
HOME BALITA LATHALAIN OPINYON ISPORTS
Social media, tulong ba o distraksyon
Ni Althea Gamboa|LATHALAIN|BOSES NG MASA

Ang social media ay mga aplikasyon kung saan nag-aalok ng oportunidad para makipag-usap sa mga mahal mo sa buhay na nasa malalayong lugar, at maaari mo rin ipahayag ang sarili mo. Kasabay nito, nagdudulot din ito ng pagka-distract, stress, at negatibong impluwensya kung hindi ito gagamitin nang tama. Isa na rito ang mga estudyanteng nawawalan ng oras sa pag-scroll, kaya hindi na nabibigyan ng pansin ang kanilang pag-aaral. Nagiging malaking distraksyon ito na nagpapababa sa produktibidad.
Minsan, kahit nasa klase, patuloy pa rin silang gumagamit ng social media kahit na ang guro ay nasa harapan, na nagreresulta sa kakulangan ng respeto. Gayumpaman, ang social media ay nakakatulong din kung gagamitin nang tama. Lalo na sa larangan ng pag-aaral, maaari kang mag-search ng sagot sa iyong assignments sa isang pindot lang. Isa pa rito, kung hindi mo masyado alam ang itinuro, puwede kang mag-search upang maliwanagan sa mga hindi mo pa alam. Ngunit sa sobrang paggamit nito, maaaring maapektuhan ang iyong kalusugan dahil nasisira nito ang iyong mental health at nagdudulot ng labis na stress o pagka-adik sa social media.
Kasabay nito, napapagod ang mga mata sa radiation, at nagiging sanhi ito ng pagkalabo ng paningin. Sa pagwawakas, ang social media ay isang platform kung saan maaari kang makipag-usap sa mga mahal mo sa buhay na nasa malalayong lugar, at huwag itong gamitin nang mali. Kung kaya’t bigyan ng limitasyon ang sarili at disiplinahan ito. Dapat gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa wastong paggamit ng social media, hindi lang ang guro ang dapat magbigay ng leksyon, kundi pati na rin ang mga magulang. Sa huli,Maaari ring gumawa ng programa kung saan nagpo-promote ng sports, hobbies, at interaksyon sa mga kaibigan.
Casual Friday,disiplina paano?
Nagpanukala ang administrasyon ng paaralan ng bagong patakaran kung saan ipinahihintulot ang pagsusuot ng casual na kasuotan tuwing Biyernes, at ikinatuwa naman ito ng mga estudyante. Ngunit may ilan naman ang naiilang sapagkat nag-aalala sila na baka mawalan ng disiplina ang mga estudyante at posibilidad na paglabag sa dress code. Dahil sa bagong patakaran,napalitan ng sipag ang kawalan ng gana ng mga estudyante. Tuwing biyernes,puno ng sigla at confident sa pag susuot ng casual na kasuotan—mas komportable,mas maluwag sa pakiramdam at mas nakakapag-focus sa pag aaral—dahil sa simpleng kasuotan nag bibigay ito ng kalayaan sa mga estudyante.
Samantala,madami naman ang nababahala na mawalan ng disiplina at paglabag sa dress code sapagkat hindi lahat ng estudyante ay marunong sumunod sa patakaran dahil may ilan na nag susuot Ng hindi angkop na damit,gaya Ng maiikling shorts,croptops at iba pa. Upang maiwasan ang ganitong problema, una, gumawa ng malinaw na patakaran na tumutukoy sa angkop na kasuotan tuwing casual Friday. Pagkatapos, magbigay ng seminar sa mga estudyante tungkol sa kahalagahan ng disiplina at pagsunod sa patakaran.
Habang isinasagawa ito, dapat mag-monitor ang mga guro upang masiguro ang maayos na pagsunod. Ang Casual Friday ay isang patakaran kung saan may kalayaan ang mga estudyante na magsuot ng komportableng damit. Huwag lumabag sa patakaran upang hindi mag-alala ang karamihan. Sumunod sa patakaran upang ang Biyernes ay maging “Biyernes Saya”!
BALITA

Isang estudyante nagtamo ng sugat matapos mahulog
Ni Michaella Cunanan
December 09, 2025
OPINYON

Social media, tulong ba o distraksyon
Ni Michaella Cunanan
December 09, 2025
LATHALAIN

Liwanag sa bintana
Ni Atheena Balajadia
December 09, 2025
ISPORTS

Nakopo ng India ang gold medal laban sa Korea
Ni Joyleen Capiral
December 09, 2025

Leave a comment