LATHALAIN

Zero Balance Billing sa LGU Hospitals, Posibleng Ipatupad sa 2026

50 Pesos Kaya Ba ng Estudyante

Pilipinas Dinurog ang Malaysia sa Men’s Basketball ng SEA Games 2025

Hating-Pasko

Ni Atheena Balajadia |LATHALAIN |ASLAG

Imahe mula sa Google| Pagkain sa Noche Buena

Ang araw ng Pasko ay lubos na pinakahihintay at pinaghahandaan ng mga tao, lalo na ng mga Pilipino. Buwan pa lamang ng Setyembre, sa pagsisimula ng tinatawag na “Ber Months,” ay naglalagay na ng mga makukulay na dekorasyon ang bawat pamilya sa kanilang kanya-kanyang bahay, hudyat ng pinakamahabang selebrasyon ng Kapaskuhan sa mundo. Higit pa rito, ang Pasko ay isang okasyon kung saan nagsasama-sama muli ang pamilyang nakatira sa malalayong lugar, nagbabalikan upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus at ang init ng pamilya. ​

Isa sa pinakatampok na bahagi ng selebrasyong ito ay ang Noche Buena, ang tradisyonal na salu-salo tuwing hatinggabi ng Bisperas ng Pasko. Para sa mga Pilipino, ang Noche Buena ay itinuturing na isang pyesta—masayang nagku-kwentuhan ang lahat habang sabay-sabay na kumakain ng masasarap at iba’t ibang putahe. Kaya naman, lubos na pinaghahandaan din ng bawat pamilya ang mga pagkaing inihahain nila. Sa pagnanais na maging kumpleto at sagana ang handaan, madalas umaabot ang kanilang gastos ng libo-libo. Halimbawa, sa Cebu, umaabot sa P1,673 ang halaga ng tradisyonal na Noche Buena, kahit na ang pinakamurang sangkap lamang ang binili.

Bunsod nito, nagkaroon ng kontrobersiya nang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat na ang P500 para sa Noche Buena ng isang pamilyang Pilipino. Umusbong ang matinding diskusyon sa social media, kung saan marami ang nagpahayag na hindi makatotohanan ang pahayag, lalo na sa harap ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

Maraming netizens ang nagbatikos sa DTI, sinasabing tila diskonekta ang ilang opisyal sa simpleng pamumuhay ng karaniwang mamamayan. May nagsabi pa na “alam naman nating ang ilan sa kanila ay gumagastos ng malaki sa ibang bansa, kaya’t hindi nila dapat diktahan ang badyet ng P500 para sa Noche Buena.”

Ang kontrobersiyang ito ay hindi lamang tungkol sa presyo ng handa; ipinapakita rin nito ang pangangailangan ng gobyerno na maging sensitive at realistiko sa karanasan ng mamamayan. Para sa maraming Pilipino, ang Pasko ay isang pagdiriwang na pinaghahandaan at hindi dapat tinitipid lamang.

Bilang Pamamaalam

| Ni Atheena Balajadia

50 Pesos Kaya Ba ng Estudyante

| Ni Althea Gamboa

Pilipinas Dinurog ang Malaysia sa Men’s Basketball ng SEA Games 2025

| Ni Joyleen Capiral

Comments

Leave a comment