
HOME| BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

TULOY ARAL, HUWAG MAGING HADLANG ANG PAGSUBOK

Simula nang pag-usbong ng COVID-19, maraming kasanayan ang naiba dulot nito. Isa na rito ang pagbabago ng sistema ng pag-aaral na napalitan ng Online Learning.Hindi ito naging madali sapagkat hindi lahat ng estudyante at guro ay may gadget tulad ng laptop o tablet. Kung meron man, maaaring walang sapat na kasanayan o kaalaman sa paggamit nito. Isa pang factor nito ay hindi sapat ang suporta ng gobyerno.
Ang kakulangan ng digital tools para sa edukasyon ay laking epekto sa mga estudyante kaya’t ang karamihan ay napilitang huminto sa pag-aaral. Samantala, ang mga guro ay nahaharap sa mga hamon sa pag-angkop sa online teaching. Sa kabila nito, may isinigawang inisyatibo ang gobyerno tulad ng pag bibigay ng abot-kamay na laptops at tablets sa mga estudyante at guro,pagpapabuti ng signal sa mga lugar at pagsasagawa ng kasanayan sa mga guro at estudyante sa paggamit ng platforms at mga digital na kagamitan. Dahil sa ginawang solusyon ng bansa na pagbibigay ng abot-kamay na gadget,pagbubuti ng signal sa mga lugar at pagsasagawa ng kasanayan. Naging madali na ang pag-aaral ng mga estudyante kahit na patuloy pa rin umuusbong ang COVID-19.
K to 12, Laking tulong sa mga estudyante
May isinagawang programa sa edukasyon sa Pilipinas kung saan dinagdagan pa ng dalawang taon na pag-aaral ng mga estudyante o mas kilalang K to 12 program. Hindi ito naging madali sapagkat hindi lahat ng iskuwela ay may sapat na classroom,laboratories and facilities para sa programa na ito. Hindi din ito naging madali sa mga guro na humawak nito. Lalong lalo na sa mga estudyanteng hindi sapat ang badyet sa uniporme,transportasyon dahil sa low-income families. Kaya karamihan sa mga estudyante ay napipilitang umalis sa kanilang iskuwelahan kadahilanan ng financial burden and lack of accessible facilities. At mga gurong nahihirapan na hawakan ang bagong curriculum. Hindi lang yon mahihirapan din ang mga estudyante maghanap ng trabaho sa industry dahil wala silang kasanayan.
Kaya dahil dito napag-isipan na lakihin ang badyet sa edukasyon para makagawa ng panibagong classroom at mag pasok pa ng maraming guro at magsagawa ng pagsasanay sa mga ito. At makipag samahan sa mga negosyante upang tulungan sa market demads. Dahil sa programa ito nadagdagan ang kaalaman ng estudyante at pagsasanay ng mga ito.
Leave a comment