HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN ISPORTS

Tropang Giga pinaluhod ang Beermen; Matagumpay na umarangkada sa ikalawang puwesto

Imahe galing sa google | Rondae Hollis-Jefferson lay-up

Dinagundong ng TNT Tropang Giga ang depensa ng San Miguel Beermen sa kanilang tunggalian nung ika-26 ng Enero na sumiklab sa Ynares Sports Arena, Pasig dahilan upang umakyat sa ikalawang puwesto ang TNT sa PBA Commissioner’s Cup standings.

Mainit na sinimulan ni Don Trollano ang huling kwarter ng laban at matapang na sinugod ang depensa ng Beermen at ipinamalas ang driving lay-up na sinundan naman ng three point shot ni Juami Tiongson dahilan upang makapagtala ng 5-0 run sa simula ng ika-apat na kwarter.

Hindi naman nagpahuli si June Mar Fajardo sa kaniyang jumper kontra sa depensa ni Williams Kelly sa baba ng ring, ata agaran namang sumagot si Jayson Castro ng driving lay-up.

Nagsagutan ng lay-ups at three points ang dalawang koponan sa kalagitnaan ng huling kwarter subalit mas marami ang naipasok ng Tropang Giga at tuluyang pinaluhod ang Beermen sa iskor na, 115-97.

Nagpaulan ng maiinit na tres si Calvin Oftana ng Tropang Giga sa simula ng ikatlong kwarter habang sinasabayan ng mga dumadagundong na lay-ups ni Roger Pogoy.

Kumana ang Tropang Giga 31 puntos sa ikatlong kwarter habang napako naman ang San Miguel sa 21 puntos, at tinapos ni Poy Erram ang kwarter sa isang driving lay-up na may iskor na, 87-70.

Lumamang ang San Miguel sa simula ng ikalawang kwarter at matagumpay na bumira ng 30 puntos habang 25 lamang sa TNT.

Bagamat lumamamg ang Beermen sa opening quarter, nanaig parin ang mala tigreng opensa ng Tropang Giga at pinakain ng alikabok ang nanghihinang depensa ng Beermen at tinapos ang kwarter sa iskor na 31-19.

Zus Coffee pinulbos ang Capital 1; Panalo sa PVL AFC Preliminaries naisikwat

Imahe galing sa google | Thenderbelles nagdiriwang sa isang puntos

Nanaig ang Zus Coffee Thunderbelles sakanilang pakikipag-tunggali kontra Capital 1 Solar Spikers sa PVL AFC Preliminaries nung ika-25 ng Enero na sumiklab sa PhilSports Arena.

Natapos ang tunggalian sa isang dumadagundong na spike ni Julia Angeles at matagumpay na naipatumba ang depensa ng Solar Spikers.

Agarang naglista ng 2 puntos ang Thunderbelles matapos ang dalawang mahahabang rally hanngang sa umabot ng 5 puntos, subalit nagpainit ang Solar Spikers at matagumpay na naitabla ang iskor, 5-5.

Tumaob ang depensa ng Solar Spikers matapos iparanas ng Thunderbelles ang mala-kidlat na opensa at naglista ng 6-0 run at lumobo ang kalamangan sa walo, 21-13.

Nagpatuloy ang agresibong opensa ng Thunderbelles hanggang sa tulyang nanaig habang bigo ng makabawi pa ang Capital 1 at lumuhod sa set score na, 3-0 (31-29, 25-15, 25,15).

Mahaba-habang rally ang naganap sa opening set at nagtagal pa ng ilang minuto dahilan upang umabot ang iskor na, 31-29.

Pinangunahan ni Thea Gagate ang depensa ng Thunderbelles habang hawak naman ni Gayle Pascual ang agresibong opensa dahilan upang mapasakamay nila ang unang set.

Matagumpay muling naitarak ng Thunderbelles ang kanilang bandera sa ikalawang set at bumira ng 10 puntos na kalamangan at mabilisang tinapos sa iskor na, 25-15.

Solar Spikers aarangkada paba sa PVL?

Imahe galing sa google | Solar Spikers nagdiwang sa isang puntos

May pag asa paba na pumasok sa PVL playoffs ang Capital 1 Solar Spikers? Sa ngayon, hindi natin masasabi na kanilang makakayanan na makapasok sa playoffs sapagkat isa palang ang kanilang naipapanalo ngayong season.

Sa pagkatalo nila sa Thunderbelles nung isang araw, hindi parin sila umangat at mas naging mababa ang kanilang baraha na may 1 win 6 lose, habang ang kanilang kasunod na Farm Fresh Foxies ay may 3 wins 4 lose sa baraha.

Laging matapang na pinangungunahan ni Marina Tushova ang Solar Spikers bawat laban bilang isang outside hitter. Sa kasalukuyan, siya ang pinaka-epektibong manlalaro ng Solar Spikers.

Makakaabot ng playoffs ang Solar Spikers kung lahat ng manlalaro ay may dedikasyon at sumusunod sa mga coaches at mga staff.

Samantala, ang coach nila na si Rogelio Gorayeb ay laging binubuhay ang kanilang loob at pinapalakas ang diwa upang ang kanilang koponan ay makaabot sa playoffs at malasap ang kanilang inaasam-asam na kampyonato.

Hulagway ng katotohanan, larawan ng kasaysayan

Comments

Leave a comment