HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

CSE, binatikos sa senado

Imahe mula sa google | Nagpapahayag si Sen. Gatchalian sa Senado

Hinikayat ang Department of Education (DepEd) na pansamantalang ipatigil ang pagsusulong ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa ilalim ng Department Order (DO) 31 dahil sa nakakalitong mga patakaran na tinalakay sa pagdinig ng Senado noong Enero 2025.

Ipinunto ni Senator Sherwin Gatchalian sa isinagawang pagdinig ng senado na malayo ang kasalukuyang framework ng CSE sa layunin ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Itinalaga pa ni Sen. Gatchalian na dapat nakaakma ang CSE sa mga alituntunin ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Samantala, inanunsyo ni DepEd Secretary Sonny Angara na rerebyuhin ang pagpapatupad ng CSE sa ilalim ng DO 31 noong nakaraang linggo.

Dagdag pa rito, sinabe rin ni Sen. Angara ang mga posibilidad ng pansamantalang suspensyon habang nire-review ang mga patakaran upang maitama ang mga kahinaan ng implementasyon.

Sa kabilang dako, susuriin ng DepEd ang mga isyung tinatalakay ng mga mambabatas upang maiayon ang CSE sa mga batas at kulturang Pilipino.

Sinigurado din ng DepEd na mananatiling age-appropriate ang itinuturong CSE sa mga mag-aaral sa buong bansa at sa lahat ng pampublikong paaralan sa ilalim ng DepEd.

Paaralang walang punong guro, inaksyunan ng DepEd

Imahe mula sa google | Mga estudyanteng nakikinig sa guro

Inilathahala ng EDCOM II ang kanilang Year Two Report na halos kalahati ng mga paaralan sa ilalim ng Department of Education (DepEd) ay walang itinalagang principal noong Enero 27, 2025.

Sa ulat ng EDCOM II, sa 45,199 paaralan ay 24,916 ang mga walang punong guro at kasalukuyang pinapamahalaan ng head teachers, teachers in-charge (TICs) o officers in-charge (OICs).

Samantala, may mga paaralan na hindi pumapasa sa patakaran ng DepEd na dapat may siyam na guro upang maitalaga ang principal.

Bilang pagaksyon ng DepEd, nakikipagkapit bisig ito sa Department of Budget and Management upang ma-reclassify ang mga kwalipikadong TICs bilang punong-guro.

Dagdag pa rito, isusulong ang school staffing at organizational standard upang maayos ang tamang deployment ng mga school heads.

Gayunpaman, inumpisahan ng DepEd ang pagtugon sa isyu noong huling bahagi ng 2023.

DSSPC, umarangkada na

Entablado para sa DSSPC

Isinagawa ang Division Schools Secondary Press Conference (DSSPC) sa San Vicente Pilot High School (SVPHS), Potrero National High School (PNHS), at Parulog Elementary School (PES) nitong ika-4 hanggang ika-5 ng Pebrero, taong kasalukuyan.

Sinimulan ang DSSPC 2025 na may temang “Empowering voices; Nurturing responsible in support of the matatag curriculum”.

Sa pagbubukas ng DSSPC, ang mga sasabak ng indibidwal at radio broadcasting ang isinalang sa unang araw ng labanan.

Pinagpatuloy sa ikalawang araw ng paligsahan ang pagsabak Collaborative Dekstop Publishing (CDP) at TV Broadcasting Filipino na ginanap sa SVPHS.

Samantala, isinagawa rin sa ikalawang araw ang Online Dekstop Publishing (ODP) at TV Broadcasting English na ginanap naman sa PNHS.

Sa kabilang dako, pinarangalan na ang mga nanalo sa kategoryang indibidwal kahapon habang kasalukuyan pa lamang ginaganap ang mga kategoryang grupo.

ULAT ONLINE: Taga-ulat ng mga balitang sandigan ng katotohan

Comments

Leave a comment