
HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

Converge hindi nawala sa trono, Kings pinaluhod ang E-Painters, Terrafirma naisikwat ang unang panalo
Ni Ivan Figueroa

Patuloy parin na pinagharian ng Converge ang trono matapos ang kanilang dalawang sunod na pagkapanalo kontra Rain or Shine at Blackwater, nitong ika-14 at ika-19 ng Enero ng PBA Commissioner’s Cup.
Pinamunuan ni Balti Baltazar ang Converge sa bawat laban, at nakapaglista ng double-double sa loob ng 20 puntos at 10 rebounds sa kanilang tunggalian kontra Blackwater.
Samantala, pinakain naman ng alikabok ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine sa kanilang tunggalian nitong ika-22 ng Enero, kahapon, na sumiklab sa Ynares Sports Center, 120-92.
Nagpainit naman si Justin Brownlee ng Ginebra at inararo ang depensa ng Painters, samantalang nagpakita ng agresibong opensa ang buong koponan upang maisikwat ang panalo.
Sa kabilang dako, matagumpay na naipanalo ng Terrafirma Dyip ang kanilang laban kontra TNT Tropang Giga, 117-108, ito din ang kanilang unang pagkapanalo sa PBA Commisioer’s cup Season 49.
Pinangunahan ni Mark Nonoy ang Terrafirma at kumana ng 33 puntos at matagumpay na naisikwat ang kanilang unang pagkapanalo.
“Sobrang thankful ako sa coaches at teammates ko” ani Nonoy.
“Kumbaga up and down ‘yung team namin. ‘Yung iba nawawalan na ng gana pero kumbaga may leader sa amin na ‘last push na ito,’itong last game namin,” dagdag nya pa. “Ayun nga, pinagkatiwalaan kani bg coaches at nag-respond din kami sa team.”
Van Sickle nagpakitang gilas, Cool smashers pinulbos ang Solar Spikers
Ni Ivan Figueroa

Naisikwat ng Petro Gazz Angels ang panalo sa kanilang pakikipag-tunggali kontra Chery Tiggo Crossoves, 3-2, nitong ika-22 ng Enero na sumiklab sa Philsports Arena sa PVL All-Filipino Conference.
Pinangunahan ni Brooke Van Sickle ang kaniyang koponan gamit ang determinasyon at pamumuno sa Angels, susi upang maiuwi ang panalo.
“I’m super proud of everyone. I’m pretty sure everyone brought great energy, it didn’t matter who was on the court,” ani Van Sickle.
Nagpainit at kumamada agad ng 5 puntos si Van Sickle sa deciding set ng laban at tuluyang pinaluhod ang Crossovers na may iskor na, 15-7.
Sa kabilang dako, pinaluhod ng Creamline Cool Smashers ang Capital 1 Solar spikers sa loob ng 3 sets, ( 25-19, 25-19, 25-18), nung ika-21 ng Enero na sumiklab sa PhilSports Arena, Pasig.
Naibaon naman ni Kyle Negrito ang 14 sets at isang ace upang maisikwat ang Top Honors sa kanilang laban.
“It’s a happy challenge. As a setter, masarap sa pakiramdam na kahit kanino mo ibigay ang bola, alam mong gusto nilang umiskor” ani Negrito.
Sumabay naman si Jema Galanza at ipinamalas ang agresibong atake at pumalo ng 12 puntos, habang bumira naman ng 8 puntos si Bea De Leon upang tuluyang mapaluhod ang Capital 1.
Nakapaglista ng 5 win streak ang Creamline dahil sa pagkapanalo kontra Capital 1, at inaasahang mapapahaba pa ito sa mga susunod na laban.
Larong Pinoy, unti-unti nabang nalilimutan?
Ni Ivan Figueroa

Nung tayo’y mga bata pa, hinding hindi natin malilimutan kung gaano tayo kasaya habang naglalaro ng mga larong pinoy tulad ng patintero, luksong baka, piko at iba pa kasama ang ating mga kaibigan.
Nalilimutan na nga ba ng mga kabataan ngayon ang mga larong ito? Hindi natin ito makakaila sapagkat kadalasan sa mga kabataan ngayon ay sa mga gadgets na naglalaro ng mga online games kasama ang kanilang mga kaibigan.
Upang hindi ito tuluyang mawala, ating turuan ang mga kabataan na kahit minsan ay bitawan ang kanilang mga gadgets at makipaglaro sa labas kasama ang kanilang kaibigan upang sa mga susunod na henerasyon ay buhay parin ang mga larong pinoy.
Kung makakalimutan ang mga larong ito, mawawala ito tradisyon ng mga Pinoy at tuluyan ng makakalimutan ng mga susunod na henerasyon. Masasabi natin ang mga larong pinoy ay kasama na sa ating kultura dahil ang iba dito ay nilalaro sa mga Fiesta at iba pang mga pagdiriwang na nakasanayan ng mga Pinoy.
Sa huli, mahalagang panatilihin na buhay ang mga larong Pinoy sapagkat tumatak na sa ating mga puso ang bawat saya na ating nadarama kapag nilalaro ang mga ito kasama ang mga Pamilya, kaibigan, pati na ang mga kaklase sa eskuwela.

Leave a comment