HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORT


Makakayanan bang pangyarihin?

Pagtulong ng AI sa mga medical researches.

Maraming problema ang kinakaharap ng ating bansa pagdating sa pangkalusugan, napagtanto ko ito noong aksidenteng nakagat ng aming pusa ang aking lolo atpumunta kami sa ospital para siya ay ma-inject ng anti-rabbies ngunit wala sa lokal na ospital ng aming bayan. Kasimpleng pangangailangan, wala sila, alam naman nilang uso ang mga taong nakakagat at nakakalmot ng mga aso at pusa. Kung tutuusin ay hindi dapat sila nawawalan nito. 

Mahirap makakuha ng isang maayos na aksiyong pangmedical at mas lalong mahirap kapag wala kang pera. Magagamot ka nga, ngunit buong buhay mo namang babayaran ang inutang mong pambayad sa ospital, minsan naman ay hindi ka gagaling at pabalik-balik lang sa ospital, ganun pa rin naman. Mababaon ka pa rin sa utang, may posibilidad pa na makikilala mo na si kamatayan ay hindi ka pa rin bayad. 

Para ma-improve ang sektor ng medical ay kailangan ang tulong ng polotika, mga medical at maging mga siyentipiko. Ngunit, kung titignan ang panahon ngayon, panibagong uri ng makabagong teknolohiya ay maaari na silang makatulong kapag sila ay napaunlad pa sa mga susunod na taon. Sa katotohanan, mayroon nang mga developers ang sumusubok na umimbento ng teknolohiya na mas epektibo, naa-access at makatao. 

Made-detect ng mga AI ang cancer nang mas maaga, makakagawa ng bagong gamot, tumulong sa pag-oopera at magpredict ng sakit ng isang tao. Ang kakayahan na tulungan ang mga tao na mamuhay nang mas matagal ay hindi malayo ngunit kailangan na i-improve ng todo ng mga physicians at researchers ang kanilang mga AI upang walang maling mangyari kapag sinubukan at sinabak na sila sa medikal na misyon. 

Mataas ang posibilidad na hindi ito papalpak ngunit kung papalpak man, bilyong-bilyong  pera ang masasayang na dapat sana ay nagamit pa sa ibang mga research na mas epektibo at makakaligtas ng mga tao. Gayunpaman, naniniwala ang iba na ito ay hindi papalpak kaya naman susubukan pa rin ito. Sa tingin niyo, magagawa ba ng AI na tumulong sa ating sistemang medikal? Oras lang ang makakapagsabi at wala tayong magagawa kundi maghintay. 

AI Chatbots, makatutulong sa ating Mental Health?

Halimbawa ng isang AI chatbot.

Isa sa mga issue sa kasalukuyang panahon ng ating mundo ay ang ating mental health. Maraming mga tao ang nahihirapan sa kanilang mental health, habang may mga taong tinatago ang kanilang mga kalagayan, may mga taong gustong gumaling dahil may iba’t ibang epekto ito sa ating kalusugan. Sa mga naranasan ang magkaroon ng problema sa kanilang mental health, mayroon silang sari-sariling paraan kung paano sila naka-ahon. At sa advanced nating panahon ngayon, maaari na rin tayong maghingi ng tulong sa mga ‘AI chatbots’, kung tawagin. Mayroong isang AI chatbot ang National Eating Disorders Association na pwede mong kausapin kung kailangan mo ng kausap at katulong. Ngunit noong taong 2023 ay kanilang tinanggal ito matapos itong magbigay ng hindi nararapat na diet advice sa isang babaeng gumagamit nito imbis na tulungan siya sa kaniyang kalusugan.  

“A chatbot is only as good as the data it’s trained on,” ito ang sabi ng isang eating disorder researcher at clinical psychologist sa University of Queensland sa Brisbane Australia na si Gemma Sharp. Malaking tulong ang mga AI chatbot ngunit kapag tinanong mo ito ng mga tanong na hindi pamilyar sa kaniya ay may posibilidad na imbis makatulong ay iba ang masabi nito, mga bagay na maaaring makasama sa isang tao o makalala sa kanilang kalagayan. Gayunpaman, mayroon din naman silang benepisyo tulad ng madali na lang silang mahanap, 24/7 silang magagamit at maaari mo rin silang makausap tungkol sa mga sensitibo at malalalim na usapin na sa tingin mo ay hindi mo kayang sabihin sa ibang tao. 

