
HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

Chargers pinaluhod ang NXled; Panalo sa PVL All-Filipino naibulsa

Binaun ng Akari Chargers ang NXled Chameleons matapos silang magpalitan ng palo na tumagal ng 4 sets, (21-25, 25-20, 26-24, 25-18) na sumiklab sa PhilSports Arena, Pasig, nung ika-23 ng Enero sa PVL All-Filipino .
Pumalo at naibaun ang 17 puntos ni Ivy Lacsina sa kaniyang 14 attacks, 2 service ace at 1 block dahilan upang ganahan ang Chargers at upang maisikwat ang panalo.
“Kaya po kami naka-stay focus talaga sa game dahil doon sa binubuo naming culture ng team. Doon kami nag-stick and siyempre, doon sa mga itinuturo ni coach habang naglalaro kami,” ani Lacsina.
Umakyat sa ika-anim na puwesto ang Chargers sa PVL standings, 4-4, pagkatapos ng kanilang pagkapanalo sa Chameleons, habang lagapak naman ang Chameleons sa huling puwesto, 0-7.
Pinangunahan naman ni Chiara Permentilla ang Chameleons na may game-high na 20 puntos habang pumalo naman ng 13 at 11 markers sila Lucille Almonte at Lycha Elbon.
Pinaluhod ng Chameleons ang Chargers sa unang round, 25-21, habang bumawi naman ang Chargers sa ikalawang set at naitabla ang set score, 1-1, na may iskor na, 25-20, sa loob ng malulupit na spikes ni Lacsina.
Naisikwat ng Chargers ang ikatlong set sa iskor na, 26-24, sa loob ng nagliliparang spikes ni Lacsina.
Bumira naman ng mga service ace si Elbon kasunod ng mga counter cross attacks ni Nisperos dahilan sa matagumpay na panalo ng Chargers.
Pagsugod sa pagkapanalo

Ang bawat palo at puntos ay napakahalaga para sa isang mahusay na manlalaro sa larangan ng Volleyball. Bawat pumapasok na tira ang bawat manlalaro sa koponan ay nagdidiwang upang mas ganahan pa sa mga susunod na rally.
Isa sa mga manlalarong ito ay si Ivy Lacsina, na humahampas ng mga malulupit na spikes upang umarangkada ang kaniyang koponan. Bilang miyembro ng Akari Chargers, kaniyang matapang na sinusugod ang bawat laban ng may dedikasyon na manalo.
Isa sa mga pangarap ng bawat manlalaro ay maging isang Champion upang maging masaya at maipagmalaki. Bilang isang opposite hitter, sa bawat tunggalian ay ipinapakita ni Lacsina ang malalakas na hampas at ibaun ito at hindi na masalo ng kalaban. Matapang niya di’ng dinedepensahan ang bawat tira ng kalaban na bumabagsak sa kanilang puwesto.
Kaniyang inuusisa ang bawat galaw ng kalaban upang gamitin bilang kanilang kahinaan. Isang matalinong pamumuno ang laging ipinapamalas ni Lacsina sa kaniyang koponan dahilan upang umangat ang sila sa ikaw anim na puwesto.
Sa ngayon, ang panalo ay mahalaga sakanila dahil sa kanilang koponan ay nais makamit ang inaasam-asam na kampyonato at upang mapawi ang pagod na ibinuhos at upang maipagmalaki sila ng kanilang pamilya.
Volleyball, isa sa mga tinatangkilik na laro ng mga Pinoy

Ang larong Volleyball ay isa sa mga libangan ng mga Pilipino tuwing kasama ang mga kaibigan at kapag nasa paaralan. Hindi lang din libangan, sapagkat ito ay tinatangkilik sa larangan ng isports dito sa ating Bansa.
Ating makikita ang Volleyball sa mga Intramurals, telebisyon at iba pang mga patimpalak. Ito ay binubuo ng anim na miyembro sa bawat koponan na naglalaro sa kabilaan ng net.
Bawat hampas ay binabantayan at sinasalo, bawat tira ay mahalaga sapagkat makakakuha ng puntos ang isang koponan kung ito’y lumapag.
Bawat makakapuntos ang isang koponan, ang mga miyembro ay nagtitipon sa gitna upang mas palakasin pa ang determinasyon ng kanilang koponan na kumuha pa ng maraming puntos.
Ito ay kinakailangan ng magkakasamang pagtutulungan ng bawat koponan dahil kinakailangan nila ang isa’t isa sa pag service, spike at pagsalo ng tira. Upang maibulsa ang panalo, kailangan nilang makakuha ng 3 set na may 25 puntos sa isang set.
Hindi makakaila kung bakit maraming Pinoy ang naglalaro ng Volleyball, dahil ito ay ang pangalawang pinakasikat na isports sa Pilipinas sa likod ng Basketball. Sa huli, makikita natin sa Volleyball ang pagtutulungan, pagsisikap, at kasiyahan sa bawat manlalaro.

Leave a comment