
HOME | BALITA | LATHALAIN | OPINYON | ISPORTS

Isang bayang kay yaman sa kultura

Ang Pampanga ay mayroong labingsiyam na bayan na mayroong sari-sariling tradisyon, kultura, mga piyesta at maging sa pagkain. Isa sa mga bayan na ito ay ang Bayan ng Magalang. Isang bayan na mayroong kakaibang tradisyon at mga piyesta kung ikukumpara mo sa iba pang mga bayan sa Pampanga. Kilala ang Magalang sa kanilang Kamaru Festival, pagluluto ng Kamaru, San Bartolome Parish, at isa rin ito sa mga pinakamatandang bayan sa lalawigan ng Pampanga.
Ang Kamaru Festival ay isang sa mga pinagmamalaking pagdiriwang sa Magalang tuwing buwan ng Agosto naay ang kasunod ng selebrasyon ng kanilang patron na si San Bartolome. Ang Kamaru o cricket sa Ingles ay isang sikat na lutuin sa Magalang. Kung tatawagin, ito ay maituturing na ‘pride ang joy’ ng Magalang. Noong nakaraang taon ay napangalanan pa ang pistang ito bilang ‘Best Festival’ sa buong Central Luzon, marahil ay dahil sa kakaibang klasi ang pistang ito dahil kung ang iba ay pinapa-alis at pinandidirian ang mga Kamaru, pwes, sa Magalang ay kanila pa itong pinag-aagawan kapag nahapag sa kanilang mga hapagkainan.
Kilala rin ang Magalang sa iba’t ibang simbahan sa kanilang bayan. Isa na rito ang San Bartolome Parish Church, ang santong si San Bartolome rin ang patron ng Bayan ng Magalang at kanilang ginugunita ang kaniyang kapiyestahan tuwing Agosto, kasunod ng isa pang kilalang pista, ang Kamaru Festival. At kung Katoliko ka, malamang hindi lingid sa’yo ng istorya ng kauna-unahang Killer Priest na si Juan Severino Mallari na pumatay ng mahigit limampung tao, at nang ginawa niya ito, siya ay isang pari sa San Bartolome Parish ng Magalang, Pampanga.
Iilan lamang ‘yan sa mga tradisyon at kultura na inyong makikita sa bayan ng Magalang kapag pumunta ka rito dahil ang bayan ng Magalang, tunay ngang kay ganda. Kung ikaw ay magiikot-ikot pa, marami ka pang makikitang pasyalan na maaari mong puntahan at pasyalan tulad ng mga restawran at mga kainan. Kung gugustuhin, maaari mo ring akyatin ang Mt. Arayat dahil kabilang ang Bayan ng Magalang sa mga bayang kinatatayuan ng bundok na ito.
Maganda rito, paniwalaan mo’ko!

