HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

Hindi pwedeng itigil ang CSE!

May isang trahedya na hindi dapat ikabahala dahil dulot nito ay matindi, lalo na’t pabata na ng pabata ang naaapektuhan nito kaya naman naglabas sila ng batas, Comprehensive Sexuality Education, kung tawagin. Nakapaloob dito ang magiging kapakanan ng mga batang kababaihan kung saan ay isasailalim sa pag-aaral at poprotektahan ang mga ito. Ngunit, batay sa iniulat ay isasailalim muna ang CSE subalit nagkaroon ng “nakakalitong mga patakaran”.  

Paano na lamang ang mga kabataan na sumailalim sa batas na ito? Hindi ba’t magkakaroon ng gulo? Kung pwede naman ayusin ang mga patakaran, bakit hindi? 

Ayon sa ipinunto ni Sen, Gatchalian, dapat manatili ang CSE sa mga alituntunin ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 habang sumasailalim pa ang CSE. Dadaan muna ito sa masusing pagsusuri bago ipatupad muli. Pero mananatili pa ring age-appropriate ang ituturo sa CSE sa mga mag-aaral. 

Ang teenage pregnancy ay matinding problema sa mga kabataan, subalit wala pang kasiguraduhan kung ipapatupad muli ang CSE. Maganda kung ipapatupad muli ito dahil kung tutuusin, dito nakasalalay ang kapakanan ng mga kabataan. Tama ba ang ipinunto ni Sen. Gatchalian na dapat manatili ang CSE.  

Kung maaari ay ipatupad nalang muli dahil malaking tulong ito sa mga kabataan sapagkat nalalaman nila na kung ano ang hindi dapat gawin. At kung pwede pa ayusin ay ayusin at gawan ng paraan kung paano magiging maayos ang batas

Tulong ng Punong Guro, mahalaga sa paaralan

Larawan ng Kolumnista

May mga iskuwelahan ang nagkakagulo dahil sa kakulangan sa pamamahala, at nagkaroon din ng maling distribusyon dahil naibigay sa hindi kwalipikadong tauhan. Ganyan ang mangyayari pag walang namumuno sa isang eskwelahan. Mananatili itong magulo at walang katahimikan.

Kung mananatiling bakante ang posisyon, maraming mga estudyante ang magkakagulo. Kaya kung maaari ay humanap ng paraan dahil kung hindi mananatiling walang kaayusan ang eskwelahan.

Ayon sa DepEd sa 45,199 paaralan, ay 24,916 ang walang punong guro, kaya naman nakipagugnayan ang DepEd sa Department of Budget and Management upang mare-classify ang mga kwalipikadong TICs bilang punong guro.

Kaya hindi nagkakaroon ng kaayusan dahil ang paaralan ay hindi sapat ang ipinapatupad na patakaran, sapagkat wala silang punong guro. Lalo na 24,916 ang walang punong guro panigurado hindi nagkakaroon ng kaayusan kaya naman nakipagtulungan ang DepEd sa Department of Budget and Management para mare-classify ang mga kwalipikadong TICs bilang punong guro.

Sa aking palagay, tama ang ginawa ng DepEd na makipagtulungan sa Department of Budget and Management para sa gayon ay maging maayos ang sistema ng paaralan.

CSE, malaking tulong huwag itanggal

Larawan ng Kolumnista

Matinding pagsubok ang kinakaharap ng mga kabataan ngayon subalit sa batang edad ay nagdadalang tao na kaya naman ipinatupad ang CSE, pero sa ngayon kasalukuyan munang sumasailalim ang CSE dahil nagkaroon ng nakakalitong mga patakaran.

Hindi puwede maitigil ang CSE subalit dadami nanaman ang maaapektuhan ng teenage pregnancy, Kung maaari ay ayusin na lamang.

Inanunsyo ni DepEd Sec. Sonny Angara na isasailalim muna sa masusing pagsusuri ang implementasyon ng CSE. Habang dumadaan pa sa masusing pagsusuri ang CSE, mananatili pa rin age-appropriate ang ituturong CSE sa mga mag-aaral.

Kung maaari ay ipagpatuloy na lamang ang CSE para malaman ng mga kabataan kung gaano kahalaga ang sexual. Para sa gayon, mabawasan na ang maaapektuhan ng teenage pregnancy.

Sa aking palagay, malaking tulong ang CSE lalong lalo na sa mga kababaihan. Kung maaari ay gumawa kaagad ng paraan upang hindi matigil ang CSE dahil laking tulong ito lalo na sa mga kababaihan na kinakailangan ng proteksiyon para hindi maapektuhan ng teenage pregnancy.

ULAT ONLINE: Taga-ulat ng mga balitang sandigan ng katotohan

Comments

Leave a comment