
HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

Sison at Bartolome pinulbos sina Cian at Arca

Matagumpay na napaluhod ng Tambalan ng Team A, Nicole Sison at Arven Bartolome, ang pambato ng Team B na sina Cian David at Geralden Arca, 2-0 (26-24, 21-14) matapos ang kanilang badminton mixed doubles exhibition match upang paghandaan ang paparating na PASDAM 2025 sa Enero, 29-31 at upang palakasin ang Andres Luciano Vipers sa pamumuno ni coach Ram Julius Pineda.
“Itong exhibition match na ito ay paghahanda para sa PASDAM 2025” ani Coach Pineda.
Humampas ng mala bulalakaw na smash si Nicole sa ikalawang set ng laban habang nagpabaon naman ng mga tira ang kaniyang katambal na si Arven Bartolome dahilan upang maipanalo nila ang laban at mapaluhod nila sina Cian at Arca, 21-14.
Umarangkada sa una subalit bigo paring maiuwi ng Team B ang laban sapagkat ipinamalas ni Nicole ang mala tigreng opensa at matagumpay na pinadapa sina Cian at Arca.
“Ang susi sa pagkapanalo ko ay ang aking pamilya at mga kaibigan, pati na ang pagrespeto manalo man o matalo” ani Nicole
Samantala, nagpainit kaagad sina Nicole at Arven sa opening round at kumamada ng 5-0 run dahil narin sa mga service errors ng Team B.
Hindi naman nagpahuli at nagpaulan din ng mga nagliliparang tira si Cian habanag matapang na dumepensa si Arca kontra sa agresibong atake nila Nicole.
Sa huli, naisikwat parin ng Tambalan ng Team A ang panalo at tuluyan ng lumuhod sina Cian at Arca sa set score na, 2-0.
Paghampas patungo sa pangarap

Isang masipag na manlalaro at laging dedikadong manalo si Nicole Sison sa kaniyang bawat laro at hindi nagpapaawat lalo na pagdating sa larangan ng Badminton. Sa bawat hampas ng raketa ay mahalaga sakanya, sapagkat ginagawa niya ito dahil may inspirasyon siya at ito ay ang kaniyang pamilya.
Walong taon palang ng unang nagsimulang maglaro ng Badminton si Nicole at agad na itong tumatak sa kaniyang damdamin. Ngayon, may paparating ng laban si Nicole kasama ng kaniyang katambal na si Arven Bartolome at ang kaniyang koponan, Andres Luciano Vipers, para sa PASDAM 2025 na nais nilang maipanalo.
Katulad ng ibang bata, mayroon ding malaking pangarap si Nicole bilang isang manlalaro. Nais niyang maka abot sa palarong pambansa at upang mapatunayan nya sa iba na walang hadlang sa isang pangarap kung ikaw ay may dedikasyon at kayang ibinuhos ang lahat upang maipanalo ang laban kahit anumang pagsubok ang dumating.
Isa sa mga susi sa pag abot ng kaniyang pangarap ay ang kaniyang pamilya at mga kaibigan na laging sumusuporta sakanya sa bawat laban. Ngayon, nageensayo si Nicole para sa paparating na patimpalak, at sa isip niya,sana’y magbunga ang kaniyang mga pinaghirapan at makamit ang kaniyang mga pangarap.
Pampanga, mapapagtagumpayan paba ang CLRAA?
Pampanga, handa naba para harapin sa susunod na Central Luzon Regional Athletics Association? Sa aking palagay, oo, dahil maraming kabataan sa Pampanga ang nangangarap na manguna sa CLRAA at makaabot ng Palarong Pambansa.
Dahil narin sa mga naglalakasang mga probinsya, ang Pampanga ay nahihirapang maka angat sa Palarong Pambansa dahil hindi sapat ang ensayo ng bawat manalaro na panapat sa mga batikang manlalaro ng ibang Probinsya.
Sa kasalukuyan, pang lima ang Pampanga na may 23 gold, 29 silver, at 26 broze medal. Kung nais maka angat sa Palarong Pambansa ng Pampanga, ay dapat mas tutukan pa ng mga coaches ang mga estudyanteng manlalaro at mas palakasin ang kanilang koponan.
Sa tingin ko naman ay dapat mas lalo pang paigtingin ng mga coaches ang pageensayo ng mga manlalaro kung gusto din nilang matapatan ang ibang probinsya sa Central Luzon.
Sa huli, mahalaga sa bawat probinsya na manalo sapagkat lahat ay gustong umangat. Sa tingin ko naman ay lahat ng manlalaro ng Pampanga ay ginawa ang lahat upang makarating sa CLRAA.



Leave a comment