Sa bayang aking pinanggalingan, mayroon kaming isang bundok na aming pinagmamalaki dahil sa angking ganda at istorya nito, ang Mt. Arayat. Ang Mt. Arayat ay ang pangalawa sa pinakamalaking bundok sa buong Luzon. Kung ito ay bibisitahin mo, marami kang maaring gawin na talaga namang ikagagalak mo. Mayroon ding mga pasyalang makikita rito na kapag iyong nakita, siguradong mapapa –wow ka sa tanawin na iyong makikita.
Isa sa mga pinakapatok na pasyalan sa Mt. Arayat ay ang Mt. Arayat National Park kung saan pwede kayong magswimming sa fresh at malamig na tubig na nanggaling sa bundok ng Arayat mismo. Ang park ay mayroong apat na swimming pool na maaari mong puntahan at languyan. Pwede ka ring maglibot-libot sa park at iyong masusulyapan ang mga nagtata-asan at mga Berdeng puno at halaman na nakatanim sa bundok. Noon ngang bata ako ay palagi ko pang niyayaya ang aking kuya na pumunta sa likod ng park dahil sa likod, mayroong falls do’n na nagbubuhos ng napakalamig na tubig, madulas nga lang kung iyong tatapakan. Pero, kung ika’y mag-iingat, ma-eenjoy mo talaga ito.
Iilan pa sa maari mong gawin pagpunta mo sa Mt. Arayat ay ang maghiking o magjogging. Ang trail paakyat sa bundok o papunta sa tinatawag na ‘Tree House’ sa Mt. Arayat ay patok sa mga mahilig magjogging sa umaga o maghike. Pwede rin ito sa nagr-ride o nagb-bike, kasama mo man ang iyong barkada, pamilya, o kasintahan. At syempre, hindi pa riyan natatapos. May isang pasyalan na iyong maaring puntahan. Kung sa Mt. Arayat National Park ay pwede kang magswimming, sa trail ay jogging, hiking, at biking, sa pasyalang ito, ikaw ay makapagpahinga at makakapagkape pa. Ang pasyalang ito ay ang Gintong Pakpak, medyo malayo dahil sa may bandang taas ito ng bundok ngunit masusulit naman ang iyong pagod dahil kapag pumasok ka rito, isang magandang tanawin ang bubungad sa’yo na pwede mong pagmasdan habang umiinom ng kape.
Bawat rehiyon sa ating bansa ay may mga bundok na ating maaaring puntahan. Dahil ang mga bundok ay isang atraksiyon para sa mga taong mahilig maglibot o naghahanap ng exciting na gawain na pwedeng maranasan. At bilang isang taong nagmula sa Arayat, buong pusong pinagmamalaki ko ang angking kagandahan ng mga tanawin at pasyalan ng aming bundok, ang bundok ng Arayat.
Malamig na hangin, kaysarap yakapin

Kumpara sa ibang bansa, ang Pilipinas ay mayroon lamang iilang klasi ng pamahon, minsan maaraw, mahangin, okaya’y maulan. Pagdating naman sa hangin, mayroong dalawang uri ng ganito ang Habagat at ang Amihan, alam natin na ang Habagat ay ang hangin kapag maulan at ang Amihan naman kapag patapos na mga bagyo’t ulan sa ating bansa. Bagaman mas kilala ang Amihan bilang isang malamig na hangin, alam mo bang si Amihan ay isa ring diwata?
Pinaniniwalaang si Amihan ay isa sa mga pinaka-unang nanirahan sa mundo. Siya ay isang ibon na may iba’t ibang kulay tulad ng Berde, Asul at Ginto. Ang kaniyang mga pakpak ay napakalaki kaya naman bawat kumpas niya rito ay naaapektuhan ang klima ng kaniyang nililiparan. Kapatid naman ni Amihan si Habagat kung kapag si Habagat ang nandiyan, ulan ang darating, ang pagdating naman ni Amihan ay simbolo ng pagtatapos ng pag-ulan.
Madalas sa atin noong bata pa tayo, kapag dumarating na si Amihan at ang hangin ay lumalamig na, sasabihan na natin ang ating mga nanay na maghanda at magluto ng champorado para kauwi natin galing sa eskwela, ay mayroon tayong mirienda at katapos ay matutulog na lang buong hapon dahil sa lamig ng hangin na dala ni Amihan, talaga namang mas gugustuhin mo nalang pumasok na lang sa kwarto at matulog kaysa lumabas at mahanginan. Pero minsan, masarap din sa pakiramdam ang mayakap ng isang napakalamig na hangin, hindi ba?
Ayan ang pinapaalala ng Hanging Amihan sa atin kapag siya ay paparating na, mga magagandang alaala noong tayo’y mga bata pa. Hindi ba parang kay sarap balikan ang nakaraan, ang ating mga masasayang karanasan kapag si Amihan ay nandiyan na. Sa panahon ngayon, mayroong mga pista na pinagdiriwang pagdating ni Amihan at sa totoo, may mga palabas pa na tungkol sa kaniya. Ang epekto ng mga palabas na ito, hindi lamang pinapakilala si Amihan sa atin kundi pinapa-alala na rin ang ugayan natin sa ating kapaligiran.



Leave a comment