
HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

Gurong Pampubliko, tutol sa ipinapatupad na dress code

Nagdeklara ng Civil Service Commision’s Memorandum Circular No. 16, s. 2024 na nakatalagang ang mga manggagawa ng gobyerno at gurong pampubliko ay nararapat na magsuot ng Filipiniana inspired tuwing ika-lawa hanggang ika-apat na Lunes ng buwan habang ang unang lunes ng buwan ay magsusuot ng ASEAN inspired na uniporme.
Ani ng isang guro,hindi siya sumasangayon sa bagong dress code sa kadahilanang ang mga silid ay walang air conditioner at hindi naaangkop ang ganitong uniporme sa mga publikong paaralan.
Dagdag pa niya, hindi kaya ng ibang mga guro ang presyo nito dahil masyadong mahal at baka pagtawanan lamang sila ng mga estudyante sa suot nilang uniporme.
Samantala, saad ng ibang guro ayos lang naman ipatupad ang ganitong uniporme kung sila ay nagtatrabaho sa mga opisina.
Gayunpaman, hindi akma ang ganitong kasuotan sa mga publikong paaralan dahil masiyadong mainit ang tela nito lalo na sa guro ng mga skills.
Bagong virus, pinapangambahan ng karamihan

Inanunsyo ng DOH na 179,227 na ang naitalang kaso ng Influenza noong ika-23 ng Disyembre taong 2024.
Mababa sa 17% ng 216,786 naman ang kasong naitala noong Disyembre 2023.
Kabilang sa mga sintomas ng Influenza ang pag-ubo, sipon at pagkakaroon ng lagnat.
Samantala, sa pahayag ng estudyante, “Dati masaya ako kasi walang pasok, pero this time since nagdedevelop na ang aware sa social issues nababahala ako rito and natatakot kase baka matigil ulit ang face to face education”
“Oo, syempre nakakatakot knowing what happen last time and since may possibility na mangyari ulit na magkaroon ng pandemic” dagdag pa ng ibang estudyante.
Sa kabilang banda, marami ang nababahala na baka magkaroon ulit ng pandemya at maulit ang dating trahedya na kinaharap ng mga Pilipino noon.
CSSPC, Umarangkada na

Isinagawa na ang Cluster 1 Second School Press Conference na may temang “Empowering voices; Nurturing Responsible Campus in support of the Matatag Curriculum” sa Andres Luciano High School ngayon, Enero 14, taong kasalukuyan.
Sinimulan ang programa sa panalangin na pinangunahan ni Ginang Joyce Carreon at sinundan naman ng pambansang awit na kinumpasan ni Ginang Rodalia Garcia.
“Press Conference is more than a competition, it enhance their journalist competence and defeat a friendly competition” ani Ginoong Marvin C. Licup.
Samantala, Binubuo ng pagsulat ng balita, pagsulat ng balitang isports, kolumn, editoryal, lathalain, lathalaing pang-agham, pag-uulo at pagwawasto ng balita, pagkuha ng larawan, Collaborative Dekstop Publishing, Online Dekstop Publishing, at Radio Broad Casting ang mga kategorya.
Pinakilala rin ang mga hurado na sina Ginang Maria Cristina L. Medina, Ginoong Rodolfo P. Dizon, Ginoong Chris L. Cabaling, Ginoong Manolito S. David, at si Ginoong Gred P. Bautista.
Ginawaran ng parangal nina Cluster 1 Chairman Jennifer S. Gonzales at Cluster 1 Chairman, Principal of ALHS Marvin C. Licup sina Ginoong Dizon at Ginoong David bilang hurado sa nasabing kompetisyon.
Sa kabilang dako, bilang pagsisimula ng kompetisyon pinapila ang mga indibidwal na sasabak upang pumunta sa nakadestinong kwarto sakanila habang pinaiwan naman ang mga Collaborative Dekstop Publishing, Online Dekstop Publishing, at Radio Broadcasting upang bigyan sila ng panuto at ipaliwanag ang kanilang gagawin.



Leave a comment