
HOME | BALITA | OPINYON | LATHALAIN ISPORTS

Pilipinas, handang makipagkapit-bisig sa Interpol

Makikipagtulungan ang Pilipinas sa International Criminal Police Organization (Interpol) kung hihilingin nito na tumulong sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ukol sa war on drugs noong ika-25 ng Enero.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, “We have withdrawn, and the withdrawal is with in effect pero we have been very clear in our statements regarding this”
Ani pa, “If the ICC makes a move and courses the move through the Interpol, and the Interpol makes the request to us for the arrest or delivery of custody of a person subject to ICC jurisdiction, we will respond favorably”
Gayunpaman, iginiit ni Bersamin na wala namang klaro na sinabing nagcocoperate kaagad pero ang desisyon ng Interpol ay dapat irespeto.
Dagdag pa niya, pakikipagkaibigan ang tawag sa ganoon dahil nakikinabang din tayo sa Interpol sa ibang mga kaso at baka kung hindi sila paboran ay baka sa susunod ay hindi na makikipagtulungan ang Interpol.
Vloggers na naglalaganap ng pekeng impormasyon, sisindakin ng Kamara

Uumpisahan na ng Tri-comittee ng Kamara ang pagsisiyasat sa mga indibidwal na nasa likod ng kumakalat na fake news sa publiko ngayon, Enero 27.
Magsasakatuparan ng executive briefing ang joint panel ba binubuo ng Committees on Public Order on Public information, at Infornation Communications Technology (ICT) na pangungunahan ni Sta. Rosa Representative Dan Fernandez.
Ayon kay Fernandez, “Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa nga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan, at pagkakawatak-watak ng ating lipunan”
Dagdag pa niya, “Ang fake news ay lason na sumisira sa ating demokrasya. Hindi tayo titigil hangga’t mapanagot ang mga nasa likod nito at matiyak na may tamang proteksyon ang ating kababayan”
Samantala, tatalakayin ng transparency ng mga social media platforms sa pagtukoy ang pagtanggal ng maling impormasyon, pagpapatupad ng mga hakbang na pananagutan kontra sa mga lumalabag na vloger at influencer.
Nanawagan naman si Fernandez sa publiko na huwag agad naniniwala sa mga nalalaganap online at maging maingat sa mga nasasagap na impormasyon.
Sa kabilang dako, tututukan din sa imbestigasyon ang mga kapahamakan na naidudulot ng fake news sa mga tao lalo na sa mga kabataan at maaksyonan ang mga nabibiktima ng cyberbullying at online harrassment.
Pinas, umakyat ang bilang ng mga isla

Natuklasan sa pagsusuri ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) na mayroon ng 7,641 isla sa Pilipinas.
Saad ng NAMRIA, nadagdagan ang bilang ng mga isla mula sa kinilalang 7,107 matapos isagawa ang masusing pag-aaral.
Nabatid sa resulta na nadagdagan ng 534 isla matapos gumamit ang ahensya ng high-resolution satellite imaging na Interferometric Synthetic Aperture Radar (IFSAR).
Dagdag pa rito, lumabas na karamihan sa mga bagong isla ay maliliit pa lamang at walang naninirahan.
Sa kabilang banda, pangunahing ahensya ng Pilipinas ang NAMRIA sa pagsasagawa ng mapping at paghahatid ng impormasyon tungkol sa mga likas na yaman ng bansa.

Leave a comment