
HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS
PNP, Magpapatupad ng Malakas na Seguridad sa Simbang Gabi
Ni Michaella Cunanan | BALITA | ASLAG

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) sa “Simbang Gabi” ngayong Kapaskuhan, na may mahigit 70,000 tauhan para sa foot patrols, checkpoints, at mobile units sa mga pangunahing simbahan at matataong lugar sa buong bansa.
Ayon kay PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinaiigting ang koordinasyon sa lokal na pamahalaan, opisyal ng barangay, at pamunuan ng simbahan upang matiyak ang maayos na pamamahala ng tao at kahandaan sa emergency.
Tututukan din ang posibleng nakawan, pandurukot, trapiko, at sunog mula Disyembre 16 hanggang 24. Samantala, ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay magde-deploy ng 23,218 tauhan sa Metro Manila, kabilang ang multipliers at augmentation mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ayon kay P/Major Hazel Asilo.
Zero Balance Billing sa LGU Hospitals, Posibleng Ipatupad sa 2026

MANILA, Philippines — Posibleng masaklaw na ng zero balance billing ang ilang LGU hospitals sa bansa pagsapit ng 2026, matapos aprubahan ng Senado ang P1 bilyong budget para sa pagpapalawak ng programa, ayon sa Department of Health (DOH).
Nagpasalamat si DOH spokesperson Albert Domingo sa Senado sa pagsasama ng Zero Balance Billing Expansion sa LGU hospitals. Sa pamamagitan ng budget, maaaring i-tap ang mga Level 3 LGU hospitals, habang umaasa ang DOH na madagdagan pa ang alokasyon.
Ilan sa mga kandidatong LGU ay Sarangani, Laguna, Aklan, at Benguet, habang tinitingnan din ang Pampanga, Bataan, at Quezon. Mahigit 1,078,000 Pilipino na ang nakinabang sa programa sa loob ng pitong buwan. Para ma-avail, kailangan i-admit ang pasyente sa basic accommodation o ward kung saan babayaran ng PhilHealth ang 100% ng bill.
December 09, 2025
OPINYON

Social media, tulong ba o distraksyon
| Ni Althea Gamboa
December 09, 2025
LATHALAIN

Hating-Pasko
| Ni Atheena Balajadia
December 09, 2025
ISPORTS

Pilipinas, Dinurog ang Malaysia sa Men’s Basketball ng SEA Games 2025
Ni Joyleen Capiral
December 09, 2025

Leave a comment