
HOME BALITA LATHALAIN OPINYON ISPORTS
Ang Liwanag sa Bintana
Ni Atheena Balajadia|LATHALAIN|BOSES NG MASA

Pasyenteng nakatanaw sa bintana
Bago magkaroon ng sakit, si Hannah ay tulad namin: puno ng singaw ng kape at halos walang tulog dahil sa mga deadline. Pero ang laban niya ay biglang lumipat mula sa silid-aralan patungo sa masikip at amoy-gamot na ospital.
Walang pasabi siyang nawala. Ang dating chismisan sa group chat ay napalitan ng tahimik at biglaang balita: kailangan niyang sumailalim sa mabigat na treatment. Ang mundo niya, na dating punung-puno ng yellow highlighter at mga notes, ay napalitan ng puting pader at tahimik na kirot.
Ngunit ang puting silid ay hindi nakapagpalamya sa kanya. Sa bintana, tinititigan niya ang mga estudyanteng dumadaan, bitbit ang punung-puno nilang bag, na tila isang eksenang hindi niya maabot. Iyon ang nagpapaalala sa kanya na kailangan niyang lumaban, hindi para sa subject o anumang deadline, kundi para lang may maabutan pa siyang buhay sa labas ng bintana.
Gamit ang teknolohiya at tulong ng pamilya, ipinagpatuloy niya. Habang nagpapagaling sa ospital, ginawa niyang aralan ang kanyang kama. Gamit ang laptop sa kanyang hita, sinasagutan niya ang module sa pagitan ng drip at pag-inom ng gamot. Hindi siya nagpahuli sa marka, nagpakita siya ng tapang at determinasyon.
Nang makabalik siya pagkatapos ng halos isang taon, sinalubong siya ng buong klase hindi lang ng palakpakan, kundi ng tunay na paghanga. Hindi lang siya bumalik; bumalik siya nang mas matatag at malakas. Si Hannah ay nagpapatunay na kahit gaano man kadilim ang iyong kalagayan, may naghihintay na liwanag sa kabilang bintana.

Isang estudyante nagtamo ng sugat matapos mahulog
Ni Michaella Cunanan
December 09, 2025
OPINYON

Social media, tulong ba o distraksyon
Ni Althea Gamboa
December 09, 2025
LATHALAIN

Liwanag sa bintana
Ni Atheena Balajadia
December 09, 2025
ISPORTS

Nakopo ng India ang gold medal laban sa Korea
Ni Joyleen Capiral
December 09, 2025

Leave a comment