HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN ISPORTS

Fake news, sandata ng panloloko sa karamihan

Nagdudulot ito ng malawakang pinsala, katulad ng isang lason na nakakaapekto sa maraming indibidwal. Isang maling impormasyon lang ay nagdudulot na ito ng pagkawatak-watak ng lipunan.

Hindi sapat ang pag-iimbestiga ng bawat indibidwal, dahil hindi naman lahat ay may sapat na kaalaman. Paano na lamang ang mga matatanda na madali maniwala? Kaya naman agad itong nag sasanhi ng maling impormasyon katulad na lamang ng mga vlogger at influencer na lumalabag sa batas.

Ang imbestigasyon ay tututukan ang transparency ng mga social media platforms na nag papalaganap ng maling impormasyon na nag papalinlang sa mga tao. Kaya naman papanagutan ito ng vloggers at influencer, katulad nalang na ipinakalat na disinformation sa pambansang seguridad, lalo na sa usapin ng hidwaan sa West Philippine Sea.

“Ang fake news ay lason na sumisira sa ating demokrasya. Hindi tayo titigil hangga’t mapanagot ang mga nasa likod nito at matiyak na may tamang proteksyon ang ating mga kababayan,” Saad ni solon.

Magsasagawa nga­yon ng executive briefing ang joint panel na binubuo ng Committees on Public Order, on Public Information, at Information and Communications Technology (ICT) na pangungunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez.“Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa mga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan at pagkakawatak-watak ng ating lipunan,” sabi ni Fernandez.

Ang fake news ay Isang matinding kapahamakan ang maidudulot dahil maaaring mag sanhi ng pag kawatak-watak,pag kalito, kawalang ng katiyakan at marami pang iba. Katulad nalang ng Isang kabataan na biktima ng cyberbullying at online harassment.

Sinabi ni Fernandez na tutukuyin din sa imbestigasyon ang mga butas sa batas upang matugunan ang mga isyu.

Nanawagan din ang solon sa publiko na huwag basta maniwala sa mga impormasyon na kanilang nakikita online at maging mapanuri.

Upang malaman kung peke ang mga ito.Tututukan din sa imbestigasyon ang mga panganib na dulot ng fake news sa mga ordinaryong Filipino, lalu na sa kabataan at marginalized na pangunahing biktima ng cyberbullying at online harassment.

Kung maaari ay huwag agad maniniwala, at tignan kung may sapat ba na ebidensiya o napatunayan kung totoo nga ba ito. Lalong lalo na sa social media hindi makasigurado kung totoo nga ba ito o gawa gawa lamang.

Yaman ng Pilipinas ay naragdagan pa

Ang Pilipinas ay isa sa mga may pinaka maraming isla. Ang Isla ay isa sa mga pinupuntahan na mga turista kung saan nag babangka sila, naglalangoy, nag lilibot at marami pang iba.

Ayon sa NAMRIA, nadagdagan ang opisyal na bilang ng mga isla mula sa kinilalang 7,107 ay naging 7,641 matapos ang isinagawang masusing pag-aaral.

Gumamit ang ahensya ng high-resolution satellite imaging na Interferometric Synthetic Aperture Radar (IFSAR) at nagresulta ito sa pagkatuklas ng nadagdag na 534 na isla.

Pero ayon sa mga ito, ang kanilang natuklas na Isla ay karamihan ay maliliit at walang naninirahan.

Kahit maliit ito kung marami namang likas na yaman ay tiyak na maraming turista ang pupunta dito para mag lakbay at mag camping.

Pangunahing ahensya ng Pilipinas ang NAMRIA sa pagsasagawa ng mapping at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga likas na yaman ng bansa.

Para sa gayon, malaman ng mga turista kung ano anong lugar ang pwede nilang lakbayin. At kung anong likas na yaman ang makukuha dito.

Kay sarap tignan ang mga isla nakakarelax, pwedeng mag pahinga, mag lakbay, at mag bangka. Iba talaga pag likas na yaman hinding hindi ka madidismaya.

Pilipinas, makikipag-tulungan sa interpol

Malinaw na mas gusto makipag ugnayan ng Pilipinas sa Criminal Police Organization (Interpol) kaysa sa International Criminal Court (ICC). Sa kasalukuyan iniimbestigahan ng ICC ang giyera sa droga ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang opisyal na bilang ng gobyerno para sa mga namatay sa giyera sa droga ay humigit-kumulang 6,200, bagaman iniulat ng mga organisasyon ng karapatang pantao na maaaring mas mataas ang bilang. Sa ganitong paraan, Kung mag sasanib sanib puwersa ang Pilipinas at interpol maaaring maalis ang war on drugs.

“Batay sa karanasan ng gobyerno, dapat laging iginagalang ang kahilingan ng Interpol, dahil ang Interpol ay nagbibigay din ng serbisyo sa atin sa ibang mga lugar, katulad nito. Kaya, iyan ang ibig sabihin ng komite,” sabi ni Bersamin sa pinaghalong Ingles at Filipino.

Diniin ni Bersamin na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas, ngunit kung isusumite ng ICC ang kahilingan nito sa pamamagitan ng Interpol, susundin ito ng Pilipinas.

Habang hindi pa pinangalanan ng ICC ang sinumang indibidwal bilang mga suspek, itinuro ng ilan si Duterte bilang isang pangunahing tauhan, binabanggit ang kanyang mga pampublikong pahayag na pinagtatalunan ng mga kritiko na maaaring nag-udyok ng agresibong aksyon ng mga tagapagpatupad ng batas.

Sa isang pagdinig ng Senado noong 2024 tungkol sa giyera sa droga, inamin ni Duterte na sinabi niya sa mga pulis na bigyan ng pagkakataong lumaban ang mga tumatakas na suspek upang magkaroon sila ng dahilan upang barilin sila.

Sa aking palagay, unti-unti mawawasak ang war on drugs dahil sa pag tutulungan ng Pilipinas at Interpol.


Hulagway ng katotohanan, larawan ng kasaysayan

Comments

Leave a comment