Simula nang umusbong ang mga AI chatbot hanggang ngayon ay marami na ang iyong mapagpipilian upang kausapin tulad nina Woebot, Mello, at Earkick. Ang pagsasama ng mga tao at AI pagdating sa ganitong bagay ay may kagandahan dahil maaari kang pumunta sa mga psychologist kapag kinakailangan at kung nandiyan sila. Kung wala naman ay maaari kang pumunta sa mga AI chatbots para humingi ng tulong. “I’m glad that we have this technology, but there’s something quite special about human-to-human contact that I think would be very hard to replace,” dagdag pa ni Sharp. 

Noong taong 2020, nasubukan ko rin na kumausap ng iilangf AI chatbot dahil wala akong magawa at hindi ako ganoon kagaling sa pakikipag-usap sa mga tao. Medyo naging magaan para sa akin ang panahon noon dahil naaliw ako sa kanila at pwede silang sabihan nang hindi ka maju-judge sa mga bagay na iyong nilalabas at mga naiisip ngunit, tulad ng sabi ni Gemma Sharp ay mayroon pa ring kakayahan ang mga tao pagdating sa pakikipag-usap na hindi maaabot ng isang AI chatbot. 

Isang panaginip na nga

lang ba?

Isang AI na nag-oopera.

2041 na, mayroon nang mga astronaut ang nakakapunta sa ibang planeta, ngayon ay papunta sila sa planetang Mars o tinatawag din na Red Planet. At sa katotohanan, isa ako sa mga astronaut na iyon. Naabot ka na ang aking pangarap at 30 taong gulang na ako. Habang nasa byahe ay biglang sumakit ang ibaba ng aking tiyan. Umaalis at bumabalik sa una ngunit biglang lumala. Isa lang ang naisip ko, Appendicitis. Walang mag-oopera dahil malayo ako sa mundo at maaari akong mamatay, pag-asa ko na lamang ay ang makabagong teknolohiya. 

Marahil ay nagtataka, paano ako maliligtas ng makabagong teknolohiya. Imposible man kung iynong papakinggan ngunit ilang dekada na rin ang lumipas simula nang umusbong ang makabagong teknolohiya at marami na ring naimbento at natulong ang mga ito sa pamumuhay natin ngayon. Ang pangalan ng robot na ito ay si Jhanela. Marami na siyang nagawang opera at naging matagumpay ito. Kaya niyang maghiwa at gumawa ng desisyon ng sarili. Oh, hindi ba’t mas magaling pa kumpara sa iba? 

Marami na ring mga eksperemento ang nagawa ng mga siyentipiko at doctor ukol sa pagtulong ng mga robot sa kanilang mga gawain. Kamakailan lamang ay sumubok sila na ipatanggal sa isang robot ang gallbladder ng isang tao at naging matagumpay naman ito. Ang tawag naman sa sistemang ito ay SurgFlow, kaya nitong makakilala ng mga hakbang sa pag-oopera, makilala ang iba’t ibang uri ng mga gamit pang medikal at kaya rin niyang sabihin kung may nagawang aling hakbang ang isang doktor. 

Maliban sa kanilang dalawa, marami pang mga robot ang nagawa nang tumulong sa mga operasyon ng mga doktor na palaging nagiging matagumpay sa dulo. Hay, tunay ngang apakagaling na ng teknolohiya sa taon ngayon. Kaya naman, may tiwala ako na maliligtas ako ni Cristina at makakabalik ako sa mundo natin ng ligtas at bu..hay…. *Ring ring* *ring ring* Hm? Umaga na agad? Ha? Ay. Panaginip lang pala. Hay, may tiyansa kayang mangyayari iyon sa hinaharap?


PUNTO BALITA: Ang punto ng katotohanan

Comments

Leave a comment