
HOME| BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

TATLONG PASAHERO PATAY MATAPOS MAHULOG SA BANGIN ANG KANILANG SINASAKYAN NA TRUCK

Tatlong pasahero nasawi matapos mahulog sa isang bangin ang kanilang sinasakyan na Isuzu Elf truck. 40 sugatan na nasa hospital ngayon. Nangyari ito noong linggo ng hapon sa Barangay Bara, City of San Fernando. Sila ay pauwi at mag kakamag anak galing sa kanilang nakaugaliang pamamasyal sa isang pista. Ayon kay Christopher Navarro s’ya raw ay nawalan ng control sa pagmamaneho.
Dalawa sa nasawi ay mag ama na si Pualito Dizon at ang kan’yang anak na si Loreta Dizon; at ang isa pang nasawi na si Gregorio Gorospe. Hindi lasing ang driber sad’yang nawalan lang siya ng preno/kontrol sa pagmamaneho. Halos lahat ng nakasakay ay nasa likod kaya’t sila ay mga sugatan. Ang suspek ay nasa kustodiya ng San Fernando.
Isa pang paliwanag ng driber na si Christopher ‘’hindi ko naman po alam, hindi ko din po sinad’ya nag anon ang mangyayari. Kasi hindi ko naman po alam na maaksidente kami.’’ Kaya dapat sa susunod tayo ay mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente
HORACIO CASTILLO III PATAY MATAPOS SUMAILALIM SA HAZING

Gabi ng sabado ng magpaalam si si Horacio Castillo III na siya raw ay dadalo sa Welcome Ceremony ng isang Fraternity. Siya ay namatay matapos sumailalim sa hazing. Horacio Castillo III ang pangalan ng nasawi ayon sa ulat ni Athena Imperial sa GMA News ‘’Unang Balita’’ nitong lunes. Nalkita ang kanyang bangkay sa bangketa sa infanta street sa balut, Tondo oras ng 8;00 ng linggo
Bagong Aegis Juris Fraternity ang pangalan ng welcome ceremony para sa mga miyembro na dinaluhan ng biktima. Ang nasawi ay isang Freshman Law student ng University of Santo Tomas. Dinala si Castillo sa isang Chinese general hospital. Sa hospital na ito siya ay idineklara na dead on arrival.
Pumayag ang kaniyang mga magulang na sumali ito sa fraternity dahil wala namn raw hazing rites. Madaling araw na ng lunes ng malaman ng kanyang mga pamilya ang nangyari sakanilang mahal sa buhay. May nagpadala din sakanila ng text tungkol sa pagkamatay ni Castillio.
SIMBAHAN NINAKAWAN NG DALAWANG LALAKI

Ninakawan ang isang simbahan sa Candaba, na San Vicente Parish Church. Wala ng narekober ang mga pulis, isinara ito noong 7;30 ng Lunes. Bandang 5:00 am, kinabukasan, napansin ng isang maintenance man na bukas ang bintana sa kwarto ng pari. Sila ay nakapasok umano sa simbahan.
Ang mga suspek ay sina Mary Rose Garcia, Oliver Gabara, Gerald Riego, at Rudy Mallari. Sinabi ni Supt. Danilo Mendoza sa Candating Station na nahuli sa follow up operation sa Darabulbul Tarlac. Arestado ang dalawang suspek na si Gerald Riego at Rudy Mallari.
Ayon sa Security Guard nang dumating daw ang mga pulis, natuklasan nalang daw nila na sira ang pangunahing pintuan ng simbahan. Kaya’t sa susunod isara natin ng maayos ang mga simbahan upang maiwasan ang pagnanakaw
Leave a comment