
HOME BALITA LATHALAIN OPINYON ISPORTS
CNHS Lady Spikers muling nagkampeon sa District Championship
Ni Joyleen Capiral|ISPORTS|BOSES NG MASA

Pinabagsak ng Girls Volleyball Team ng Camba National High School ang Del Pilar High School gamit ang matinding spike sa laban na District Championship sa final score na 25-21 noong May 20, 2025.
Nagpasiklab ang CNHS sa simula pa lamang at tinambakan ang kalaban. Humabol man ang DPHS ay hindi parin nila maabutan at matapatan ang Cnhs at natalo sa score na 25-21.
Umalingawngaw ang mga suporter ng Cnhs nang maipanalo ulit nila ang laban sa pangatlong beses na sunod-sunod na kampeonato.
Itinampok sa laban ang mahusay na teamwork, at walang humpay na determinasyon na siyang nag-angat sa koponan laban sa matatag na kalaban. Ang panalo ay nagbigay ng inspirasyon sa buong paaralan at muli silang mag rerepresenta ng distrito sa darating na Provincial Meet sa Hunyo.
Sa pagtatapos, ang tagumpay na ito ay nagpatibay sa reputasyon ng koponan bilang isa sa may pinaka malakas na pwersa. Buo ang kanilang pag-asa na makapag-uwi muli ng panalo at makapagtala ng panibagong kasaysayan para sa kanilang paaralan
Nakopo ng India ang gold medal laban sa Korea

Naangkin ng India ang gold medal laban sa Korea sa score na 57-56, India vs Korea (men team) match 1 Shanghai 2024 archery world cap noong may, 2024.
Unang tina at nagpakita na nang pangmalakasang hatak si Kim Woojin, Kim J., at Lee W. ng Korea at naka puntos ng 10-9-10.
Sumunod sina Rai, Bommadevana, sang Tira pero lumamang ang Korea ng isang puntos sa whang Tira.
Nagpakitang gilas ulit ang Korean Team pero nasablay na makakuha nang tig sampung puntos at naabot lamang ang puntos na 8-9-10.
Bumawi ang Indian Team at nagbatak kaya’t nakuha nila ang puntos na 10-10-9 at nanalo sa unang set sa score na 57-56
. Nang magsimula na ang second set at unang tira nang bawat team ay nagkaroon Sila ng tie na score na 10-8-10
Sinubukang paangatin ng Korean Team ang kanilang score para sa pangalawang tira na sa second set pero nadagdag lamang nila ang puntos na 8-9-10
Nagbatak ulit ang Indian Team at gamit ang pangmalakasang hatak ay nakuha nila ang puntos na 10-9-10 at nanalo sa second set sa score na 57-55.
Huling set at whang tumira sina Kim W., Kim J., at Lee W. ng Korea at muling sumablay na maka sampung puntos at nakuha ang puntos na 8-9-9 sa whang tira. Binigyang hatak na batak na batak nila Dhiray, Kai, at Pravin nang Indian Team at nakuha ang puntos sa whang tira na 10-9-8.
Huling tyansa na nang Korean Team para makapuntos nang tig sampo pero naabot lamang nila ang puntos na 9-9-9. Sapag tarak ng pana nang Indian Team at nakabawi silang mas tumaas ang kanilang puntos at nakuha ang puntos na 10-9-9
Sa huling labanan o ste ay ang Indian ang nanalo at naangkin ang gold medal sa final score na 55-53 dahil sakanilang pagbatak ng paghatak sa larong archery

Isang estudyante nagtamo ng sugat matapos mahulog
Ni Michaella Cunanan
December 09, 2025
OPINYON

Social media, tulong ba o distraksyon
Ni Michaella Cunanan
December 09, 2025
LATHALAIN

Liwanag sa bintana
Ni Atheena Balajadia
December 09, 2025
ISPORTS

Nakopo ng India ang gold medal laban sa Korea
Ni Joyleen Capiral
December 09, 2025

Leave a comment