ISPORTS

Pilipinas Dinurog ang Malaysia sa Men’s Basketball ng SEA Games 2025

Ni Joyleen Capiral | ISPORTS | ASLAG

Pinabagsak ng Philippines Men’s Basketball Team ang Malaysia matapos magtala ng dominanteng panalo sa score na 83–58 sa kanilang laban sa SEA Games 2025 na ginanap sa Thailand kahapon.

Unang quarter ay agad nang ibinigay ng Malaysia ang kanilang lakas matapos tambakan ang Pilipinas sa mabilis na opensa at mahigpit na depensa.

Pagdating ng ikalawang quarter ay binawi ng Pilipinas ang puntos at tinambakan ang Malaysia sa tulong ng maayos na pasa, mabilis na fast breaks, at solidong rebounding na lalong nagpalaki sa kanilang kalamangan bago mag-half time.

Hindi rin nagpahuli ang Pilipinas sa ikatlong quarter kung saan patuloy nilang kinontrol ang laro, at muling tinambakan ang Malaysia habang nahirapan ang kalaban na makalusot sa depensang ipinamalas ng koponan ng Pilipinas.

Huling quarter ay tuluyan nang sinelyuhan ng Pilipinas ang kanilang panalo at muling tinambakan ang Malaysia hanggang sa huling buzzer, patunay ng disiplina at determinasyon ng buong koponan.

Comments

Leave a comment