games 2025 na ginanap sa Thailand kahapon.
Unang quarter ay agad nang ibinigay ng Malaysia ang kanilang lakas matapos tambakan ang Pilipinas sa mabilis na opensa at mahigpit na depensa.
Pagdating ng ikalawang quarter ay binawi ng Pilipinas ang puntos at tinambakan ang Malaysia sa tulong ng maayos na pasa, mabilis na fast breaks, at solidong rebounding na lalong nagpalaki sa kanilang kalamangan bago mag-half time.
Hindi rin nagpahuli ang Pilipinas sa ikatlong quarter kung saan patuloy nilang kinontrol ang laro, at muling tinambakan ang Malaysia habang nahirapan ang kalaban na makalusot sa depensang ipinamalas ng koponan ng Pilipinas.
Huling quarter ay tuluyan nang sinelyuhan ng Pilipinas ang kanilang panalo at muling tinambakan ang Malaysia hanggang sa huling buzzer, patunay ng disiplina at determinasyon ng buong koponan.
Nakopo ng India ang gold medal laban sa Korea

Naangkin ng India ang gold medal laban sa Korea sa score na 57-56, India vs Korea (men team) match 1 Shanghai 2024 archery world cap noong may, 2024. Unang tina at nagpakita na nang pangmalakasang hatak si Kim Woojin, Kim J., at Lee W. ng Korea at naka puntos ng 10-9-10.
Sumunod sina Rai, Bommadevana, sang tira pero lumamang ang Korea ng isang puntos sa whang Tira. Nagpakitang gilas ulit ang Korean Team pero nasablay na makakuha nang tig sampung puntos at naabot lamang ang puntos na 8-9-10. Bumawi ang Indian Team at nagbatak kaya’t nakuha nila ang puntos na 10-10-9 at nanalo sa unang set sa score na 57-56.
Nang magsimula na ang second set at unang tira nang bawat team ay nagkaroon Sila ng tie na score na 10-8-10 Sinubukang paangatin ng Korean Team ang kanilang score para sa pangalawang tira na sa second set pero nadagdag lamang nila ang puntos na 8-9-10 Nagbatak ulit ang Indian Team at gamit ang pangmalakasang hatak ay nakuha nila ang puntos na 10-9-10 at nanalo sa second set sa score na 57-55. Huling set at whang tumira sina Kim W., Kim J., at Lee W. ng Korea at muling sumablay na maka sampung puntos at nakuha ang puntos na 8-9-9 sa whang tira.
Binigyang hatak na batak na batak nila Dhiray, Kai, at Pravin nang Indian Team at nakuha ang puntos sa whang tira na 10-9-8. Huling tyansa na nang Korean Team para makapuntos nang tig sampo pero naabot lamang nila ang puntos na 9-9-9. Sapag tarak ng pana nang Indian Team at nakabawi silang mas tumaas ang kanilang puntos at nakuha ang puntos na 10-9-9 Sa huling labanan o ste ay ang Indian ang nanalo at naangkin ang gold medal sa final score na 55-53 dahil sakanilang pagbatak ng paghatak sa larong archery
December 09, 2025
OPINYON

Social media, tulong ba o distraksyon
| Ni Althea Gamboa
December 09, 2025
LATHALAIN

Hating-Pasko
| Ni Atheena Balajadia
December 09, 2025
ISPORTS

Pilipinas, Dinurog ang Malaysia sa Men’s Basketball ng SEA Games 2025
Ni Joyleen Capiral
December 09, 2025

Leave a comment