
HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

Bagong bersyon ng Sex Education Bill, uusisain muna ni Pang. Marcos

“I need to read the substitute bill first” tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong bersyon ng Adolescent Pregnancy Prevention Bill na isinusulong ni Senator Risa Hontiveros.
Tiniyak ng Pangulo na kung hindi babaguhin ang kasalukuyang porma ay agad niyang ibe-veto ang Senate Bill 1979 o Adolescent Pregnancy Prevention Bill nitong nakaraang linggo.
Dagdag pa rito, matapos nito ay pitong senador na ang umatras sa pagsuporta sa Senate Bill 1979.
Samantala, Pahayag naman ni Sen. Hontiveros na inalis niya na ang probisyon na Comprehensive Sexual Education na nakaangkala sa international standards.
Sa kabilang banda, sa ilalim ng bagong umiiral na panukala, lilimitahan na ni Hontiveros ang mandatory Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa adolescents sa edad 10 taong gulang pataas.
Mayor Binay, nais magsulong ng tax exemption

Inilahad ni Makati Mayor at Senatorial Aspirant Abby Binay na nais niyang ipatupad ang tax exemption para sa 13th month pay at overtime pay ng mga manggagawa ng gobyerno nitong Miyerkules, Enero 23 taong kasalukuyan.
Sa pahayag ng mayor, sinabing malaking ginhawa ang maidudulot nito sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya sapagkat magkakaroon sila ng karagdagang income para sa kanilang mga pangangailangan.
Ayon sakaniya, makakatulong ito sa mga trabahador upang may pambili ng pagkain at gamot, pambaon ng mga anak sa eskwela at iba pang pangunahing pangangailangan.
Samantala, saad pa ng alkalde na may pangmatagalang benepisyo at tulong ang exemptions sa ekonomiya.
Aniya pa, may epekto ito dahil tataas ang consumer spending, sisigla ang mga negosyo at tataas ang revenue collectionng gobyerno kaya naman anumang kita ang mawawala ay mababawi pa rin.
Sa kabilang banda, ang 13th month pay sa kasalukuyang Tax Code ay kinukwenta kasama ang iba pang nga benepisyo gaya ng 14th month at performance bonus.
Dagdag pa rito, hanggang 90,000 piso lamang ang tinuturing na non-taxable income at ang anumang halaga na mas tataas pa sa 90,000 piso ay kabilang sa taxable income ng nga manggagawa.
Pasya ng Kamara, hinangaan

Pinuri ng Sin Tax Coalition ang Kamara sa pasiya nitong ihinto na ang pagtalakay sa House Bill 11279 na naglalayong bawasan ang buwis sa sigarilyo at alak.
Binubuo ang Sin Tax Coalition ng mga propesyonal sa medisina, kalusugan at mga “civil society organizations” na nagsusulong ng mga adbokasiyang pangkalusugan ng mga Pilipino.
Dagdag pa rito, kasama sa ipinapatupad nila ang mataas na buwis sa sigarilyo at alak upang huwag malulong ang mga Pilipino sa mga ito.
Samantala sa pahayag ng Sin Tax Coliation, “malakas at malinaw ang boses ng maraming sektor na ang pagbawas sa buwis ng mga produktong tabako ay aakit lamang ng higit na maraming maninigarilyo at mga mamamatay dahil dito”
“Ang malawak na loobin laban sa anumang pagtatangka na sabotahiin ang Sin Tax Reform Law ay makaka-apekto sa larangan ng pulitika, kasama na ang resulta ng halalan, kaya muli, nagpapasalamat kami sa tamang desisyon ng pamunuan ng Kamara na ipatigil ang mga talakayan sa mga panukalang batas na tiyak na sisira sa bayan” giit pa ng Coliation.
Ayon naman sa World Helath Organization, “ang sigarilyo ay pumapatay ng higit sa kalahati ng mga gumagamit nito.”
Sa kabilang banda, ang HB11279 ay isinulong ni Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan na ang layunin nito ay kumolekta ng karagdagang pondo para sa implementasyon ng Universal Health Care Law sa pamamagitan ng pagbawas sa buwis sa sigarilyo at alak kaya tinawag ito ng Coalition na Sin Tax Sabotage Bill.

Leave a comment