
HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

Bagong SHS Curriculum, Ilulunsad na sa SY. 2025-2026
Ni Kyla Delos Santos

Magsisimula na ang pagdedeklara ng bagong kurikulum para sa senior high sa taong panuruan 2025-2026.
Ayon kay Educational Secretary Sonny Angara, sa ilalim ng bagong kurikulum ang mga pangunahing asignatura ng Grade 11 at Grade 12 ay mababawasan mula 15 magiging 5-7 na lamang.
“Actually, ang plano diyan 2026 pa i-implement ‘yan pero tinatarget namin ngayon 2025. Although nakikiusap ‘yung ibang mga eskwelahan na napakahirap daw no’n, so i-phase natin ang implementation. So tayo, open naman tayo diyan” Pahayag ni Angara
Dagdag pa niya, “Ibibigay lang natin ang basic curriculum tapos bahala na ‘yung mga schools kung ano ‘yung mga gusto nilang idagdag, ano ‘yung gusto nilang i-offer na mga electives,especially sa private sector. We will give them a lot of freedom”
Saad pa ni Angara na tinanggap ng mga guro ang nabagong Senior High School Curriculum upang hindi mabigatan ang mga estudyante at mas makapaghanda sa kolehiyo.
Samantala, Nag-organisa ang Department of Education (DepEd) ng isang national task force para magsagawa ng pagsusuri sa pagpapatupad ng SHS program sa parehong DepEd at non-DepEd schools noong 2023.
Inilunsad ng DepEd ang unang rebisadong K-10 curriculum ng K-12 program noong Agosto 2023.
Sa kabilang banda, sa ilalim ng muling binagong K-10 curriculum, na kasalukuyang nasa phased implementation, ang bilang ng mga learning competencies ay nabawasan ng 70% mula sa humigit-kumulang 11,700 ay naging 3,600.
China monster ship, naispatan sa Zambales
Ni Kyla Delos Santos

Namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang China Coast Guard (CCG) vessel 5901 o tinaguriang “monster ship” na may layong 54 nautical miles sa Capones Island Zambales noong ika-4 ng Enero, taong kasalukuyan.
Agaran namang tumugon ang PCG na pinadala sa lugar ang isang helicopter at PCG caravan, hinamon din ng PCG ang presensya ng monster ship at idiniin na nakapaloob ito sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sa pahayag ni PCG Spokesperson Commodore Tarriela, sa pangatlong araw ng kanilang pagbabantay ang distansya ng monster ship ay 1200 at 65 nautical miles mula sa Los Reyes Island.
Ani pa ni Tarriela, “to make sure that the China Coast Guard will not harass or intimadate ang mga nangingisda dito sa Zambales”
Isinaad pa niya na maaring ginagawa ito ng China Goverment upang inormalize nila ang ganitong sitwasyon na may mga barko silang ipinapadala at para mabahala at makaramdam ng takot ang mga mangingisda sa ating Exclusive Economic Zone.
Samantala, ang mga mangingisda ay hindi naman nakakaramdam ng pangamba dahil kumbinsido sila na sinisigurado ng Philippine Goverment ang kanilang seguridad.
Patuloy na sinusubaybayan ng PCG ang CCG vessel at tinitiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda.
PhilHealth, tiniyak ang pinansyal na kalagayan
Ni Kyla Delos Santos

Pinatilihing matibay ang pinansiyal na kalagayan ng PhilHealth kahit na hindi nakakatanggap ng subsidy mula sa gobyerno ngayong taong 2025.
Ayon kay President and Chief Executive Officer (CEO) Emannuel Ledesma Jr, patuloy na kumikilos nang mahusay ang PhilHealth sa kabila ng mga hamon noong 2024, kabilang ang kakulangan ng alokasyon ng subsidy para sa taong 2025.
Ani pa niya sa isang pahayag, “At the outset, we declare categorically that PhilHealth is currently in good financial standing, and our commitment to universal health coverage is as steadfast as ever”
Saad pa ni Ledesma, “All programs, ranging from the Konsulta to the enhanced benefit packages, are being implemented as usual. No benefit packages will be taken away or diminished this year”
Samantala, kinwestyon ni Senador Bong Go na siyang namuno sa pagdinig, kung paano maaapektuhan ang mga miyembro ng PhilHealth at ang kanilang mga benepisyo dahil sa kakulangan ng pondo ng gobyerno.
Bilang tugon ni Ledesma, tiniyak niya na lahat ng mga programa sa benepisyo ay magpapatuloy.
Sa kabilang banda, ang 600 bilyong piso reserve fund ng ahensiya ay isang kadahilanan sa pagpapanatili ng mga operasyon nito na nagbabalanse sa kakulangan ng mga subsidy ng gobyerno para sa taong 2025.

Leave a comment