
HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

Dapat pa bang pag-aralan ang CSE

Anong henerasyon na ba ito? Ano-ano na nangyayari sa mga kabataan. Sa murang edad ay nagagawa na nilang mag buntis? Kabataan paba ito? Akala ko ba kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero sa nakikita ko ngayon parang hindi na ito mangyayari dahil sa maaga nilang pag bubuntis. Dapat ba nilang pag-aralan ang CSE? Kaya naman kinwestyonan agad ito sa kamara.
Ayon kay Rep. Zia Alonto Adiong, “we need to go as early as 5-6 years old and teach them reproductive health and gender sensitivity”.
Dagdag pa nito,”for the sensitivity for early education it’s not actually the actual sexuality is but are foundational knowledge like for identitying their body parts.”
Sa ganitong pamamaraan, malalaman ng kabataan kung ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral ng reproductive health and gender sensitivity, at kung ano ang hindi dapat nilang gawin.
Sinabi ng kamara, habang pataas ng pataas ang kaso ng teenage pregnancy, pabata naman ng pabata ang naaapektuhan nito. Isipin mo na 10 years old mabubuntis? Nakakapag taka no? Dahil sa batang edad imbis na mag-aral may dala dalang bata.
Ang lumalalang teenage pregnancy ay isang hamon para sa mga kabataan. Sa halip na nag aaral ay nag dadalang bata. Kaya tama si Rep. Zia Alonto Adiong na dapat pag-aralan ang reproductive health and gender sensitivity para sa edad na 5-9 years old. Para sa batang edad malaman na nila kung ano ang di dapat nilang gawin.
Para sa gayon, mabawas bawas ang maaapektuhan ng teenage pregnancy lalo na sa mga edad na 10 na wala pang alam sa pag dadalang bata. Malaking tulong ang pag-aaral Comprehensive Sexuality Education (CSE) dahil nakapaloob dito ang kapakanan ng kabataan. Hindi lang iyon dahil maproprotektahan pa ang kabataan pag dating sa teenage pregnancy.
Bagong sistema ng kurikulum ipapatupad na
Nakikita nilang nakakaranas ng mga pag hihirap ang mga senior high kaya naman nag palabas sila ng bagong kurikulum kung saan babawasan na ang mga asignatura.
Ayon kay Kalihim ng Edukasyon Sonny Angara, magsisimula na ang pagpapatupad ng bagong kurikulum para sa senior high school sa taong panuruan 2025-2026.
Sa ilalim ng bagong kurikulum, babawasan ang mga pangunahing asignatura mula 15 patungo sa 5-7 lamang.
Sinabi ni Angara na ang mga paaralan ay maaaring magdagdag ng mga asignatura na gusto nila, lalo na sa mga pribadong paaralan.
Ikinasaya naman ng mga guro at estudyante ang pagbabago ng kurikulum dahil makakatulong ito upang hindi masobrahan ang mga mag-aaral at upang mas maging handa sila sa kanilang mga trabaho sa hinaharap.
Ang mga mahahalagang asignatura na mananatili ay ang komunikasyon, kasaysayan ng Pilipinas, pangunahing matematika at agham.
Laking tulong ang bagong kurikulum dahil hindi na maisstress ang mga estudyante sa dami ng gagawin at mga guro.
Paaralan ang susi sa pag katuto
Sa bawat henerasyon,pabago bago na ang sistema ng pag-aaral. Kung iisipin mo highschool hindi pa marunong mag basa? Kung tutuusin dapat elementary palang alam mo na pa’no magbasa.
Sa Sauyo High School sa Quezon City, may isang section kung saan ang itinuturo pagbaybay ng mga salita, pagsusulat ng mga letra at pagkilala sa mga kulay. Pero ang klaseng ito, wala sa elementarya kundi nasa high school na. Sila ang Section Darwin isang klase na binubuo ng dalawampu’t siyam na mga estudyanteng nakatuntong sa Grade 7 pero hindi pa rin nakapagsusulat at nakababasa.
Nakakadismaya lang dahil elementary pinag aaralan na ang pag babasa at pag susulat. Ano na ba nangyayare sa kabataan?
Sa aking palagay, kung maaari ay umulit nalang sa elementary para sa gayon, makasabay sila sa katulad nilang estudyante sa high school.
Buti nalang may iskwelahan na ganito dahil karamihan “No Read, No Pass Policy”. Nakakatuwa lang dahil imbis na umulit ay itinanggap nalang nila kahit hindi marunong magbasa’t mag sulat.

Leave a comment