
HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN | ISPORTS

Pagtuturo ng CSE, Binatikos

Kinwestyon sa Kamara ang pag-aaral ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa mga bata noong ika-16 ng Enero, taong kasalukuyan.
Ayon sa Department of Education, ang pagtuturo ng CSE sa mga paaralan ay nakaangkala sa reproductive health law o DepEd Order No. 31 na inilunsad noong 2018.
Samantala, sa ilalim ng RH law hanggang 10-19 taong gulang ang bibigyan ng kaalaman sa CSE na kung saan dumami ang maagang pagbubuntis at tumaas ang kaso ng HIV.
Sa pahayag ni Representative Zia Alonto Adiong, “we need to go as early as 5-6 years old and teach them reproductive health and gender sensitivity”
Dagdag pa rito, “for the sensitivity for early education it’s not actually the actual sexuality is but are foundational knowledge like for identitying their body parts”
Sinabe naman ng DepEd na kinder pa lamang ay binibigyan na ng pundasyon ng kaalaman sa CSE.
Sa kabilang dako, ikinababahala ng grupo ang pumasa sa Adolescent pregnancy prevention bill sa kamara noong nakaraang taon na nasa second reading na sa senado ngayon.
Bagong SHS Curriculum, nais ipatupad sa SY. 2025-2026

Magsisimula na ang pagdedeklara ng bagong kurikulum para sa senior high sa taong panuruan 2025-2026.
Ayon kay Educational Secretary Sonny Angara, unti unting implementasyon ang gagawin upang makapag-adjust ang mga paaralan.
Dagdag pa niya, sa ilalim ng bagong kurikulum ang mga pangunahing asignatura ng Grade 11 at Grade 12 ay mababawasan mula 15 magiging 5-7 na lamang.
Kabilang sa mga maiiwan na asignatura ay ang communication, filipino history, math at science.
Samantala, nag-organisa ang Department of Education (DepEd) ng isang national task force para magsagawa ng pagsusuri sa pagpapatupad ng SHS program sa parehong DepEd at non-DepEd schools noong 2023.
Inilunsad ng DepEd ang unang rebisadong K-10 curriculum ng K-12 program noong Agosto 2023.
Proyekto na media and information literacy, Inilunsad

Nagdeklara ang UP Department of Journalism ng media and information literacy project upang palawakin ang kaalaman ng mga estudyante sa larangan ng pamamahayag noong ika-6 ng Oktubre taong 2023.
Kabilang dito ang ilang mga batikang broadcast journalist na tatalakay sa basic journalism, misinformation, disinformation at fact checking.
Samantala, kasama sina GMA Integrated News anchors and reporters, Ivan Mayrina, Mariz Umali, Connie Sison at State of the Nation Anchor Atom Araullo.
Sa pahayag ni UP Department of Journalism Chairperson at GMA Public Affairs Host Kara David,tutulungan nila ang mga guro sa pagtuturo ng media and information literacy sa Senior High School.
Sa kabilang dako, sang ayon ang USAID o US Agency for International Development sa proyekto sa pamamagitan ng initiative for media freedom.

Leave a comment